Halo-Halong Kaalaman
Health is Wealth
15/07/2022
Good to know 👉 https://bit.ly/3ANHvYE
13/07/2022
Bakit Mahalaga ang Ihi at Kulay Nito
Payo ni Doc Willie Ong
Ang ihi ay mula sa dugo na nasala sa kidneys. Bumababa ang ihi sa ureter at pupunta sa pantog. Ang ihi ay binubuo ng tubig, dumi tulad ng urea, asin tulad ng urates, ammonia, sobrang bitamina (B at C), mineral, protina (creatinine), taba, carbohydrates at gamot na tinatanggal sa katawan.
Gusto natin na magandang kalidad ng ihi kasi ibig sabihin ay natanggal maigi sa katawan ang mga dumi.
Ang normal na dalas ng pag-ihi ay 7 beses sa loob ng 24 oras. Pero ang 4 to 10 ay ayos na din. ang normal na dami o urine output kapag sinukat ay 800 ml hanggang 2000 ml per 24 oras. Uminom ng mga 2 litro o 8-10 baso ng tubig kada araw.
Kulay dilaw ang kulay ng ihi dahil galing ito sa pigment ng dugo.
Kapag kulay p**a o may dugo sa ihi, posibleng may sakit na cystitis o impeksiyon sa pantog mula sa bacteria. May kasamang lagnat, masakit na puson, madalas umihi, at masakit paglabas ng ihi.
Ang kulay ng ihi ay depende sa tubig sa katawan. Kapag may puti ay posible na may nana o white cells o protina o taba. Pag kulay pink, p**a o brown ay may dugo.
Kapag naging red o brown, maaring sobrang bilirubin mula sa atay, o umiinom ng gamot na rifampicin.
Kung kulay orange ay dehydrated, may sakit sa atay, o uminom ng gamot na primaquine, riboflavin, vitamin B2, o INH.
Nagiging blue o green ang kulay ng ihi dahil sa gamot, dye sa pagkain o food color, o sakit na familial benign hypercalcemia.
Meron din gassy urine o may kasamang utot (pneumaturia) kapag nagkaroon ng koneksyon sa bituka at pantog tulad ng fistula, o koneksyon sa pantog at puwerta mula sa panganganak.
May pagkakataon na may kakaibang amoy ang ihi tulåd ng amoy ammonia kapag may diabetes o kumain ng bawang, spinach, mushroom, kabute, truffle, at vitamin B6.
Mahalagang paalala na kapag mabula ang ihi ay magpa-urinalysis at blood test ng creatinine para masigurado na walang protina sa ihi. Kapag may protina sa ihi ay posibleng may sakit sa kidneys. Kumonsulta sa doktor.
11/07/2022
10/07/2022
Mga Senyales ng Atake sa Puso (Pagkakaiba ng Sintomas sa Babae sa Lalake)
Payo ni Doktor Doktor Lads
Isa sa mga karaniwang sanhi ng pagkamatay ng mga Pilipino ay atake sa puso. Nagbabara ang ugat sa puso kaya hindi nabibigyan ng oxygen at nutrients ang puso na nagdudulot ng pagkamatay ng heart muscles.
May mga sakit tulad ng high blood, diabetes, mataas na cholesterol at iba pa na maaaring magpataas ng posibilidad na makaranas ng atake sa puso ang isang tao. Narito ang ilang senyales na maaaring nakakaranas ng atake sa puso ang isang tao. Mahalaga na madala agad sa emergency room ang isng taong inaatake sa puso upang mabigyan ito ng lunas at maiwasan ang pagkamatay.
1. Maaaring makaranas ng pagkahilo (mas madalas sa babae).
2. Sumasakit ang panga (mas madalas sa babae).
3. Sumasakit ang leeg at batok (mas madalas sa lalake).
4. Masakit o pakiramdam na may mabigat na dumadagan sa dibdib (mas madalas sa lalake).
5. Sumasakit ang kamay (mas madalas sa lalake).
6. Sumasakit ang gitnang itaas na bahagi ng tiyan (mas madalas sa babae).
7. Masakit na itaas na bahagi ng likod (mas madalas sa babae).
8. Nahihilo at nasusuka (mas madalas sa babae).
9. Pinagpapawisan nang malamig (madalas sa lalake).
10. Hinihimatay o nawawalan ng malay (madalas sa babae).
11. Pakiramdam ng labis na pagod (madalas sa babae).
Source: American Heart Association
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the business
Telephone
Website
Address
Bocaue
