Tips to stay healthy and younger

Tips to stay healthy and younger

Share

Wellness info

Photos from Tips to stay healthy and younger's post 25/06/2020

A weight loss of 5 to 7 percent of the body weight may improve body system and quality of life.

It may improves our wellness if we lose 5-7% of our body weight. Ito ay depende kung ano ang mababawas sa ating timbang.

Marahil mapapa-isip tayo kung bakit may mga nag-lose ng weight na gumanda at bumata pa ang itsura samantala ang iba naman ay tumanda, bagsak ang katawan at may itsurang nagkasakit.

Ito ay sapagkat hindi lahat ng nagbabawas ng timbang ay may magandang resulta. Ito ang dapat natin maintindihan na ang maling paraan ng pagbabawas ng timbang ay maaring magdulot ng kapahamakan tulad ng pagbagsak ng katawan o immune system. Mahalaga na malaman natin ang siyentipikong paraan ng pagbabawas ng timbang upang mapanatili ang kalusugan habang nagbabawas ng timbang.

Kung magbabawas tayo ng timbang, dapat ay fats ang matatanggal o mababawas sa ating katawan. Marami ang hindi nila napapansin o alam na muscle na pala ang nababawas sa katawan na nagreresulta ng paghina ng katawan, paglaylay ng balat at pagbaba ng immune system na nauuwi sa pagkakasakit.

Hindi madali ang magtanggal ng fats sa ating katawan. Maraming oras ang ating gugugulin para sunugin ito sa ating katawan. Hindi rin lahat ng fats ay nabu-burn ng ehersisyo, ang visceral fats o taba sa tiyan ay hindi nasusunog ng ehersisyo.

Ang totoo, hindi sapat ang ehersisyo para magbawas ng timbang ng mabilis at epektibo. Para maging epektibo ito, kinakailangan natin ayusin ang ating kinakain habang tayo ay nag-eehersisyo. Sapagkat nawawalan ng saysay ang ating ehersisyo kung hindi tama ang ating kakainin. Halimbawa, paano bababa ang ating fats kung high calories pala ang ating kinakain o kaya'y high carbs pala ang pagkain na alam natin ay healthy food ang mga ito. Hindi rin sapat ang healthy food para magbawas tayo ng timbang. Kinakailangan balanse din ito sapagkat anumang sustansiya na sobra ay hindi mainam sa ating kalusugan. Mahalagang matutunan natin ang mga sustansiya, calories at pagbabalanse ng mga pagkain.

Hindi rin mainam ang pagpapalipas ng pagkain lalu na habang nagsasagawa ng ehersisyo sapagkat maaaring bumagsak ang ating katawan.

Isa rin sa dapat natin tignan o iwasan ay pagiging TOFI o Thin Outside Fat Inside kapag magbabawas ng timbang sapagkat unhealthy lose weight ang resulta nito. Maaaring maging slim ang ating pangangatawan subali't may mataas na taba o visceral fats sa loob ng katawan. Ang visceral fats ay makunat na taba na bumabalot sa ating mga organ. Ito ay hindi mainam sapagkat nagiging dahilan ito ng problema sa kalusugan na may kinalaman sa cardio-vascular system.

Maa-aari tayong magbawas ng timbang na hindi nag-eehersisyo at hindi nasasakripisyo ang kalusugan sa pamamagitan ng masusustansiyang pagkain na mayaman sa protein, mababa ang calorie, low glycemic, low fat at toxin-free. Ito ay nakakatulong upang maiwasan bumaba ang ating enerhiya, immune system at magkaroon na mainam na resulta. Mas epektibo pa rin ang balanseng pagkain plus ehersisyo sa pagbabawas ng timbang.

If you want to learn more. Magmessages lang sa aming page.

19/06/2020

Ano ba ang kaibahan ng gamit sa pagkain?

Ang mundo natin ngayon ay sagana sa karangyaan. Ano man ang nais mo kapag may pera ka mabibili mo lahat ng gusto mo tulad ng damit, bag, cellphone, accesories at marami pang iba. Mae-enjoy mo ring kumain ng masasarap na pagkain sapagkat naglipana ang mga kainan na pwede mong pagpilian.

Ano nga ba ang kaibahan ng gamit sa pagkain?

Malaki ang kaibahan ng gamit sa pagkain. Ang gamit ay mae-enjoy natin gamitin maghapon o magdamag na madaling alisin o hubarin sa ating katawan samantalang ang pagkain ng isang oras sa buffet sa isang food store ay mahirap alisin sa ating katawan. Nangangailangan ito ng 6-8 oras na ehersisyo para mai-alis ito sa ating katawan.

Kung hindi natin aalisin ito sa ating katawan at patuloy nating dadagdagan ang mga toxin, fats at mga impurities ang ating katawan. Alam mo ba na nagdudulot ito ng problema sa kalusugan pagdating ng panahon na may kinalaman sa obesity o metabolic syndrome tulad ng hypertension, heart disease, fatty liver, blood sugar problem, cancer at kung anu-ano pa.

Ganun pa man, marami na ring mga indibiduwal sa buong mundo gising na sa katotohanan sa epekto ng Metabolic Syndrome sa buhay ng tao kaya't marami ang nagsasagawa ng mga ehersisyo sa mga park at gym pero bakit may mga indibiduwal na kahit ginagawa nila ang pag-eehersisyo o kaya ay ideal na ang kanilang timbang ay may problema pa rin sa kalusugan.

Akala ng iba na ok na kapag fit na ang kanilang pangangatawan ay maayos na rin ang kalusugan. Ang totoo ang kalusugan ay hindi nakikita sa itsura ng katawan. In fact, bakit maraming Pilipinong payat ay mga high blood.

Ayon sa pag-aaral, hindi sapat ang maayos na timbang at regular na ehersisyo para maituring mo na ikaw ay malusog. Ito ang hindi alam ng maraming tao. Isa sa pangunahing dahilan ng problema sa kalusugan ay ang tinatawag na " nutrients defficiency " na ang ibig sabihin ay hindi natin nakukuha ang tamang sustansiya na kailangan ng ating katawan sa araw-araw kaya tayo nagkakaproblema sa kalusugan.

Ano ba ang mga sustansiya ang mga kinakain natin araw-araw lalu na tayong mga Pilipino, nakasanayan na natin kumain ng maraming carbohydrates sa araw-araw kaya marami sa atin ay mga obese na pinagmumulan ng maraming karamdaman.

Sa uri ng lifestyle natin ngaun, hindi na natin nakukuha ang mahahalagang sustansiya na kailangan ng ating katawan kaya't marami sa atin pagtungtong ng 50's ay nagiging sakitin at mahihina na ang katawan. Ang mga hapon sa edad na 70's ay malalakas pa at nakakapag-trabaho pa.

Ang nutrients defficiency ay nasolusyunan na ng mga eksperto sa kalusugan. Apatnapung dekada na itong pinag-aaralan ng mga siyentipiko sapagkat nakita ang problemang ito noong 1970-1980's nang biglang tumaas ng bilang ng obesity sa mundo.

To learn more..like on this..

10/06/2020

Dumarating ang panahon kapag hindi natin naalagaan ang ating kalusugan ay ito ang sasapitin natin.. " Eat medicines as your food ".

Kung marami nang problema o nararamdaman ang ating katawan at sari-sari nang maintenance ang kailangan natin iinumin tulad ng maintenance para sa pressure ng dugo, blood sugar, cholesterol, puso at kung anu-ano pa.

Marami na akong na-encounter na may problema sa kalusugan na umiinom 3-10 maintenance medicine sa loob ng isang araw.

Ang mga maintenance na ito ay kailangan natin kapag puno na ng taba, sugar, sodium, acid at toxin sa ating katawan..

Noong araw, ang mga maykaya lang ang nagkakaproblema ng ganitong karamdaman...

Natatandaan ko pa ang tawag dito noon ay " sakit-mayaman " dahil ang mga maykaya lang ang mayroon nito noon sapagkat sila lang ang palaging nakakabili ng mga masasarap at unbalance na pagkain tulad ng mga pork, beef cakes, ice cream, chocolates, junk food at iba pang unbalance food. Nakakapunta sa mga fast food at masasarap na kainan noon dahil ang mga ito ay hindi abot kaya o may kamahalan pa noon. Ang unbalance food ay mga pagkaing sobra-sobra sa hindi mahahalagang sustansiya at kulang sa mahahalagang sustansiya.

Ang mga poor o mahihirap ay nakakabili kapag may okasyon lang o may ekstrang pera kaya bihira sa mga mahihirap ang may problema ng ganitong mga karamdaman.

Subali't sa ngayon, kahit mahihirap ay nagkaka- problema na rin ng ganitong karamdaman sapagkat marami nang pagkain sa pamilihan, mga kainan, street food at fast food na abot-kaya na ng mahihirap. Hindi naman masama ang mga unbalance na pagkain subali't kapag ganito ang ating lifestyle lalu na sa pagkain sa araw-araw magiging problema natin ito sa ating kalusugan pagdating ng panahon at maraming Pilipino ngayon hindi nila alam na unbalanced food ang kinakain nila araw-araw.

Kung nasa situwasyon tayo na halos maintenance medicine na ang ating kinakain o kaya'y kung nais natin maka-iwas sa problema ng ganitong uri ngmga karamdaman sa hinaharap, mas mainam na matutunan natin na ang tamang pag-aalaga ng ating kalusugan.

To learn more.. messages us in our page..

05/06/2020

Walang silbi ang exercise mo?

Ang ehersisyo ay malaking tulong para ma-burn ang mga calories ng ating kinakain subali't nababalewala ito kung hindi natin alam ang rule na ito.
Marahil magtataka kayo kung bakit maraming mga active na nag-eehersisyo na despite na regular silang nagpupunta sa mga sumbahan at mga work out sa mga mall ay hirap ma hirap silang magbawas ng timbang. Masarap kasing kumain matapos pagpawisan ng bonggang-bongga at mapagod galing sa ehersisyo. Marami akong nakikitang mga ganyan sa mga mall at park na matapos magsunog ng calories ay sa kainan ang punta.

Dapat ay matutunan ang rule na ito "calorie out vs calorie in ". Alam dapat natin ang mga calories na ating kakainin para hindi nasasayang ang ehersisyong ginagawa natin. Halimbawa, kung nagsumba ka ng 1 oras na may 500 calories subali't nag-snack ka naman ng hamburger, french fries at drinks na may 1,300 calories. Meaning, mas maraming ang in-take mong calories kaya sa inilabas mong calories. Bukod dito, ang fats na galing sa beef fatty, mayonaise at oil na ginamit sa mga pagkain ito ay mga saturated fats na hindi nabu-burn ng anumang ehersisyo.

Alam mo ba na maari tayong magbawas ng timbang ng walang ehersisyo basta ayusin lang natin ang ating pagkain...Learn more in our page..

04/06/2020

Mapapahaba pa ba ang buhay ng mga tao?

Marami akong nakikitang mga 50 years old na sa edad na ito ay mukha nang lolo at lola. Ayon nga sa kasabihan " Life begins at 40 na ang ibig sabihin ang buhay ay nagsisimula daw ng 40 years old subali't ang iba ay pa-game over na at ang ilan ay nakakalungkot di na umabot sa " life begins " na ito.

Bakit mas mahaba ang buhay ng tao noon kaysa sa ngaun?

Ayon sa matatanda mas healthy ang kinakain nila noon sapagkat naitatanim nila ang mga pagkain nila sa likod ng kanilang bakuran samantalang ngayon maswerte ka kung makakapagtanim ka sa paso ng kakainin mo sapagkat napuno na ng subdibisyon at commercial center ang mga taniman natin noon. Kaya't asa na lang tayo sa mga gulay at prutas na hindi maiwasang gamitan ng mga kemikal na abono at pestisidiyo para maging profitable ito at preserbatibo dahil sa layo ng pinanggalingan nito.

High tech na tayo ngaun, mabilis na natin nakukuha ang nais natin. Instant na rin ang mga pagkain na nasasakripisyo na ang kaledad ng mga nito lalu na ang mga mahahalagang sustansiya na kailangan ng ating katawan at isa ito sa dahilan ng pag-iksi ng buhay ng tao.

Panahon na para matutunan natin kung paano natin ma-aalagaan at mapo-proteksiyunan ang ating kalusugan sa mga naglipanang pagkain sa merkado na hindi natin alam kung paano naproseso at nakakabuti nga ba sa ating kalusugan? Mas mainam kung may alam tayo kaysa wala.

Maraming salamat sa inyong pagbabasa. Sana'y nabigyan namin kayo ng kaunting kaalaman ukol sa kalusugan.

Maari kayong mag-join sa aming group page para sa karagdagang kaalaman ukol sa pang-araw araw nating kalusugan.

03/06/2020

Wellness problems? You may not feel good and that's ok. What is important is you are able to talk to someone to give you courage and inspiration. Read and ask to know tips how you can take care and improve your health everyday.

30/05/2020

Wellness is our lifetime commitment!

Bakit noong 20's lang ako kahit anong lapang ko hindi ako bumibigat.. pero ngaun konting kain ko lang ang bilis ko ma-over weight?

Learn how to manage your weight... weight is the reflection of your health..

Join us..

29/05/2020

Love your body..

18/05/2020

Wellness problems? You may not feel good and that's ok. What is important is you are able to talk to someone to give you courage and inspiration. Read and ask to know tips how you can take care and gradually improve your body everyday..

Want your business to be the top-listed Beauty Salon in Antipolo?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Antipolo