Akoh c MJ
I love my Family
16/10/2025
TAMA O MALI
Yung babaeng palaging umiintindi sayo, sa lahat ng kamaliaan at pagkukulang mo.
yung babaeng hindi sumusuko sa relasyon niyo, kahit sobrang hirap na hirap na.
yung babaeng kahit palagi mong nasasabihan ng mga masasakit na salita nandyan pa rin para sayo, umaasang isang araw ikaw ay magbabago.
yung babaeng hindi mo namamalayan nasasaktan mo, dahil hindi mo naman talaga siya pinapahalagahan.
yung babaeng minsan nababalewala mo. Bro wag mo sanang hintayin na mapagod siya ng tuluyan bago mo ma-realize na mahalaga pala siya sayo, at wag mo din sana hintayin yung panahon na kahit ano pang gawin at panunuyo mo hindi na siya babalik sayo! Gumising ka tsong! Habang hindi pa huli ang lahat...
ITAMA MO ANG LAHAT PARA SA BABAENG NAGMAHAL SAIYO NG TAPAT AT SAPAT.
CTTO.
16/10/2025
Kapag ang babae ay palaging stress, laging umiiyak, laging masama ang loob at ramdam niyang wala na siyang halaga sayo, wag kang magpakampante.
Kahit gaano ka pa niya kamahal, mapapagod din yan. lalo na kung nararamdaman niya na mahalaga lang siya dahil kailangan mo siya. kailngan mo ang pakinabang niya. hindi mo siya minahal ng totoo . minahal mo lang dahil sa pakinabang niya.
Hindi sa nawala ang pagmamahal niya, kundi dahil sa paulit-ulit mong pinaparamdam na hindi siya importante.
Tandaan mo, ang pagmamahal kapag sinagad at sinaktan, nanlalamig din.
Ctto
😱😩
08/10/2025
Totoo pala,
mas masarap marinig
yung "tanggap kita"
kaysa sa "mahal kita."
08/10/2025
08/10/2025
05/10/2025
HINDI KA TALO KUNG IKAW ANG INIWAN.
Hindi ka lugi kung ikaw ang pinakawalan.
Dahil ang taong marunong magmahal nang buo Yan ang mahiral hanapin sa panahon ngayon,
Baka ngayon, masaya siya. baka ngayon parang panalo sya. Pero balang araw, darating din ang panahon na mare-realize niyang hindi lahat ng mabait, totoo. Hindi lahat ng masaya, tatagal. At hindi lahat ng iniwan mawawala.
Marerealize niyang ikaw yung pinakamasarap mahalin. Yung hindi na niya kailanman man mahahanap sa iba. Hwag mong ikalulungkot na ikaw ang iniwan. Ipagpasalamat mong hindi ka niya malolokong muli.
Dahil minsan ang rejection ay redirection patungo sa taong hindi ka iiwan.
05/10/2025
05/10/2025
05/10/2025
"HUWAG GAWING DAHILAN ANG MGA ANAK PARA LANG MANATILING BUO AT MAGKAKASAMA PERO WASAK NAMAN SA LOOB"
Huwag na pilitin ang manatili dahil lang sa mga Anak.
May kilala akong babae na ilang taon nanahimik sa piling ng isang lalaking araw-araw ay unti-unting sinisira ang loob niya. Hindi siya iniwan, hindi siya sinaktan sa pisikal na paraan, pero binura ang tiwala niya sa sarili, pinutol ang pakpak niya, at binaba ang halaga niya sa mga mata ng iba. At alam mo kung bakit siya nanatili? Dahil sa mga anak nila.
Akala niya, iyon ang sakripisyong dapat gawin ng isang ina na manatili para buo pa rin ang pamilya.
Na kahit siya ang nasisira, basta’t nakikita ng mga anak na “magkasama pa rin sila,”
sapat na iyon.
Pero isang gabi, nang makita niya ang mga anak na tahimik lang habang siya at ang ama nila’y nagtatalo, napagtanto niyang mali siya. Dahil nakikita ng mga bata.
Naririnig nila ang katahimikan pagkatapos ng sigawan.
Nararamdaman nila ang tensyon sa loob ng bahay.
At mas nakakatakot pa unti-unti nilang iniisip na normal lang iyon.
Na ang pagmamahal ay may kasamang sakit. Na ang respeto ay puwedeng hindi ibigay.
Na ang pagtitiis ang sukatan ng pamilya.
Hindi mo kailangang manatili para ipakita na buo ang tahanan.
Dahil mas mahalaga sa mga anak ang
"malusog na tahanan" kaysa sa perpektong larawan ng pamilyang magkasama pero wasak naman sa loob.
Okay lang umalis.
Okay lang mag-co-parent.
Okay lang maging single parent.
Ang hindi okay ay turuan ang mga anak na magtiis sa maling relasyon.
Na manahimik kahit binabali ang respeto nila. Na manatili sa lugar na hindi na sila pinahahalagahan.
Minsan, ang pinakamatapang na hakbang ng isang magulang ay ang bumitaw.
Hindi dahil sumuko ka, kundi dahil ayaw mong palakihin ang mga anak mo na iniisip na ang "pag-ibig ay dapat masakit."
At kapag pinili mo ang sarili mo,
pinili mo rin sila.
Pinapakita mong may mas mabuti pa,
na posible ang kapayapaan, at karapat-dapat silang lumaki sa tahanang puno ng respeto at pagmamahal, hindi takot at luha.
Dahil sa huli, hindi nila kailangan ng magulang na nanatili pero unti-unting namamatay sa loob. Kailangan nila ng magulang na buhay, malaya, at buo.
05/10/2025
Sa MagPartner…
Kapag may gulo o di kayo pagkakasundo ng Partner mo
Wag na wag mong gagawin ung
Tinatawag na silent treatment ung hindi muna sya kakausapin, titiisin at hindi papansinin.
dahil ibig sabihin lang nun mas pinahahalagan mo ung ego mo kisa sa Relasyun nyu.
At Kung iniisip mo na mayroon kang Control sa kanya kapag nag silent treatment ka, nagkakamali ka.
Sa kakagawa mo nyan baka yan din ang maging dahilan ng paghihiwalay nyu, dahil yan at pagtutulak mo sa kanya para lumayo at pagtuturo na masanay na wala ka.
Kaya kung may Problema pag usapan nyu, unawain at pakinggan nyu ang isat isa hindi kayo magkaaway , magkakampi kayo.
Meron Talagang mga bagay na pagtatalunan kaya maging open para maintindihan ang isat isa.
Mas Magalaga ang Tao kesa sa pride mo..✅
Ctto
04/10/2025
DATI
Hindi ka matiis.
Lagi kang sinusuyo...
Laging nag-eeffort magkaayos lang kayo.
Hindi makatulog ng maayus sa kakaisip sayo
Hindi na mapalagay kung ano na bang nangyayari sayo.
Hindi pumapayag na matapos ang buong araw na magkaaway kayo.
Hindi siya masaya pag' di kayo ok.
Halos wala ng pride na itira para sa sarili niya.
Ingat na ingat na wag' ka niya masaktan.
Ingat na ingat na wag' ka umiyak...
Unang gumagawa ng moves para maging ok kayo.
PERO!
Ngayon:
Nagagawa ka ng tiisin.
Hindi kausapin o magkausap ng buong araw at ilang araw.
Hindi na gumagawa ng effort para magkaayos kayo.
Hindi kana niya sinusuyo.
Mas mapride na siya.
Nakakaya na niya na matulog ng di' kayo ok.
Nakakaya na niya na kumain ng di' ka kasabay.
Masaya siya kahit hindi kayo ok
Pag tampo o galit ka,mas tampo at galit pa siya sayo
At higit sa lahat.
Wala na siyang pakialam sa nararamdaman mo.
Isa lang big sabihin nun.Hindi kana niya Mahal gaya ng dati.
Kaya hindi na nakapagtataka kung bakit madaming relasyon ang nasisira.
Kung bakit madaming relasyon na,sa una lang talaga masaya...
Kung bakit madaming relasyon ang sa huli ay pinanghihinayangan...
At kung bakit puro bakit ang tanong na di' masagot kung bakit nga ba ang noon ay di na pwedeng maulit ngayon.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Address
VILLA VENTURA
Aglipay
3403
