Kagawad- Jason Cama

Kagawad- Jason Cama

Share

Barangay kagawad of brgy. Minuyan proper

28/05/2026
23/05/2026

ALAM MO BA? 🧡🩷

Si Kuya Junie Cama ay anak ng mag-asawang Bicolano na sina Necing Ombao Iglesia at Jose “Pepe” Margallo Cama.

✨ “Basta Bicolano, Oragon ‘yan!” ✨

23/05/2026

Sa bawat munting pagtulong at malasakit, nabibigyan natin ng pag-asa at ngiti ang ating paligid. 💖

Photos from Barangay Minuyan Proper City of San Jose del Monte Bulacan's post 21/05/2026

TINGNAN

Sa pangunguna ni Kapitana Irene Biteng, naghatid ng tulong at malasakit ang Pamahalaang Barangay sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga Assistive Devices para sa ating mga senior citizens at bedridden na residente. Layunin ng programang ito na makatulong sa kanilang araw-araw na pangangailangan, mapagaan ang kanilang kalagayan, at mabigyan sila ng mas maayos at komportableng pamumuhay.

Patuloy po nating isinusulong ang mga programang may malasakit at tunay na serbisyo para sa bawat mamamayan, lalo na sa mga higit na nangangailangan ng ating suporta at pag-aaruga.

📸BPIO Minuyan Proper
"Dapat Alam mo Pamilyang Minuyeños!"

Photos from Barangay Minuyan Proper City of San Jose del Monte Bulacan's post 20/05/2026

TINGNAN

Nagpaabot ng tulong ang ating Punong Barangay Irene Biteng kabilang ng mga kasama para sa pamilya ng isang 2 buwang gulang na sanggol sa quarry na mahigit sampung araw nang nakaburol dahil sa kakulangan sa kakayahang pinansyal. Sa pamamagitan ng pagtutulungan at kusang ambagan ng ating Punong Barangay at kanyang mga kasama, nabigyan ng agarang tulong ang pamilya upang maayos at marangal na maipalibing ang nasabing bata.

Patunay lamang ito na sa oras ng pangangailangan, ang malasakit at bayanihan ay buhay na buhay sa ating komunidad. Patuloy po tayong magkaisa at magdamayan para sa bawat pamilyang nangangailangan.

📸 BPIO Minuyan Proper
"Dapat Alam mo Pamilyang Minuyeños!"

19/05/2026

Ang tunay na pagbabago ay nagsisimula sa maliliit na hakbang na may malinaw na layunin. Sa tulong ng sama-samang pagkilos, malasakit sa komunidad, at serbisyong tapat, patuloy nating maaabot ang mas maayos at progresibong kinabukasan para sa bawat mamamayan ng Minuyan Proper.

Patuloy po nating suportahan ang mga programang nagbibigay inspirasyon, oportunidad, at pag-asa para sa ating kabataan at buong komunidad.

“Tuloy tuloy tayo sa Pag-unlad ng Minuyan Proper.”

19/05/2026

Magandang Umaga, Pamilyang Minuyeños !

PROVERBS 16:9
God said,
“You will be successful, not only because of your skills, but because of My grace.”

Photos from Barangay Minuyan Proper City of San Jose del Monte Bulacan's post 18/05/2026

TINGNAN

Sa pangunguna ni Kapitana Irene Irene A. Biteng, katuwang si Kagawad Jason Iglesia Cama bilang Chairman ng Committee on Education, buong ipinagmamalaki ng ating barangay ang makasaysayang pagkakakamit ng Shining Star Child Development Center bilang kauna-unahang Level 3 Child Development Center sa District 2, sa ilalim ng mahusay na paggabay ni Teacher Racquel Aumenta. Ang nasabing pagkilala ay iginawad ngayong araw sa ginanap na Exit Conference for Assessment and Recognition for Child Development Center and Worker ng City Social City of San Jose del Monte - City Social Welfare and Development Office sa City Covered Court, Barangay Poblacion.

Ang tagumpay na ito ay patunay ng patuloy na dedikasyon ng pamunuan ng barangay sa pagsusulong ng dekalidad na serbisyong pang-edukasyon at maayos na paghubog sa mga kabataang Minuyeño. Nawa’y magsilbi itong inspirasyon upang higit pang mapalakas ang mga programang nakatuon sa kapakanan at magandang kinabukasan ng bawat bata sa ating komunidad.
📸 Joan Bayang- Helpdesk
"Dapat Alam mo Pamilyang Minuyeños!"

Photos 18/05/2026

🧡🩷

Photos from Barangay Minuyan Proper City of San Jose del Monte Bulacan's post 18/05/2026

TINGNAN

Matagumpay na ginanap ang ika-61st Regular Session ng ating Sangguniang Barangay kung saan tinalakay ang mga mahahalagang resolusyon at programang makatutulong sa patuloy na pag-unlad ng Barangay Minuyan Proper. Patuloy ang ating sama-samang pagkilos para sa mas maayos, ligtas, at maunlad na komunidad para sa bawat mamamayan.
📸BPIO Minuyan Proper
"Dapat Alam mo Pamilyang Minuyeños!"

17/05/2026

Magandang Umaga, Pamilyang Minuyenos !

“Ang simpleng paggising sa umaga ay biyaya na. Kaya huwag mong kalimutang magpasalamat kay God.” 🙏🩷

Dapat Tama, Dapat Si Cama!

Want your business to be the top-listed Beauty Salon in San Jose del Monte?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Website

Address

San Jose Del Monte