3 Siblings' Journey
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from 3 Siblings' Journey, Health/Beauty, Univille Subdivision, Cabanatuan City.
12/12/2023
Additional Holiday: DECEMBER 26, 2023 DECLARED AS SPECIAL NON-WORKING DAY
President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. declares December 26, 2023, as a Special Non-Working Day throughout the country to give the people the full opportunity to celebrate the holiday with their family and loved ones.
❤❤❤
28/02/2023
Maganda ang ipinamalas ng tatlo sa kanilang pag-aaral.
Laging naming ipinaaalala sakanila na lahat ng paghihirap at tiyaga nila ngayon ay aanihin nila sa future.😍😍😍
Kids @ Baguio
Happy 7th Birthday Sophia!
Stay kind and sweet.
Ang wish namin sayo lumaki kang mabuti, may takot sa Diyos at matulungin sa kapwa.
Nawa ay matupad ang pangarap mong maging doctor someday.
Ang wish nya ay makapag birthday sa school at makantahan ng mga classmates nya napaka-simple na hiling na masakit sa magulang na hindi maibigay.
God bless you anak.
Akala ko baby pa si Sarah.
Si Sarah ay ang bunso sa magkakapatid, twice siya nag daycare dahil alanganin ang age niya.
Mabilis niyang ginagawa ang mga modules niya at lagi siyang nakikinig pag nag aaral ang mga kapatid niya.
Hindi ko halos napapansin na lumalaki pala siya na nagiging competitive sa mga kapatid in a good way.
Congratulations Sarah Joyce for being the Bright Child of the Year! Ipagpatuloy mo ang iyong nasimulan. Proud lagi si mommy at daddy sayo.😘
Nagsimula na ang pasukan!
Hindi naging madali ang adjustment sa whole day class ng tatlong magkakapatid lalo at tag-ulan na.
Si Sophia ay 7:15 ng umaga ang klase hanggang 4:20 ng hapon, si Levin 8:10am hanggang 4:40 ng hapon samantala si Sarah dahil kinder pa lang ay 7:30 ng umaga hanggang 9:30.
Pagkayari ng kanilang klase, pinagpapahinga muna sila, pinakakain at pinaglalaro .
Sana ay magtuloy-tuloy na ang face to face class at maging ligtas ang lahat sa Covid19.
Iba talaga ang face to face learning at yung may kasabay sila na natututo mula kasi ng magkaroon ng pandemic Online Distance Learning ang kanilang naranasan.
Kilalanin natin sila...
Since grade 1 si Levin Rey ang lagi niya ng sinasabi "I want to become an astronaut someday!"
Lagi siyang nagkukwento tungkol sa planets, sa murang edad kabisado niya ang mga pangalan neto.
Inaalam niya kung may bago tungkol sa universe.
Support lang natin sila sa mga pangarap nila na parang walang imposible, ang isipan ng bata ay limitless.. wag nating idiscourage ang mga pangarap nila at sa kabila ng pagsuporta natin kailangan sabihin din natin sakanila ang mga maaaring mangyari o consequences ng mga pangarap na iyon.
Turuan natin silang pangarap...
Pakinggan natin sila...
Tulungan.
Mahalagang maituro habang bata pa sa magkakapatid ang pagtutulungan, ang samahang ito ay dadalhin nila hanggang sa paglaki.
Ito ay isang halimbawa ng performance task ni Sophia sa Math ( Super galing ng g**o nila sa math na naging g**o din ni Levin Rey sa grade 1 si Ma'am Sonia Gumarang ).
Kapag si Levin naman ang may performance task, kadalasan kasi ay video making handa rin si Sophia at Sarah na maging extra.
Naaalala ko maraming take ang video na ito na halos maiyak na si Sophia kami naman ay tawa ng tawa nabubulol siya sa 500 hundred peso bill 😂😂😂
Wahahaha sana nai-save ko rin mga nakakatawang moments na iyon.
Let them play
Madalas kong marinig na may linya silang tatlo na pare-parehong sinasabi, minsan inaya ko si Sophia na ivivideo ko siya ( medyo may mga linya ako na hindi maunawaan at nakakabulol sig**o) sumunod ay si Levin at eto na nga yan pala yon.
Sa laro nilang minecraft natutunan.
Matagal din bago nabilan ng minecraft ang mga bata, pinakita namin sakanila na hindi pagka hingi mo ngayon maibibigay sakanila naghintay sila at naging mababait.
Sa di nila inaasahang pagkakataon netong May 2022 binilan na sila ng daddy nila.
Sabihin mong magaling sila.
Sa tuwing gagawa sila ng video sa tik tok o reels minsan sila sila lang nakakagawa at nakakapag-upload ang sinasabi ko
"Magaling at maganda ang sayaw niyo" kahit hindi pero karugtong non sasabihin ko rin kung paano pa nila mas mapapaganda ang ginagawa nilang steps.
Ang mga bata hindi naman sila magaling agad sa pagsayaw o pagguhit. Hinahasa ang kanilang talento na may pasensiya at pagtitiwala.
Mararamdaman ng bata kapag may tiwala ka sakanila dahil doon ay mas pagbubutihan pa nila ang kanilang ginagawa.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Univille Subdivision
Cabanatuan City
3100
