All About Eve TV

All About Eve TV

Share

All About Eve - FAITH, BELIEF, FAMILY MATTERS, CAREER, TRAVEL GOALS, PRINCIPLES, FOODTRIPS, BEAUTY TIPS, BUSINESS IDEAS

Photos from All About Eve TV's post 29/06/2026

FYI: IPSA Community!

What: IPSA Parents, Teachers Forum and Conference
When: July 3, 2026
Time: 8:00 AM. - 12:00 NN
Where: IPSA (International Philippine School in Alkhobar) Campus

Kindly share🤩

Photos from All About Eve TV's post 29/06/2026

It’s time for today’s delicious, nutritious, and refreshing drink-join me!

28/06/2026

Palagi nating ipinapaalala na hindi maaaring tanggihan ang isang batang nais mag-enroll sa pampublikong paaralan dahil lamang sa may diagnosis, learning difficulty o anumang hamon sa pagkatuto. Hindi rin sapat na dahilan ang kakulangan ng kaalaman o karanasan ng g**o upang ipagkait ang pagkakataong makapag-aral ang isang bata.

Sa Inclusive Education kasama sa suporta na ibinibigay sa g**o ang training, materials, equipments at LSA o Learning Support Aide.

Sa halip, tungkulin ng paaralan na magbigay ng suporta, pag-unawa at angkop na gabay upang matulungan ang bawat mag-aaral na maabot ang kanilang potensyal. Dahil ang edukasyon ay karapatan ng lahat ng bata.

Unti-unti. Sama-sama nating isulong ang tunay na Inclusive Education sa ating bansa.

28/06/2026

Taking care of your body is the best investment you can make.
Along with a balanced diet, food supplements can help support your daily nutrient needs and keep your body strong and energized.
Nourish your body today for a healthier tomorrow. God bless everyone🙏

Send a message to learn more

28/06/2026

Blessed day everyone! Another beautiful day to be thankful! No matter how the day unfolds,Let’s keep our hearts light and our spirits bright as we move through the day.Keep smiling and stay grateful Dear TL's🥰

Send a message to learn more

Photos from All About Eve TV's post 27/06/2026

After a full day of dusting, scrubbing, and making everything sparkle in our home sweet home, it’s finally time to enjoy the reward.
Nothing better than sitting down to a well-deserved, comforting dinner in our favorite Asian restaurant. P.F. Chang's Ajdan Walk

Praise God for this wonderful night🥰😍

27/06/2026

Tandaan Natin: Inclusive Education ang Umiiral sa Pilipinas

​Hindi ito opinyon lamang; ito ay nakabatay sa batas.

​Upang maging malinaw lalo at ngayon ay enrollment period pa rin ng mga mag-aaral:

​1. Walang "Recommendation" na Kailangan para Makapag-enroll.

​Hindi kinakailangan ng rekomendasyon mula sa DevPed, SNED Teacher, o kahit kanino para lamang makapag-enroll ang isang bata sa grade level. Basta nakaenroll kailangan may grade level at LRN.

​Huwag gamitin ang salitang "rekomendasyon" bilang pasimpleng pagtanggi sa mga bata base sa kanilang disability o difficulty.

​Kung mayroon mang rekomendasyon o assessment, ginagamit ito upang malaman kung anong suporta ang kailangang ibigay sa bata. HINDI ito para sila ay tanggihan.

​2. Walang "Regular School" o "Non-Graded Level"

​K to 12 LAMANG ang opisyal na grade levels. Walang tinatawag na non-graded level.
​Walang "Regular School" dahil ang lahat ng paaralan ngayon ay dapat nakasailalim sa Inclusive Education.

​Ang edukasyon ay karapatan, hindi pribilehiyo.

​Sagot sa mga madalas na katwiran:

>> ​“Teacher AL, mahalaga ang assessment ng doktor...”

​Opo, alam ko. Kami mismo ang nagrerekomenda na magpa-Developmental Assessment ang bata upang malaman ang kanyang diagnosis at para maibigay namin ang mga nararapat na suporta.

Ngunit pagdating sa enrollment at placement, ito ay usaping educational. G**o, paaralan at ang DepEd ang may tungkulin at gumagawa nito.

​>> “Teacher AL, hindi ko ipipilit sa regular class ang anak ko dahil mas natututukan siya sa SNED. Ayoko siyang isama sa mga typical na kaedaran niya, baka mabully lang.”

​Ang SNED (Special Needs Education) ay HINDI isang section o hiwalay na classroom. Ito ay suporta na ibinibigay sa bata. Ang isang mag-aaral na may disability o difficulty ay maaaring makatanggap ng SNED support habang kasama at natututo kasabay ng kanyang mga kaedaran.

​Tungkulin ng g**o na ituro ang tamang pakikipagkapwa-tao. Kayang iwasan ang bullying dahil isa yan sa tungkulin naming mga g**o. Mas mahalaga ito kaysa sa kahit anong lesson for the day.

Hindi kailangan ng higit sa dalawang minuto para ipaalala sa klase ang kahalagahan ng pagiging mabuting tao. Lahat ng subject teacher ay pwedeng makapagbigay at magpaalala ng mga mabuting asal. All it takes is 2 minutes to remind everyone to be KIND.

​>> “Teacher AL, ie-enroll mo pa ang batang iyan? Ang dami ko na ngang estudyante, dadagdagan mo pa ng Learner with Disability o Difficulty?"

​Alam ko ang bigat ng tungkulin ng g**o. Kaya nga natin isinusulong ang Inclusive Education dahil hindi lang ito para sa mga batang may kapansanan o para sa mga SNED teachers.

Ito ay para rin sa mga Gen Ed Teachers. Ang batang may IEP (Individualized Education Plan) ay dapat makatanggap ng suporta at ang g**o na humahawak sa kanila ay dapat ding bigyan ng sapat na training, tulong tulad ng Learning Support Aide at kagamitan sa klase.

​Dito pumapasok ang Batas. Kapag may batas, may panuntunan at may basehan.

​Hindi natin maaaring idaan ang edukasyon sa "sa opinyon ko lang" o sa "common sense lang" base sa ating sariling realidad. Ang personal na sitwasyon ay hindi universal o standard.

​As professionals, we know how we value personal opinions because they highlight the real challenges we face daily. HOWEVER, individual views cannot dictate how we run our schools, as they are often subjective and limited.

Our schools must operate strictly on the basis of the law, which establishes the universal standards necessary to protect every child’s constitutional right to an equitable education.

​Ang batas ay pangkalahatan. At ang batas ay malinaw: Edukasyon para sa LAHAT.

24/06/2026
Want your business to be the top-listed Beauty Salon in Quezon City?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address

Quezon City