Better days with Joey Hipolito
Positive thoughts and vlogs.
Maging maingat kung paano tayo namumuhay. Maging ilaw at asin tayo ng sanlibutan. Disiplinahin ang sarili at mabuhay sa kabanalan.
To become a powerful servant of God we must be filled of the Holy Spirit.
Live a Holy life.
A peaceful and blessed morning to everyone!
Juan 1:1-5
Ang Salita ng Buhay
Nang pasimula ay naroon na ang Salita; ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos. Sa pasimula ay kasama na ng Diyos ang Salita. Nilikha ang lahat ng bagay sa pamamagitan niya, at walang anumang nalikha nang hindi sa pamamagitan niya. Nasa kanya ang buhay, at ang buhay ay siyang ilaw ng sangkatauhan. Nagliliwanag sa kadiliman ang ilaw, at hindi ito nagapi kailanman ng kadiliman.
Ang pag-ibig ng Diyos ay para sa lahat.
"Love your neighbors as yourselves. "
" Hindi Tayo Taga Sanlibutan"
Magandang Balita Biblia
Juan 17:13-14
Ngunit ngayon, ako'y papunta na sa iyo, at sinasabi ko ito habang ako'y nasa sanlibutan pa upang mapuspos sila ng aking kagalakan. Naibigay ko na sa kanila ang iyong salita, at kinapootan sila ng sanlibutan, sapagkat hindi na sila taga-sanlibutan, tulad ko na hindi taga-sanlibutan.
Magandang Balita Biblia
1 Juan 2:14-17
Sumusulat ako sa inyo, mga anak, sapagkat kilala ninyo ang Ama. Sumusulat ako sa inyo, mga ama, sapagkat kilala ninyo siya, na sa simula pa'y siya na. Sumusulat ako sa inyo, mga kabataan, sapagkat malalakas kayo; nananatili sa inyo ang salita ng Diyos, at napagtagumpayan na ninyo ang Masama. Huwag ninyong ibigin ang sanlibutan o ang mga bagay na nasa sanlibutan. Ang umiibig sa sanlibutan ay hindi umiibig sa Ama. Ang lahat ng nasa sanlibutan, ang pagnanasa ng laman, ang pagnanasa ng mga mata, at ang pagmamalaki sa buhay na ito ay hindi nagmumula sa Ama kundi sa sanlibutan. Mawawala ang sanlibutan at ang lahat ng mga bagay na pinagnanasaan ng mga tao, ngunit ang mga sumusunod sa kalooban ng Diyos ay mabubuhay magpakailanman
Kumusta ka bilang Kristiyano kapatid, minamahal?
Yes, we are saved by Grace pero hindi ibig sabihin pwede tayong mag patuloy sa pagkakasala?
The Bible says ;
John 3 :16
John 3 :3, 7
2 Corinthians 5:17
Galacians 5:16-26
Hebrews 12:14
[14]Follow peace with all men, and holiness, without which no man shall see the Lord:
Sundin ninyo ang kapayapaan sa lahat ng mga tao, at ang pagpapakabanal na kung wala ito'y sinoman ay di makakakita sa Panginoon:
Mahal tayo ng Diyos.
Piliin ang Diyos.
Hayaan nating ayusin ng Diyos ang ating buhay.
God bless everyone!
Mahal ka ng Diyos kaibigan, kapatid mga minamahal.
Pag sisihan ang lahat ng mga kasalanan at sumunod sa Panginoong Jesu-Cristo.
Magandang Balita Biblia
Pahayag 22:20-21
Sinasabi ng nagpapatotoo sa lahat ng ito, “Tiyak na nga! Darating na ako!” Amen! Dumating ka nawa, Panginoong Jesus! Nawa'y makamtan ng lahat ang kagandahang-loob ng Panginoong Jesus. Amen.
" Holiness "
Ang lahat ng gawaing ang Diyos ang nag tatag ay tiyak na matagumpay!
Hindi ito dahil sa gawa ng tao.
Kaya wala naman talaga tayong dapat ipag malaki at ipag mataas.
Sapagkat Diyos ang may ari ng lahat, wala tayong pag mamay ari ni kahit isang hibla ng buhok ng kawan, o ni isang piraso ng pako sa bahay dalanginan.
Ang palad natin dahil pinagkatiwalaan tayo ng ating Diyos na manlilikha at makapangyarihan sa lahat.
To God be all the Glory!
Salamat sa mga lingkod ng Diyos, to all Apostles , Prophets, Evangelist, Pastors and Teachers.
"Ang Pastol at ang mga Tupa"
Ang tupa kahit walang pastol tupa parin parin siyang matatawag.
Ang Pastol hindi matatawag na pastol pag walang kawang pinapatulan.
Kaya mahalin ng pastol ang kanyang inaalagaang mga tupa, at kung sa gayon, darating ang panahon na mapag papala siya ng karne, gatas at balahibo ng mga ito.
God bless sa lahat ng Pastol na mahal ang inaalagaang mga tupa.
God bless sa mga tupang kilala ang tinig ng kanyang maamo at mapag mahal na pastol.
To God be all the Glory!
Be Wise, stay on the Standard of God's teaching.
Do not try to sugarcoat the way to Salvation.
Live a Holy life.
Pag itinutuwid tayo ng Salita ng Diyos, huwag na tayo mangatwiran pa. Siya ang ating manlilikha.
Click here to claim your Sponsored Listing.
