Lian Jane Garcia

Lian Jane Garcia

Share

𝐈 𝐇𝐚𝐭𝐞 𝐏𝐚𝐢𝐧�

09/05/2023

Hindi Ako Tatakas, Ng Walang Paalam Kung Papayagan Niyo Ako Diba? Hindi Naman Ako Gagala At Uuwi Ng Gabi Kung Araw Araw Akong Nagiging Masaya, Di Naman Ako Sasagot Sa Inyo Kung Sa Simpleng Gusto Go Sususpurtahan Niyo Ako.
Hindi Ako Masamang Anak Sumasagot Ako Kasi Diko Gusto Yung Mga Tingin Niyo Sa Akin, At D Rin Ako Tatakas Kung Sa Bawat Paalam Ko Papayag Kayo, Andami Kong Gustong Gawin Habang Wala Pakong Pamilya Pero Sa Pinaparamdam Niyo Parang Wala Kayung Balak Supurtahan Ako, Ang Sakit Lang Kasi Di Ko Akalain Na Sa Sarili Kong Pamilya O Magulang Maririnig Lahat Ng Salitang Akala Ko Sa Ibang Tao Ko Lang Naririnig.

09/05/2023

Parte na nang buhay natin ang mangarap ang magkaroon ng pangarap, at ang tuparin ang ating nga pangarap. Ano nga ba ang pangarap? Lahat tayo may pangarap, lahat tayo may gusto marating sa buhay may gustong patunayan. Ako, ano nga ba ang pangarap ko? Ano nga ba ang gusto kong trabaho pagkatapos ng akin koliheyo?

Bata palang ako ninanais ko na ang maging isang doktor. Bakit? Hindi dahil sa bantog ito na propesyon, kundi dahil sa gusto kong makatulong sa ibang tao. Gusto kong sagipin ang mga taong lumalaban para mabuhay, ng sa ganun wala akong makitang pamilya na may luhang tumutulo sa kanilang mata.

Ngunit habang tumatagal nag babago ito, hindi dahil sa ayaw ko kundi dahil tungkol ito sa pangarap ko at praktikalidad ng buhay. Alam kong madami ang kagaya ko na sinuko ang kanilang gustong propesyon dahil sa ilang mga kadahilanan.
hindi man ako nakapag aral ngayon, at kung hindi pa man ako bibigyan ng pagkakataon na makapag aral ngayong taon hindi pa rin ako mawawalan ng pag asa.

Halimbawa man kung makapasa ako this year mag-aaral ako ng mabuti. At sa tamang panahon tutuparin ko ang pangarap ko na maging isang doktor. Dahil naniniwala ako na kapag gusto mo ang isang bagay ay hindi mo dapat sukuan. Huwag tayo dumipende sa sinasabi na kung para sayo, para sayo, dahil mas naniniwala ako sa, kung gusto mo gawin mo, kung gusto mo paghirapan mo.

Want your business to be the top-listed Beauty Salon in Calbayog?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Sinidman Oriental
Calbayog
1710