Cyra Aranda
all about positive motivation in life
16/01/2022
Sa totoo lang, hindi ko na inabutan ‘yang Kto12 na ‘yan. Kaya hindi na ako masiyadong nakare-relate sa mga rants ng estudyante tungkol sa bagong sistema ng edukasyon ngayon. Hanggang 4th Year lang dati ang sekondarya, e. Kung saan, walang strand strand, walang thesis thesis. Walang immersion at OJT. Basta ang naaalala ko lang sa pagiging High School, e, masaya. Kahit na may panahong nahihirapan ako, kami ng mga kaklase ko, pinakamasarap pa rin na parte ng buhay ko ang High School Life. Kahit na ang project namin ay bunot, walis, basahan. Nagproject pa kami ng tae ng kalabaw para gawing pataba para sa TLE class. Kasi nga, may assigned na garden dati sa bawat grupo. Pagandahan kami ng garden. May 'Gulayan sa Paaralan' pa nga, e. Bago kami umuwi, kailangan magdilig muna kami ng halaman sa hapon. Haha!
Walang masungit na guard. Seryoso, ngayon na lang naman lumaganap ‘yang guard na masungit at istrikto, e. Viral pa nga sila sa memes ngayon. Minsan, wala pa ngang guard. Kasi hindi naman kami tumatawid habang nagpho-phone dati, wala namang ML at Facebook noon. Space impact lang at snake. Napagtanto ko na, baka iba na rin kasi ang naging behaviour ng mga kabataan ngayon kumpara noon. Mas mapusok, mas agresibo, mas mapanganib. Iyong tipong, mas liberated na sila at modernized na iyong mundong ginagalawan nila. Kaya kahit sa pagpasok lang ng school, naka-make up pa. Iyong bawal sa patakaran ng school, siyang ginagawa. Tapos magrereklamo at mababadtrip kapag sinita ni manong guard.
Walang photo copy photo copy na madami, kasi naman, hindi tamad magturo ang teachers. Kasi nga, sa libro talaga nakatuon ang atensiyon, hindi sa internet binabase. May mga laman pa ang notebooks namin noon kasusulat, kinakalyo na nga kami magkaroon lang ng notes at huwag mahuli sa topic. Kasi kapag tapos na iyong sulatan, pipirmahan notebook mo. Ipunin mo iyong kumpletong pirma ng teacher kasi requirements iyon para mapirmahan din ang clearance. Minsan, kulang pa nga ang isang notebook sa isang subject sa loob ng buong school year. Kawawa nga iyong secretary namin na maganda ang sulat, laging parang nagpolbo ng chalk kapag natapos na magsulat sa blackboard, tapos siya ang walang notes. Haha! Hero noon 'yan. Tawagin mo na lang na Miss Sexytary, pampalubag-loob. Ngayon, white board na ata at marker ang gamit ng school.
Ang sarap pa sa feeling na mga gurang ang teachers ko, walang crushable. Puro mukhang terror pero mababait talaga. Mga may ambag talaga sila sa buhay at hinding-hindi ko makalilimutan surname nila hanggang ngayon. Ibig-sabihin, wala pang mga estudyante na nililibog ang teachers, tapos walang patagong relasyon tulad ng student-teacher relationship. Hindi mapusok noon, ginagalang din ang mga teachers. May gana rin kaming i-celebrate ang Teacher's Day na hindi plastic sa pasasalamat. Higit sa lahat, walang Grade 7 scandals! Walang p**n! Ang cellphone kasi noon, puro Nokia na de keypad. Kung may de camera na, malabo pa noon. Tsaka konti pa lang nakaka-afford. Mga estudyante lang na OFW ang magulang. Halintulad sa pagkakaroon ng personal computer, sikat ang mayroon nito. Kung haharot ka, sa likod ng classrooms. O, kaya, sa pinakalikod, doon sa tambakan ng basura para walang makakita. Naalala ko nga, sa likod ng computer school doon kami kumukuha ng pandilig sa mga pananim. Doon din nagdi-date ang mga lovers na estudyante. Ingat na ingat, maitakas lang ang holding hands tsaka kiss. Kapag may nakakita, takboooooo.
Dahil hindi pa masiyadong palasak ang internet, uso pa ang pagdadala ng gitara at song hits para may libangan kapag vacant. Kantahan sa Bench, sabay-sabay iyan. Mga hit songs na OPM talaga nagdadala, e. Lalo na iyong sa E-heads, Rivermaya, Siakol. Beng! Sarap talaga, e. Hindi ko sinasabing mababait kami dati, kasi marunong din kami mag-cutting class. Pero, hindi sa computer shop ang tuloy kung hindi sa bentahan ng comics at magazine. Kung magbubulakbol talaga, sa bilyaran kami tatambay. Hehe! Minsan lang naman, kasi kapag napadadalas, finish na ang baon mo kapag may nagsumbong sa magulang mo. Hindi naman kami umiinom ng alak tsaka hindi nagdro-droga, e. Noong mga panahong iyon, maliit lang ang baon. Baon ko lang kasi noon, suwerte na kapag bente maghapon, minsan nga sampu. Pero kaming mga poor tres sa umaga, dos sa hapon. Walang pang-alak doon, walang pansugal, walang computer computer. Kapag sabado, oo, may oras kami mag computer pero sa hinuhulugan ng piso. Kontra, Super Mario, Bomber Man, Sonic Wings, Dragon Balls, Top Gear, Street Fighter. Iyan, mga ganiyan lang laro noon. Iyong mga babae naman, para makatakas panandalian sa pressure ng pag-aaral kahit na hindi naman nakakapressure, palitan sila ng pocket books. Naalala ko, uso iyong PHR. Adik sila sa ganoon. Tapos padamihan sila ng mga posters at pictures ng Meteor Garden. Ultimo notebooks nila Meteor Garden, e. Kung hindi ganoon, iyong mga artista artista. Tapos adik na adik sila kay Avril Lavigne. Kasi nga, ang astig talaga no’n, e. Sakto, uso pa iyong pormahang Emo. Naiisip ko nga, ang pangit ng hitsura namin noon. Dati, mukha talaga kaming ewan, e. Kung ikukumpara teen agers ngayon na nasa edad trese at katorse, dios mio! Wala kaming panama. Mga mukha kaming basahan. Maluluwang ang damit, naka ambel ng pants, mga school uniform na lukot-lukot. Bahala kayo riyan! Tapos mga kitikiText mga iyan sa mga ka-Clan. GM GM kahit katabi naman iyong ibang pinadaanan ng text. May code name pa, "-dEviL PrIncEss-"
May mga away rin na naganap siyempre. Kaso, hindi katulad ngayon na siraan na sa internet. Mga keyboard warrior at mga war freak sa social media. Noon, pisikalan talaga, e. Sabunutan kung sabunutan. Suntukan kung suntukan. Tapos, office ang tuloy mo no’n. Lagot ka sa principal. Pero paglabas mo sa office, bati na kayo. Nag-hug na kayo sa loob ng office, e. Haha! Kung ayaw mo naman sa pisikalan, lagyan mo ng bato iyong bag ng kaklase mong kinaiinisan mo o kaya basura.
Isa pa sa pinakamasarap na feeling iyong tipong ang sarap balikan no’ng pakiramdam na kapag crush mo, e, nakahihiyang sabihin. Dapat itago mo ‘yon sa sarili mo. Ngayon kasi, may mga secret files na ang bawat school sa internet tapos pinagsisigawan kung sino ang crush. Secret Files pero hindi naman secret, dahil may mga mema sa comment na ipagmemention kung sino iyon. Noon, tamang sulat lang sa notebook ni crush ng 'I Love You' kapag wala siyang kamalay-malay. O, kaya, tamang ipit ng bulaklak sa libro. O, kaya naman, gagawa ka ng sulat tapos bubuo ng origami na heart shape, tapos iyon ang ilalagay mo sa bag niya. Damn! Sarap talaga, e. Kapag may nakaalam kung sino crush mo, iva-vandal nila sa CR iyong pangalan mo. Kunwari, "JR Love Mona". Haha! Ang korni talaga. Pero sobrang kilig mararamdaman mo noon, may maghihintayan para makauwi, tapos lalaki ang magdadala ng payong. Ihahatid ka sa bahay niyo. Para hindi halatang nanliligaw, sasamahan ka ng barkada mo.
Ang masarap pa talaga, iyong kapag recess, masusustansyang pagkain ang nasa canteen at talagang nakabubusog. Like, nilagang saging, kamote, sopas, pansit, spaghetti. Buhay na buhay rin ang mga p**o at kakanin. Pati na banana que, camote que. May softdrinks na noon, pero mas bet mo ang palamig. Kapag kinapos ka sa budget, ice tubig na lang, piso lang iyon.
Kapag may pageant naman sa school, walang Lutong Macau sa winner. At ang pagpili ng Miss Photogenic ay hindi nakabase sa dami ng makakalap na likes sa facebook. Sinusuri talaga, e. Wala pang masiyadong money contest, hindi katulad ngayon na tsaka ka lang matatawag na Queen and King ng school kapag nanalo ka sa Money Contest na iyan. 10% pa mapupunta sa school. Sobrang laki! Hindi basehan ang Likes sa pag-aaral, wala pa roon ang grades noon.
At ang pinakahihintay na event, JS PROM. Chance mo na maisayaw si crush, at lahat kami, sa JS PROM nagkaroon ng first dance bago makipagsayawan sa pakasal. Ngayon, nakikipagsayawan na mga kabataan sa bar, e. Ramdam na ramdam mo talaga na sobrang romantic ng gabing iyon. Ang sarap ding sumayaw sa regudon at cotillion. Mga nerentahang kasuotan na tig 500 lang, feel na feel. Pakiramdam mo talaga, prinsepe at prinsesa ka sa gabing iyon. Sino ba date mo? Naaalala ko pa iyong akin at iyong first dance ko, e. Minsan, hiniram pa talaga ng nanay mo iyong isusuot mo sa kakilala mairaos lang iyong JS PROM.
Idagdag mo pa iyong tunay na kahalagahan ng Library. Kailangan mo talaga tumambay doon kapag may assignment ka, e. Iyong amoy ng mga librong niluma na ng panahon... ang sarap talaga sa ilong. Haha! Ngayon, copy paste na lang iyang mga sagot, o kaya, google google na lang.
Ewan ko kung uso pa ang HE ngayon, dahil kami naman noon kapag araw ng biyernes may luto-luto na ganap. Nananahi pa kami, nagbuburda ng anek anek. Kapag malapit na ang pasko, kami mismo ang gumagawa ng parol namin sa eskuwelahan. May project pa nga kami noon na kawayan, pambakod-bakod sa garden namin. Kasama na iyon sa TLE Class. Masaya rin sa MAPEH. Sa Music, maririnig mo iyong mga kantang makabayan, fresh na fresh sa isip, e. Tapos etnikong sayaw ang pineperform kapag may programa. May mga makabago naman, uso lang talaga iyong Forever’s Not Enough ni Sarah Geronimo, Spaghetting Pababa ng Sexbomb. Walang cramping, uy! Tambling tambling wala gaano. Sa Arts, dito madaming projects, pero hindi magastos. Kasi ang turo ng teacher namin, e, maging resourceful at creative. Iyon bang sa paligid-ligid lang nakukuha iyong gagamitin o kaya sa bahay. Catalog ng Avon at Natasha, itutupi tapos gagawing hugis bibe, peacock, pinya. Bahala ka na lang sa gusto mo. Kapag bibili ka ng art paper, piso tatlong piraso. Tapos paste talaga ang tawag sa pandikit, iyong tig limang piso na ang laman, e, gawgaw. Tapos iyong gagawing stars na maliliit, tsaka ilalagay sa bote ng GSM BLUE or kahit saang bote ng alak pa ‘yan. May pandisplay ka na agad. Iyong Art Book mo pa, ang bigat-bigat kasi kung anu-ano nilalagay mo sa cover. Over Decorated iyong iba, may bato-bato pang nilalagay, buhangin at kahoy. Hahaha! Sa PE, ligtas ang may mga may regla at hika. Makatao kasi ang teacher noon. Taga-lista at sulat na lang sila. Sa Health, masaya rin. Inaalam namin mga halamang gamot. Tapos kilala pa namin iyong mga herbal medicines na nagligtas sa ninuno natin noon. Tapos sasayaw ka sa plaza, sabay-sabay kayo sa exercise. May hawak ka pang dumbell na gawa sa kahoy. Tsaka naalala ko, may pa-feeding pa ang Gobyerno, kung hindi naman ang simbahan. Hoy! Pila-pila! May libre pang Ovaltine. May pa nutri-ban ang Gobyerno, e. Tsaka may libreng purga noon at bunot sa ngipin. Dapat may Parental Consent siyempre. Ang sarap naman! Mga panahong mahalaga ang kalusugan para makapag-aral mabuti.
Kapag may palaro, o kaya intrams... whoooa! Sarap marinig ng mga hiyawan at kantiyawan, e. Iyong mga tunay na fangirls ng mga basketball player by section, lumalabas na litid kasisigaw. Puno ng palakpakan kapag nakashoot. May mga dalang pompoms, walang laman na plastic bottle, tapos cartolina na may letterings. Hindi uso ang magandang phone panguha ng litrato, e. Kaya all out support at nakatutok talaga mga mata ng manunuod sa laro. Sa High Jump, Long Jump, basta sa mga sporty, naaalala ko iyong mga kaklase kong mahahaba biyas at braso. Tahimik sa room pero arangkada sa Sports. Kahit walang magandang sapatos, mararamdaman mo ang tunay na sportsmanship. Masaya rin kapag intrams, may kaniya-kaniyang booth ang room by section. Jail booth, horror booth, resto booth. Pero ang pinakamabenta iyong Marriage booth. Naaalala mo pa iyong childhood sweetheart mo tapos nagpakasal kayo noong intrams? Yieee!
Ang sarap-sarap talaga ng High School Life. Naiisip ko nga, may mga estudyante pa kayang tumatambay sa Narra Tree sa loob ng school, may Narra Tree pa ba sila ngayon o kahit Mahogani at matatayog na punong kahoy? O, wala ng punong-kahoy sa loob ng campus nila kasi napalitan na ng karagdagang rooms dahil nadagdagan na ang mga strand ngayon at taon ng pag-aaral, kaya mas madami na ang estudyante.
May oras kami para matulog, mamasyal, makipagjamming sa kaibigan at sa pamilya. Chill lang. May foodtrip pa kaming ganap sa bahay ni ganito ganiyan. Kung anu-ano niluluto namin noon. Madalas, e, sopas. Hindi naman uso sa amin iyong kasabihan ng mga kabataan ngayon na, "Studying is not about learning anymore, it’s about passing." Walang ganoon noon, dahil hindi lang sa loob ng classrooms may matututunan, pati na sa mga sarili namin at sariling karanasan may matututunan kami. Higit doon ay ang alam namin ang hatid na SAYA NG PAG-AARAL. Walang depressed na estudyante noon. Kung may problema, madali lang lapitan ang mga g**o. Tsaka may Religion Class kami, e. Kaya, mailalapit ka rin sa Diyos. Tunay nga namang sila ang pangalawa nating magulang.
Tapos ang pinaka The Best, iyong kumakanta kayo ng Graduation Song habang umiiyak, kasi ramdam mo talaga iyong samahan na nabuo bago kayo grumaduate. Nakakamiss...
Hello, mga ka-90s! Kahit hindi 90s.
Copy paste kung naabutan mo pa Yung panahon na ganito.♥️
kung ayaw mong sundan ka ng tukso wag kang umarte na parang interesado
Minsan kahit hindi ikaw ang may kasalanan mas pipiliin mong manahimik nlang matapos lang ang usapan....
Walang matututo kung walang magkakamali💪💪importante marunong mag sorry at tanggap ang pagkakamali.
Ang pagsasabi sa ASAWA mo kung nasaan ka, sino kasama mo at anong oras ka uuwi,
hindi pagiging under yun, RESPETO ang tawag dun.
when i was still a baby, hindi ko talaga alam kung bakit tinuturuan nila ako no'ng close open. but i think now i know what the reason is, and it was to learn how to hold on and let go
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Telephone
Website
Address
Caragumihan
Baras
4803
