Puti-Puti Vlog
Sincerity entails action without expecting recognition. Puti-Puti Vlog
Hindi natin alam ang haba ng buhay, huwag nawa tayong lubugan ng katwiran kundi ang iniipon natin sa puso ay ang Salita ng DIOS, at hindi sama ng loob.
゚viralシ
Kailan pa tayo babalik sa kalooban ng Diyos? Kailan pa natin iiwan ang mga maling landas na matagal na nating nilalakaran? Hihintayin pa ba nating dumating ang oras na hindi na tayo makalakad pabalik? Kapag ang ating mga paa ay pantay na, nakahimlay sa katahimikan ng libingan, at ang init ng ating katawan ay matagal nang pinalamig ng panahon?
Kailan pa?
Kapag ang mga mata nating nakakakita ngayon ay hindi na muling mamumulat? Kapag ang mga labing nakapagsasalita pa ngayon ay tuluyan nang tumahimik? Kapag ang puso nating tumitibok sa bawat sandali ay tumigil na sa pagbibilang ng oras?
Masdan mo ang paligid.
Gaano kalakas ang kulog na yumanig sa himpapawid? Gaano kabagsik ang unos na nagpapayuko sa mga punong wari'y matitibay? Hindi mo ba nakikita ang malalawak na bitak ng lupa, na tila paalala na sa isang iglap lamang, ang lahat ng inaakala nating matatag ay maaaring mabuwal?
Kapag inuuga ng Diyos ang mundo, hindi lamang lupa ang nanginginig kundi pati ang budhi ng tao na matagal nang natutulog sa kasalanan.
Ngunit sa gitna ng lahat ng ito, may isang tinig na patuloy na tumatawag.
Mahina sa pandinig ng mga abala, ngunit malinaw sa pusong naghahanap.
Tinig ng Diyos.
Tinig na matagal nang kumakatok. Tinig na paulit-ulit na nagsasabi: "Anak, bumalik ka." "Anak, may panahon pa." "Anak, habang may hininga ka pa."
Kaya pakiramdaman mo ang Kanyang pagtawag.
Huwag mong ipagpaliban ang pagsunod. Huwag mong ipagpalit ang walang hanggan sa mga bagay na lilipas din. Huwag mong hayaang maubos ang oras habang inaakala mong marami pa.
Sapagkat darating ang araw na ang tumatawag ngayon ay Siya namang tatawagin natin.
At nakapanghihilakbot isipin, na baka sa araw na iyon, ang paulit-ulit nating binalewalang tinig ay hindi na sumagot.
Ngayon ang panahon. Ngayon ang pagkakataon. Ngayon ang araw ng pagbabalik.
Sapagkat mapalad ang nakikinig sa Salita ng Diyos, ngunit lalong mapalad ang tumutupad habang may oras pa.
Bumalik tayo sa Diyos bago ang tawag na maaari pa nating sagutin ngayon ay maging alaala na lamang ng pagkakataong minsang dumaan, ngunit hindi natin pinansin.
Ang totoong natatakot sa DIOS ay kumikilala at tumutupad sa utos.
Nakikita sa bunga. May pagsunod ang totoong takot sa DIOS.
゚viralシ
Huwag ituro sa bata ang galit ng tao; ituro ang pag-ibig, sapagkat ang galit ay hindi gumagawa ng katwiran ng DIOS, ngunit ang aral ng Diyos ay Pag-ibig na syang dapat mananatili hanggang wakas.
゚
03/06/2026
Hindi ko kontrolado ang lahat ng mangyayari sa buhay ko
May mga bagay na magpapayanig sa akin,
Ngunit hindi ako nagtitiwala sa sarili kung lakas, Dahil nakalagak ang tiwala ko sa DIOS na nakakakita ng aking kalagayan at nakakaalam ng aking pinagdaraanan.
゚
31/05/2026
Hindi lang sila minamahal dahil “obligasyon,
kundi dahil sa alaala ng sakripisyong hindi mo kayang bayaran,
at sa presensya nilang minsang naging sandigan ng buong pagkatao mo.
Sapagkat kung dahil sa paghahanap ng kabuhayan ay nakalimutan natin ang nagbibigay-buhay, hindi ba't para na rin nating sinabi na mas mahalaga ang biyaya kaysa sa Pinagmulan ng biyaya?
゚
Ang Diyos ang mas mataas sa lahat ng kapangyarihan, kaya hinihiling natin na gabayan Niya ang mga lider sa tama.
Hindi lahat ng nasa trono ay matuwid,
pero ang puso ng nananalangin ay hindi naghahangad ng pagbagsak,
kundi pagbabago, gabay, at kapayapaang manggagaling sa Diyos.
Hanggang saan ka aabot…
bago mo mapansin na ang matigas mong puso
ang mismong pumipigil sa pagbabago na hinihingi mo?
Click here to claim your Sponsored Listing.
