HanSam Variety of Products

HanSam Variety of Products

Share

variety

04/11/2024

Kawikaan 4:20-23

20Aking anak, salita ko ay pakinggan mong mabuti,

pakinig mo ay ikiling sa aking sinasabi.

21Huwag itong babayaang mawala sa paningin,

sa puso mo ay iukit nang mabuti at malalim.

22Pagkat itong kaalaman ay daan ng buhay,

nagbibigay kalusuga't kagalingan ng katawan.

23Ang puso mo'y ingatang mabuti at alagaan,

pagkat iyan ang siyang bukal ng buhay mong tinataglay.

28/10/2024

Roma 12:1

1Kaya nga, mga kapatid, alang-alang sa masaganang habag ng Diyos sa atin, ako'y nakikiusap na ialay ninyo ang inyong sarili bilang isang handog na buháy, banal at kalugud-lugod sa Diyos. Ito ang karapat-dapat na pagsamba ninyo sa Diyos

22/10/2024

Kawikaan 23:13-18

13Disiplinahin mo ang bata. Ang wastong pagpalo ay hindi niya ikamamatay. 14Inililigtas mo pa siya mula sa daigdig ng mga patay.

-13-
15Anak, matutuwa ako kung magiging matalino ka. 16Makadarama ako ng pagmamalaki kung ang mga salita mo ay may karunungan.

-14-
17Huwag kang maiinggit sa mga makasalanan, sa halip, si Yahweh ay laging igalang at sundin. 18Kung magkagayon ay gaganda ang iyong kinabukasan.

22/10/2024

Kawikaan 15:22-23

22Ang isang balak na mabilis ay di papakinabangan,

ngunit ang planong pinag-aralan ay magtatagumpay.

23Ang matalinong pananalita ay nagdudulot ng kasiyahan,

at ang salitang angkop sa pagkakataon, may dulot na pakinabang.

20/10/2024

Kawikaan 21:30-31

30Ang kaalaman ng tao, unawa o karunungan

ay di makatutulong kung si Yahweh ay kalaban.

31Ang kabayo'y naihahanda para sa digmaan,

ngunit tanging si Yahweh ang nagbibigay ng tagumpay.

19/10/2024

Kawikaan 19:3-4

3Ipinapahamak ng mangmang ang kanyang sarili,

pagkatapos si Yahweh ang kanyang sinisisi.

4Ang kayamana'y umaakit ng maraming kaibigan,

ngunit ang mahirap ay tinatalikuran ng dating kasamahan.

14/10/2024

Kawikaan 15:1-3

1Ang malumanay na sagot, nakapapawi ng galit,

ngunit sa tugong marahas, p**t ay hindi mawawaglit.

2Ang dila ng may unawa ay nagbubunga ng kaalaman,

ngunit ang bibig ng mangmang ay bukal ng kahangalan.

3Ang paningin ni Yahweh ay nakatuon sa lahat ng lugar,

ang masama at mabuti ay pawang minamasdan.

08/10/2024

Kawikaan 9:8-10

8Punahin mo ang mapangutya at magagalit pa sa iyo,

ngunit payuhan mo ang matalino at iibigin ka nito.

9Matalino'y turuan mo't lalo siyang tatalino,

ang matuwid ay aralan, lalago ang dunong nito.

10Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh ay pasimula ng karunungan,

ang pagkilala sa Banal na Diyos ay may dulot na kaalaman.

07/10/2024

Kawikaan 8:32-36

32“At ngayon, aking anak, ako nga ay pakinggan,

sundin ang payo ko't liligaya ang iyong buhay.

33Upang maging matalino, ang turo ko ay dinggin mo,

huwag mong pababayaan ni lalayuan ito.

34Mapalad ang taong sa akin ay nakikinig,

sa akin ay nag-aabang at palaging nakatitig.

35Pagkat ang makasumpong sa akin ay nakasumpong ng buhay,

at ang kalooban ni Yahweh ay kanyang nakakamtan.

36Ngunit ang di makasumpong sa akin, sarili ang sinasaktan,

ang napop**t sa akin, iniibig ay kamatayan.”

03/10/2024

Kawikaan 4:23-27

23Ang puso mo'y ingatang mabuti at alagaan,

pagkat iyan ang siyang bukal ng buhay mong tinataglay.

24Ilayo mo sa iyong bibig ang salitang mahahalay,

ilayo ang mga labi sa kasinungalingan.

25Palaging sa hinaharap ang pukol ng iyong tanaw,

ituon ang iyong pansin sa iyong patutunguhan.

26Siyasatin mong mabuti ang landas na lalakaran,

sa gayon ang lakad mo ay laging matiwasay.

27Huwag kang liliko sa kaliwa o sa kanan;

humakbang nang papalayo sa lahat ng kasamaan.

02/10/2024

Kawikaan 3:5-6

5Kay Yahweh ka magtiwala, buong puso at lubusan, at huwag kang mananangan sa sariling karunungan.

6Sa lahat ng iyong gawain siya nga'y alalahanin, upang ika'y patnubayan sa iyong mga tatahakin.

29/09/2024

Kawikaan 30:7-9

7Diyos ko, may hihilingin akong dalawang bagay bago ako mamatay:

8Huwag akong hayaang maging sinungaling. Huwag mo akong payamanin o paghirapin. Sapat na pagkain lamang ang ibigay mo sa akin.

9Baka kung managana ako ay masabi kong hindi na kita kailangan. Baka naman kung maghirap ako'y matutong magnakaw, at pangalan mo'y malapastangan.

Want your business to be the top-listed Beauty Salon in Binangonan?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Binangonan
1940