The Potter's House Christian Center - Baclaran
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from The Potter's House Christian Center - Baclaran, 91 2nd Floor Buenavista Bldg. Pinaglabanan cor Quirino Avenue, Baclaran, Paranaque, Las Piñas.
12/07/2026
BAKA KAILANGAN MO MUNANG HUMINTO SAGLIT
"Sabi nung isa, “Buti pa siya ang ganda ng trabaho sa abroad samantalang ako andito pa rin sa Pinas.”
Sabi naman nung isa, “Buti pa siya magkakasama sila ng pamilya niya sa Pinas samantalang ako mag-isa lang dito sa abroad.”
—
Sabi nung isa, “Buti pa siya may asawa at mga anak na.”
Sabi naman nung isa, “Buti pa siya, ang sarap ng buhay pa-travel travel na lang. Single kasi.”
—
Sabi nung isa, “Buti pa siya may pamilya na, samantalang ako 39 na single pa din.”
Sabi naman nung isa, “Buti pa siya single. May time para gumala kasama ang mga friends samantalang ako nastuck na sa buhay pagpapamilya .”
—
Sabi nung isa, “Gusto ko na magresign. Badtrip si Boss pati mga kasamahan ko!”
Sabi naman nung isa, “Buti pa siya may trabaho.”
—
Sabi nung isa, “Kainis. Ang bobo ko talaga. Isa na lang mapeperfect ko na yung exam.”
Sabi naman nung isa, “Tsk. Isang point na lang nakaabot sana ako sa passing score.”
—
Sabi nung isa, “Buti pa siya busy sa negosyo. Siguro ang yaman na niya.”
Sabi naman nung isa, “Buti pa siya may peace of mind, pa-Netflix and chill lang samantalang ako stressed sa negosyo.”
—-
Sabi nung isa, “Buti pa siya masaya.”
Sabi naman nung isa, “Buti pa siya mas masaya.”
—-
Gets mo? Minsan, yung mga bagay na inirereklamo mo ngayon, hindi mo alam matagal na palang pinapangarap ng iba.
Sa lahat ng sitwasyon palagi tayong may makikitang kulang. Palagi nating makikita kung ano ang wala tayo kaya pakiramdam natin hindi pa rin sapat. Kasi mali yung konsepto natin kung paano maging masaya. Ang ginagawa nating basehan ng kaligayahan ay ang kaligayahang nakikita natin sa iba. Kaya ang ending, instead of actually finding happiness, you find disappointment.
Hindi masamang mangarap na “Sana, we could have the best of both worlds.” Wag nga daw tumigil mangarap di ba. “Don’t settle for something less than you deserve” nga daw. Pero minsan sa sobrang focused natin in “The Pursuit of Happiness” nakakalimutan na nating maging masaya right at the moment.
Siguro, baka kelangan muna nating huminto saglit at namnamin pansamantala ang mga bagay na meron tayo para marealize nating wala yan sa taas o sa baba ng pangarap o sa layo ng narating mo. Dahil minsan, mas masaya pa yung simpleng mekaniko sa trabaho niya kesa dun sa Mechanical Engineer na naka-based sa UAE. Dahil minsan, mas masaya pa yung mag asawang sapat lang ang kinikita kesa sa mag asawang akala mo perfect sa socmed na "rich rich" pero sa likod non panay murahan at sumpaan na pala at nasa bingit na ng paghihiwalay.
At the end of the day, it’s about being grateful with what you have kahit nasaang sitwasyon ka pa; Unli-Samgyup man yan o sixty pesos na Pares lang sa kanto, Matcha seasalt man yan o sampung pisong magic palamig.
Malay mo, dun pa rin pala tayo sasaya sa mga simpleng bagay na meron na tayo dati pa. ‘Coz where we are depends on how we look at things.
Blessed ka pa rin."
☺
Sunday Evening Service
Speaker: Ptr Rico Herrera
Sunday Morning Service
Speaker: Ptr Rico Herrera
12/07/2026
"For God has not given us a spirit of fear, but of power and of love and of a sound mind." — 2 Timothy 1:7
Fear respects no one. It doesn't matter who you are, where you came from, or what you have. Fear can keep doors closed, cripple lives, and stop us from walking into God's purpose.
But God never intended for His children to be controlled by fear. He has given us power, love, and a sound mind to overcome every uncertainty and every battle.
Join us today as we hear God's Word through the message:
"God Did Not Give Us the Spirit of Fear."
If fear has been holding you back, this is your invitation to encounter the One who brings peace, courage, and freedom. Come as you are, and let God replace your fear with faith.
See you in church today. God has a word just for you!
08/07/2026
"Maaari nating gawin ang kahit ano, pero hindi lahat ay nakakabuti o nakakatulong."
Hindi lahat ng bagay na pwede ay kalooban ng Diyos.
Bilang Kristiyano, may mga bagay na legal, katanggap-tanggap, o walang tahasang pagbabawal sa Bibliya—pero hindi ibig sabihin ay makakabuti ito sa ating espirituwal na buhay.
Halimbawa:
Pwede kang gumanti sa taong nanakit sa'yo, pero pinili ni Jesus ang pagpapatawad.
Pwede kang magsalita ng masasakit na salita kapag galit ka, pero tinatawag tayong magsalita ng may biyaya.
Pwede kang sumabay sa uso ng mundo, pero tinawag tayong maging banal at kakaiba.
Pwede mong unahin ang sarili mong kagustuhan, pero tinawag tayong ipagkaila ang ating sarili at sumunod kay Cristo.
Sinasabi ng 1 Corinthians 10:23:
> "Everything is permissible, but not everything is beneficial. Everything is permissible, but not everything builds up."
Ang tanong ng isang mature na Kristiyano ay hindi lamang: "Masama ba ito?"
Kundi:
"Makakalugod ba ito sa Diyos?"
"Makakapagpatibay ba ito sa aking pananampalataya?"
"Makakatulong ba ito sa ibang tao?"
"Magbibigay ba ito ng kaluwalhatian sa Panginoon?"
Ang tunay na kalayaan sa kay Cristo ay hindi ang kakayahang gawin ang lahat ng gusto natin, kundi ang kapangyarihang piliin ang tama kahit may kalayaan tayong gawin ang mali.
"Just because you could, doesn't mean you should. Wisdom is not found in what you can do, but in what you choose to do for the glory of God."
08/07/2026
Sometimes truth is stranger than fiction.
Life has a way of showing us things we never expected. What seems unbelievable can often be the very truth we need to face.
But the greatest truth is not found in stories—it is found in Jesus Christ. His truth has the power to change lives, bring freedom, and give hope.
Join us tonight as we discover how God's truth is greater than anything we could ever imagine.
Come as you are. Bring your family and friends. We'd love to worship with you and grow together in God's Word.
Wednesday Evening Service
Speaker: Ptr Rico Herrera
Today wasn't just another Sunday—it was another reminder of God's unfailing love.
Thank You, Lord, for meeting us where we are. See you next Sunday. 🤍
Sunday Evening Service
Speaker: Ptr Rico Herrera
05/07/2026
In a world where many say the Church is irrelevant, outdated, or unnecessary, Jesus says otherwise.
If there is anything that is truly precious to Him, it is His Church—the Body of Christ.
And if you belong to Christ, you are part of that Body. You matter. You are important to Him.
Join us tonight as we discover why the Church remains God's heart and His plan for the world.
Come and worship with us tonight. We'd love to see you!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Telephone
Address
91 2nd Floor Buenavista Bldg. Pinaglabanan Cor Quirino Avenue, Baclaran, Paranaque
Las Piñas
1720
