Buhay Dubai vlog

Buhay Dubai vlog

Share

life is going on
time is gold

Photos from Buhay Dubai vlog's post 01/04/2025

More than just a home, Minami Residences offer endless possibilities!

Hanna house model is designed to grow with you. The basic side expansion gives you an extra bedroom or a dedicated office space for your work-from-home setup.

*This is just a suggested expansion idea.
*All expansion plans should comply with our home improvement guidelines.
For more details
and inquiries inbox me
Teodora Vicena De Castro

23/03/2025

Let's jump

Photos from Buhay Dubai vlog's post 16/03/2025

Hello guys order na po kayo
Whatsapp me 0569951918

15/03/2025

Sarap ng pagkaing pinoy

15/03/2025

Hello guys kamosta Ang lahat

01/02/2025

Hi

08/11/2024

Hello

08/11/2024

With Mohsin Masqati – I just got recognized as one of their top fans! 🎉

07/05/2024

Jbr

15/03/2024

THE BILLIONAIRES MAID (ALPHA SIGMA DELTA SERIES #1)

UNANG KABANATA

"Ate, ang sarap naman nito. Sana palagi tayong makakain ng ganitong kasarap na pagkain."

"Oo nga! sawa na kasi ako sa kangkong. Kulang nalang ate tubuan ng kangkong yung katawan ko." Nakangusong sabi ng kapatid ko.

Nasa loob kami ng isang sikat na fastfood restaurant na Jollibee. Ito yung may higanteng bubuyog na sumasayaw at palaging bida-bida at paboritong panoorin ng mga kapatid ko.

"Hoy, tumigil kayong dalawa. Pasalamat kayo may kinakain tayo palagi. At iba-iba naman ang putaheng niluluto ko auh." Saway ko sa dalawang bubwit habang sinusubuan sila ng kanin.

"Eh ate, iba-ibang putahe nga ang niluluto mo pero kangkong parin naman.. Nilagang kangkong, adobong kangkong at ginataang kangkong. " Nagkakamot sa ulong sabi nito.

"Nathan and Ethan, tumigil na kayo. Anong sinabi ko sa inyo? Dapat kung anong nakahain 'wag nang magreklamo at magpasalamat na lang. Ang importante may kinakain tayo araw-araw. Ayaw niyo 'yun? Healthy kayo lagi kasi puro gulay ang kinakain niyo." Pagpapaliwanang ko sa kanila habang ginugulo ang buhok nilang dalawa.

Masaya ko silang pinagmamasdan habang nag e-enjoy sila sa pagkagat ng manok.

Tatlo nalang kaming magkakapatid at ako ang bumubuhay para sa amin. Maaga kaming naulila dahil namatay ang ina namin sa sama ng loob sa tatay namin. Galit na galit ako sa tatay ko hanggang ngayon dahil mas pinili niya pa ang kabet niya kaysa sa amin. Gusto ko talagang maging g**o pero alam kong malabo nang mangyari iyon dahil highschool lang ang natapos ko. Gipit na gipit din ako dahil pinapaaral ko pa ang dalawa kong kapatid na kambal at kasalukuyan silang nasa ikaapat na baitang sa elementarya.

"Ate, busog na ako. Tara uwi na tayo."

Napatingin ako kay Nathan nang dumighay ito habang humahawak sa tiyan niya.

"Salamat ate, busog na busog kami. The best ate ka talaga!" Nakingiting sabi ni Ethan at yumakap pa sa akin.

"Para sa inyong dalawa, gagawin ni ate ang lahat." Sabay halik ko sa pisnge nilang dalawa at kiniliti ang tagiliran nila. Hindi nila napigilang humagikhik kaya natawa nalang ako sa mga pinangagawa namin.

Napangiwi nga lang ako dahil alam kong sa masama galing ang perang pinangkain namin. Pero ito na ang hanapbuhay ko ang mandukot, para mas marami ang kita. Alam kung mali pero wala akong mahanap na ibang trabaho dahil hindi ako nakapagkolehiyo. At totoo nga ang kasabihan na "ang taong nagigipit sa patalim kumakapit."

Ako nga pala si Elenita Mayumi Dimaapi, katulad ng aking apelyido hindi ako nagpapaapak kahit kanino at palagi akong lumalaban kapag alam kong nasa tama ako.

____________________________________________________________________________________________________________

Matapos kaming kumain, sumakay kami ng tricycle at umuwi kami kaagad. Alas dos palang ng hapon, kaya tirik na tirik parin ang sikat ng araw. Pinababa ko na ang dalawa kong kapatid at sabay kaming pumasok sa maliit naming bahay. Pagkapasok namin bigla silang umupo sa upuan namin na gawa sa kawayan.

Nilibot ko ang paningin sa inuupahan naming bahay. Makitid ito kumpara sa ibang bahay, pero sakto lang naman ito sa aming tatlo. May maliit na sala, tapos kusina at may isang kwarto. Tabi tabi lang naman kami matulog kaya sapat na sa amin ito. Libre din naman kami sa tubig dahil doon kami naliligo sa poso sa likod ng bahay namin, at may palikuran narin doon.

"Kambal." Tawag ko sa dalawa upang makuha ang atensiyon nilang dalawa dahil tutok na tutok sila sa black and wite t.v namin. "Aalis muna ako. Behave muna kayong dalawa." Pagpapaalala ko, tumingin muna sila saglit sa akin at tumango bago ibinalik ang kanilang atensiyon sa pinapanood nila. " Magtatrabaho lang si ate. At sagutan niyo narin yung mga assignments niyo. Babalik ako agad. Tinawagan ko na si ate niyo Pearly para bantayan kayo. 'Wag kayong mag-alala babalik ako kaagad."

"Opo ate."

"Ingat ka ate, balik ka agad."

Hinalikan ko muna ang kanilang nuo bago ako lumabas ng bahay. At sakto lang dahil pagkabukas ko ng pinto sumalubong agad sa akin yung namumulang nguso ni Pearly. Ngumiti siya bigla sa akin kaya nakikita ko ang bungi niyang ngipin kaya napangiwi ako.

"Paul, ingatan mo ang mga kapatid ko, kung ayaw mong tanggalan kita ng ngipin. Kilala mo ako, kapag napahamahak ang mga kapatid ko, mata mo lang ang walang latay." Pagbabanta ko sa kanya at ipinakita ko ang kamao ko at nag-aambang susuntukin siya.

"Ano kaba naman Nita, it's Pearly not Paul." Maarteng sabi nito at kinukurap kurap pa ang mata na akala mo may sore eyes. Napangiwi nalang ako dahil sa mukha nito. "Kalurkey ka, sige na umalis kana. At ako na ang bahala sa kapatid mo." Pagtataboy niyo sa akin at tinulak tulak pa ang likod ko.

Napailing iling nalang ako at sinuot ang sumbrero sa ulo ko.

Pumara ako ng tricycle at sumakay doon. Magkikita pa kami ni Karding. Si Karding ang kasama ko sa pandurukot simula noon, at nagbebenta siya ng mga illegal na droga. Ilang beses na niya akong niyaya pero tumanggi ako, dahil mga demonyo lang ang gumagawa nun. Sinisira nila ang buhay ng tao lalo na ang mga kabataan.

Pupuntahan ko lang siya dahil may bagong raket na naman daw kami at mas malaki ang kita, kaya hindi na ako nagdalawang isip na tanggapin ang alok niya.

Naputol ang pagmumuni-muni ko nang biglang tumigil ang tricycle.

"Miss, nandito na po tayo." Biglang sabi ni manong.

"Sige manong, maraming salamat." Inabot ko ang bayad ko bago bumaba. Bigla akong tumawid at hindi ko napansin na may biglang humaharurot na sasakyan ang papunta sa direksyon ko.

Biglang napasigaw ang mga tao at naestatwa ako sa kinakatayuan ko. Ipinikit ko ang mga mata ko at malakas ang kabog ng dibdib ko. Tahimik ako nagdasal na sana 'wag muna akong kunin ni lord dahil hindi pa ako handang mamatay at marami pa akong pangarap sa buhay ko lalong lalo na sa mga kapatid ko.

Ilang minuto pa ang hinintay ko pero walang namang masakit sa katawan ko. Unting-unti kong binuksan ang mga mata ko at kinapa ang katawan ko kung buhay pa talaga ako.

"WHAT THE F**K ARE YOU DOING? ARE YOU AN IDIOT? IF YOU WANT TO F**KING DIE, JUST DIE SOMEWHEREELSE, NOT HERE! YOU WILL STAIN MY F**KING PRECIOUS CAR WITH YOUR DIRTY BLOOD!"

Napaangat naman ang tingin ko dahil sa lalaking sumisigaw. Nagtama ang tingin namin at una kong napansin ang abo niyang mata. Pinagmasdan ko siyang mabuti, ang kapal ng kilay niya, ang tangos ng ilong niya at ang ganda rin ng kurba ng labi niya. Perpekto ang pagkakahulma ng mukha niya lalo na ang panga niya at moreno ang balat nito na nakakadagdag sa appeal nito. Halatang mayaman ito dahil sa kanyang pananamit, at alam kong dayuhan ito dahil sa pananalita nito.

"Sono un bastardo così fortunato da vedere una dea in mezzo alla strada."( I'm such a lucky bastard to see a goddess in the middle of the roadway.) Biglang sabi nito at nag-iwas ng tingin.

Napakunot naman ang nuo ko dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi niya, baka naman minumura ako nito.

"F**k you too!" Mura ko rin sa kanya, kaya bumalik ang tingin niya sa akin at malamig na tumingin sa mga mata ko.

"Why the hell are you cursing me woman? You're the only person who has the guts to talk to me like that. " Walang emosyon niyang sabi sa akin. Kinilabutan naman ako dahil ang lamig at lalim ng boses niya. At namomroblema ako dahil english ang sinabi niya, at wala akong ma gets. Woman lang naintindihan ko.

"Hoy! Ikaw na nga ang muntik na makabangga sa akin tapos ikaw pa ang maangas." Sigaw ko sa pagmumukha niya at dinuro duro pa siya.

"What? If you want me to understand you, speak in english. I don't understand a single thing that you are blabbering." Nakakunoot noong sabi nito.

Medyo naintindihan ko ang sinasabi niya. At ano? ako pa ang gusto niyang mag adjust? Neknek niya, sa Pilipinas kami hindi sa Amerika.

"Bahala ka diyang kano ka! gwapo kapa naman din kaso may toyo ka ata sa utak. Sa susunod na ako gaganti sa'yo dahil may mahalagang bagay pa akong gagawin." Sabay irap ko sa kanya at tinalikuran siya. Pero hindi pa ako nakakaisang hakbang nang higitin niya ang kamay ko at hindi ko inaasahan ang gagawin niya.

"That's your punishment for cursing me. Next time if our path will cross again, i'll make sure that your lips will bleed and you'll shout my name in so much pleasure." Nakangising sabi niya at binigyan ako ng makahulugang tingin bago siya pumasok sa sports car na may tatak na Ferrari at pinaharurot iyon.

At ako naman ay iniwan niyang nakatulala habang nakahawak sa labi ko.

P-putangina! Ang first kiss ko nawala. Ninakaw niya ang first kiss koo!!

—written by: Buhay Dubai vlog

Want your business to be the top-listed Beauty Salon in Dubai?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Website

Address

Dubai
Dubai
00000