online seller(Preorder-Onhand)
Continually Found
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Continually Found, Labo.
🌿 Healing through nature, faith, quiet moments, and the courage to become.
📖 A visual journal of becoming—one reflection, one trail, one quiet moment at a time.
LORD, SALAMAT! MAS MAGAAN NA! 🌿
Somewhere along the way, my heart learned to feel lighter. 🌿
Still dreaming. Still becoming. Still grateful.
Thank You, Lord, for bringing me this far. đź’š
— 10.22.2026
19/08/2026
May mga sulat na hindi mo naman hinahanap, pero kapag nabasa mo, mapapatigil ka at mapapasabi ng—
“Ganito ako magmahal eh!.”
Nang mabasa ko ito, tila may bahagi sa akin na nagsabing—“Ganito nga ako.”
Kasi kapag minahal ko ang isang tao, gusto kong makilala siya nang buo.
Hindi lang ang mga magagandang bahagi niya, kundi pati yung mga bagay na hindi niya ipinagmamalaki. Yung mga tahimik niyang sandali. Yung paraan ng paghinga niya kapag may iniisip. Yung simpleng pagbabago sa kilos o boses na nagsasabing may hindi okay.
Yung alam mong hindi siya okay kahit sabihin niyang,
“Okay lang ako.”
At minsan, hindi naman kailangan ng maraming salita.
Yakap lang.
Minsan, alam mo na.
Siguro ganoon talaga ako magmahal.
Kapag nakilala kita, talagang makikilala kita.
At kapag minahal kita, hindi lang yung magandang bersyon mo ang pipiliin ko. Kasama pati yung mga araw na mahirap kang intindihin.
Kaya habang binabasa ko ito, napangiti ako at napaisip—
“Sana may taong makakakilala rin sa akin nang ganoon.”
Yung makakapansin kung kailan ako hindi okay kahit tahimik lang ako.
Yung alam kung kailan ako kailangang patahanin, kailan ako kailangang yakapin, at kailan kailangan lang niyang manatili.
Hindi naman ako naghahanap.
Siguro, pangarap lang.
At kung wala man, okay lang din.
Dahil alam ko namang ganito talaga ako.
Ganito ako magmahal.
Pero aminado ako…
Nakaka-miss din palang isipin na baka may isang taong makakakilala rin sa akin nang ganoon.
“Kilala kita.”
Sana balang araw, marinig ko rin iyon.
Some words don't just describe what we hope to find. Sometimes, they remind us of who we already are.
🌿 Until the next page.
Mapunta ka sana sa taong ikaw ay makakabisado.
Kung paano ka patahanin sa tuwing dinadalaw ka ng matinding bagabag. Nauunawaan ang tahimik mong pag-iyak. Kaya kang damayan sa panahong mahirap, at magpupumilit kahit pumipiglas ka sa pagyakap.
Mapunta ka sana sa taong pinapahalagaan ang lahat sa iyo. Mga bagay na hindi pinahahalagahan ng mga tao. Nauunawaan ang mga mata mo, at kahit 'di magsalita, kahit 'di ka lumuha—alam niya ang lahat mong takot , pangamba at haka.
Mapunta ka sana sa taong nakikilala ang puso mo. At kailanman ay hindi mag-iisip na pagtaksilan ito. Pagkat banayad at totoo— ang pag-ibig na hinintay, pinagtiyagaan, pinagpanata't , pinuhunanan.
Doon sana ang maging katapusan ng iyong kwento.
Ang mapunta ka sa tamang tao, tama para sa'yo.
-Mga Akda ko
14/08/2026
Found in Letting Go 🌿
“To live is to leave.”
Ang simple ng line, pero somehow, it made me pause.
Kasi totoo naman. Habang nabubuhay tayo, may mga bagay talaga tayong kailangang iwan—places that once felt like home, people we thought would stay, old routines, old dreams, and even versions of ourselves, minsan akala natin sila na talaga, o tayo na forever.
Minsan, ang hirap umalis. Kasi kahit alam mong hindi na para sa’yo, may part of you na nanghihinayang pa rin. May mga endings na parang loss. May mga goodbyes na hindi mo naman pinili. At may mga chapters na gusto mo sanang pahabain kahit alam mong tapos na.
But maybe leaving doesn’t always mean losing.
Sometimes, it simply means making room.
Room for something new. Room to grow. Room to become someone you haven't met yet.
Siguro ito rin yung isa sa mga natututunan ko lately—that not everything we love is meant to stay, and not every ending needs to be understood right away.
Some things are meant to be experienced, felt, learned from… and eventually, released.
And maybe that's okay.
Because growing up isn't always about knowing exactly where you're going. Sometimes, it's just having enough courage to leave what you've already outgrown, even when you don't know yet what you're going to find.
And perhaps that's what continually found means.
Hindi ibig sabihin na hindi na tayo maliligaw.
It means that somewhere along the way—after every leaving, every losing, every learning, and every beginning again—we keep finding our way back to ourselves.🤍
I came across these words from "Solace in Solitude", and somehow, they found something in me.
Until the next page. 🌿
Akala ko dati,
kailangan munang tumigil ang ulan
bago natin masabing maganda ang araw.
Pero minsan pala,
you just have to stop trying to stay dry. 🌧️
And somewhere in between the rain,
the laughter, and the moment,
I realized…
maybe life doesn't always have to clear up
before we allow ourselves to enjoy it.
Minsan, nandiyan na pala yung saya.
Kailangan lang nating bitawan yung payong
at hayaan ang ulan na maging parte ng alaala. 🤍
Maybe the rainbow was never something
we had to wait for.
Maybe it was already there—
over our heads,
even while it was raining.
This is another page from Continually Found.
Until the next page. 🌿
Enjoy the View
May mga tanawin palang hindi kailangang angkinin...
May mga tanawin palang hindi kailangang angkinin.
Kailangan lang pagmasdan.
Hindi kailangang pangalanan.
Hindi kailangang ipaliwanag.
Hindi kailangang hingan ng pangako.
Minsan...
sapat nang nandiyan sila.
At sapat nang nandito ka rin.
Hindi ko alam kung kailan nagsimula.
Basta isang araw,
napansin kong mas mabagal na akong bumaba ng bundok.
Hindi dahil pagod ako.
Kundi dahil may mga tanawing ayaw kong madaliin.
May mga katahimikang gusto kong namnamin.
May mga ngiting gusto kong manatili nang kaunti pa.
Nakakatuwa.
May mga bagay pala talagang hindi natin kailangang iuwi,
para manatili sa atin.
May mga presensyang hindi kailangang maging atin,
para maging bahagi ng kuwento natin.
At marahil...
iyon ang pinakamagandang uri ng biyaya.
Yung hindi mo hinahawakan.
Pero hinahayaan mong hawakan ang puso mo.
Kaya salamat.
Salamat sa mga ngiting hindi mo alam na naibigay.
Salamat sa paalalang...
kaya ko pa palang huminto,
tumingala,
at humanga.
Hindi ko alam kung hanggang saan ang landas.
Hindi ko rin alam kung hanggang kailan ang tanawin.
Pero sa ngayon...
wala akong balak magtayo ng tent.
Gusto ko lang maglakad.
Huminga.
Magpasalamat.
At i-enjoy ang view.
Dahil ang ilang tanawin,
hindi ipinapadala para angkinin.
Ipinapadala sila...
para ipaalalang maganda pa rin ang mundo.
At minsan,
iyon lang ang kailangan ng puso.
Continually Found
JG/ 07.30.26
24/07/2026
You are not your emotions.
There was a time when I thought every emotion deserved a permanent address in my heart.
If I felt afraid,
I believed I had become a fearful person.
If I felt lonely,
I convinced myself that I would always be alone.
If I felt anxious,
I thought something in me was broken.
But someone once reminded me of something I still carry today...
You are not your emotions.
Emotions are visitors.
Some stay for minutes.
Some stay for days.
Some arrive without warning and leave without saying goodbye.
But none of them get to decide who you are.
So lately, whenever life feels a little heavier,
I ask myself a different question.
"What is this feeling trying to teach me?"
And before the day ends,
I look for one thing.
Just one.
One reason to be grateful.
Not because gratitude erases the pain,
but because it reminds me that pain isn't the whole story.
Maybe healing isn't about never feeling sadness again.
Maybe it's learning that hope can quietly exist beside it.
And maybe...
that's enough for today.
This reflection began with a quiet reminder from J.B.A.
Thank you for the reminder that stayed.
🌿
— Continually Found
🤍
Other Labo beauty salons
Show AllRica Cubinar Bardon
Labo Camarines Norte, Labo
ECHO ECKS
Guisican Labo Camarines Norte, Labo
wag ako!
Deeday's trading
Labo 4604
general merchandize
Arserene's SOAP Manufacturing
Labo 4604
Activated Coconut charcoal soap with VCO and Coco Sugar can prevent premature aging, clear blemish, gently exfoliate, deep cleanse skin, hydrate skin for 24 hours and repair skin c...
madiskarting nanay
Daguit, Labo 4604
walng magugutom sa taong masipagďż˝
Jinky
Labo 4604
Nworld Products By Sarah Jane Cajan
Labo Camarines Norte, Labo 4604
Nworld Products
Moodys
Labo Camarines Norte, Labo 051605
gdvibesonlyďż˝
Alma Gavin
Labo
✨Professional Esthetician✨ ✨Certified Cosmetics✨ ✨Certified Skin Specialist at Joe Cepeda✨ ✨AG✨ BEAUTY & ESTHETICS✨ ✨Studied Proffesional in Esthetics at Rosewood College✨ ✨Beauty...
Daet Massage and Spa - Labo Branch
Labo National Highway, Labo 4604
Located at Labo National Highway, just across JCT gas station near Hills garden restaurant.
Raffa's Honey Bee
Labo Camarines Norte, Labo 4600
Alerts
Be the first to know and let us send you an email when Continually Found posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.
Subscribe
We will notify you when anything happens in Labo.