Kapit-Bisig Pinoy Korea
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Kapit-Bisig Pinoy Korea, Seoul.
Shout out to my newest followers! Excited to have you onboard! Vanessa Hermoso Bacay, Tha Pangansayan, Allan Cordero
27/08/2025
Hindi lingid sa kaalaman ng lahat halos itong dalawang linggong nagdaan. May mga kababayan tayong mga may matinding pinag daanan sa buhay.
Yes, malakas tayo ngayon.bata, at sagana tayo sa biyaya, madali lang nating maabot ang ating mga pangarap. Nakakapagpadala tayo ng malaking halaga sa pamilya sa Pilipinas, nakakapagpatayo ng malaking bahay, at nakakabili ng iba pang ari-arian. Ngunit, hindi sa lahat ng oras ay hawak natin ang lahat.
May mga pagkakataong dumarating ang mga pagsubok na hindi natin hawak ang bukas. Minsan, biglaan tayong dinadaanan ng mga hindi inaasahang pangyayari—mga problemang pinansyal o kagyat na pangangailangan tulad ng bayarin sa ospital. Kaya naman, hindi na natin maitatanggi na hindi na madali ang humingi ng tulong, kahit sa maliliit na halaga, dahil ang bawat isa ay mayroon ding sariling pangangailangan.
Kaya naman, sa layuning magkaisa at magtulungan, ipinagmamalaki naming ipakilala ang Kapit-Bisig para sa mga Pilipino sa Korea. Ito ay isang simpleng inisyatibo na naglalayong lumikha ng pondo para sa ating mga kababayan na nangangailangan ng tulong, nang walang membership fee o solicitation.
Paano tayo makakatulong? Sa simpleng pagbili ng Kapit-Bisig T-shirt.
Ang bawat t-shirt na iyong bibilhin, maging para sa sarili mo o para sa pamilya mo sa Pilipinas, ay magiging bahagi ng pondo na gagamitin para sa mga nangangailangan. Pwede ka ring magpa-customize ng design.
Ang bawat pondo na ating malilikom ay magiging open for public viewing, kasama ang listahan ng mga tumulong at kung sino ang mga nabigyan ng tulong. Sa paraang ito, sinisigurado natin na bawat sentimo ay napupunta sa tama at tunay na nangangailangan.
Magkasama nating palakasin ang ating komunidad at maging sandigan ng bawat isa. Ang bawat tulong, gaano man kaliit, ay may malaking epekto.
Maraming salamat po sa inyong suporta at pagmamalasakit!
Para sa karagdagang impormasyon at para makabili ng T-shirt, maari niyo kaming i-message sa page na ito.
Public viewing
https://docs.google.com/spreadsheets/d/1stZkLANUbp4VNmdWu5WAKq3ddy_x-j5wKsRRnijMb2Y/edit?usp=sharing
20/08/2025
Isang napakagandang balita para sa ating Kapisanan ng Kapit Bisig Pinoy Korea!
Ngayong linggo, matagumpay nating naibigay ang unang tulong-pinansyal sa ating isang kababayan dito sa Korea.
Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng miyembro na tumulong upang makalikom ng pondo. Bagama't maliit pa ang ating nasimulan, naniniwala kami na ito ang magiging simula ng mas marami pang matutulungan sa hinaharap.
Sama-sama nating palakasin ang ating komunidad para sa mas malaking pagtulong. Maraming salamat po!
Para po sa kaalaman ng lahat, ang aming collection log, kasama ang listahan ng mga tumulong at kung sino ang mga nabigyan ng tulong, ay open for public viewing. Nais po naming ipakita na ang bawat nalikom na pondo ay napupunta sa mga nangangailangan.
https://docs.google.com/spreadsheets/d/1stZkLANUbp4VNmdWu5WAKq3ddy_x-j5wKsRRnijMb2Y/edit?usp=sharing
Jemuel Mantal
18/08/2025
Hello everyone,
I'm from Uzbekistan, and I am so happy to be able to offer a small amount of help to this community. That goal is to support Filipinos in Korea.
May this page be a blessing and a source of help to many.
17/08/2025
Isang malaking “Salamat!” sa nag-donate ng 3,000 KRW para sa ating cause. Ang bawat kontribusyon ay mahalaga, at malaking tulong ito sa mga kababayan nating nangangailangan dito sa Korea. Mabuhay ka!
Fb: Bilog Na Buwan
17/08/2025
Isang malaking “Salamat!” sa nag-donate ng 7,000 KRW para sa ating cause. Ang bawat kontribusyon ay mahalaga, at malaking tulong ito sa mga kababayan nating nangangailangan dito sa Korea. Mabuhay ka!
Uzbekistan -influencer
Isang mapagpalang araw, mga kababayan!
Maligayang pagdating sa Kapit-Bisig Pinoy Korea, ang ating tahanan at sandigan dito sa South Korea. Alam nating sa pagiging malayo sa pamilya, hindi maiiwasan ang mga pagsubok at lungkot. Minsan, ang kailangan lang natin ay isang kaibigan na makikinig o isang kamay na aalalay.
Ito ang misyon ng ating pahina: ang maging tulay ng tulong at pagmamahal para sa bawat Pilipinong nangangailangan. Saanman natin maranasan ang hirap, dito sa ating komunidad, mayroon kang masasandalan.
Anuman ang iyong pinagdadaanan—problema sa trabaho, kalusugan, o personal na isyu—huwag kang mag-atubiling magbahagi. Walang halong paghuhusga dito. Sama-sama tayong haharap sa mga hamon bilang isang pamilya.
Kapit-Bisig Pinoy Korea: Sa bawat pagsubok, may karamay ka.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Culinary Team
Attire
Website
Address
Seoul
