Daddy "O" sa Senado
Isang panawagan ng pagkakaisa para magkaroon ng tunay na Boses ng mga Senior Citizens sa Senado sa katauhan ni Cong. Ompong "Daddy "O" Ordanes
13/03/2026
Tuloy-tuloy ang pagtulong ng ating Daddy O Cong. "Ompong Ordanes" sa mga nangangailangan ng Medical..
Cong. Rodolfo "Ompong" Ordanes
Ang Daddy "O" ng Senado sa 2028
"O" sa Senado
"O" Supporters Movement
. Rodolfo "Ompong" Ordanes
25/12/2025
๐๐๐ฅ๐ข๐ ๐๐ฒ๐๐ง๐ ๐๐๐ฌ๐ค๐จ ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ ๐ค๐๐ฒ ๐๐จ๐ง๐ . ๐๐จ๐๐จ๐ฅ๐๐จ โ๐๐ฆ๐ฉ๐จ๐ง๐ โ ๐๐ซ๐๐๐ง๐๐ฌ ๐๐ญ ๐ฌ๐ ๐๐๐ง๐ข๐จ๐ซ ๐๐ข๐ญ๐ข๐ณ๐๐ง๐ฌ ๐๐๐ซ๐ญ๐ฒ๐ฅ๐ข๐ฌ๐ญ
Sa diwa ng Kapaskuhan, taos-puso naming binabati ang ating mga ๐บ๐ถ๐ป๐ฎ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐น ๐ป๐ฎ ๐๐ฒ๐ป๐ถ๐ผ๐ฟ ๐ฐ๐ถ๐๐ถ๐๐ฒ๐ป๐ at ang buong sambayanang Pilipino ng ๐ ๐ฎ๐น๐ถ๐ด๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐๐ธ๐ผ ๐ฎ๐ ๐ ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ด ๐ง๐ฎ๐ผ๐ป.
Nawaโy mapuno ang inyong mga tahanan ng pagmamahal, kalusugan, at pag-asa, at maramdaman ninyo ang pasasalamat at pagkalinga na nararapat sa inyo, hindi lamang ngayong Pasko, kundi sa bawat araw.
Patuloy kaming maninindigan upang walang senior citizen ang mapabayaan, at upang maihatid ang serbisyong may puso at malasakit sa bawat komunidad.
Maligayang Pasko po!
- Hon Rodolfo Ompong Ordanes
O ng Senado sa 2028
. Rodolfo "Ompong" Ordanes
Oo sa Serbisyo
O supporters Movement
19/12/2025
Ang Sukatan ng Lakas ay Paggalang
Bilang kinatawan ng sektor ng senior citizens sa Kongreso, malinaw sa akin ang isang simpleng katotohanan: ang paggalang sa nakakatanda ay hindi lamang kaugalianโito ay obligasyon. Ito ang pundasyon ng isang lipunang marunong kumilala sa sakripisyo, karanasan, at dignidad ng mga nauna sa atin.
Kamakailan, nasangkot sa isyu ang isang senior citizen na opisyal ng larangan ng isports at isang halal na mambabatas. Aking tinutukoy si Kinatawang Ormoc Congressman Richard Gomez at Fencing President Rene Gacuma na isa nang senior citizen. Nakita sa CCTV ang pagbatok ni Gomez kay Gacuma dahil umano sa alitan ukol sa naging desisyon ng huli na hindi isama ang isang atleta sa line up ng fencing competition sa SEA Games.
Hindi tayo narito upang humusga, ngunit hindi rin tayo dapat manahimik sa mas malaking aral na hatid ng pangyayaring ito.
Sa gitna ng tensyon, aberya, at matitinding emosyonโang paggalang sa matanda ay hindi dapat nawawala.
Lalo na kung ang kaharap ay isang senior. Ang edad ay hindi kahinaan. Ito ay karangalan. Ang mahabang taon ng serbisyo, sa gobyerno man o sa ibang sektor, ay nararapat suklian ng mahinahong pakikitungo at pag-unawa. Sabihin na natin may pagkakamali, mas mainam kung mahinahon na usapan at hindi sakitan.
Sa aking paninindigan bilang tagapagsulong ng karapatan ng senior citizens, malinaw ang aking panawagan: hindi kailanman katanggap-tanggap ang anumang kilos na naglalagay sa alanganin ang dangal ng nakatatanda.
Ang kapangyarihan, titulo, o katanyagan ay hindi nagbibigay ng karapatang maliitin ang sino manโlalo na ang mga matatanda na patuloy na naglilingkod sa bayan kahit lampas na sa karaniwang panahon ng pamamahinga.
Ang tunay na lakas ng isang lider ay hindi nasusukat sa kung gaano siya kaimpluwensiya, kundi sa kung paano niya pinipiling makitungo sa ibaโlalo na sa mga mas nakakatanda sa kanya. Ang pagpipigil, paggalang, at pagpapakumbaba ay hindi kahinaan. Ito ang tunay na anyo ng pamumuno.
Kung nais nating magkaroon ng lipunang makatao at makatarungan, dapat itong magsimula sa malinaw na pamantayan ng asal. Igalang natin ang ating mga senior citizensโhindi lamang kapag ito ay madali, kundi lalo na kapag ito ay sinusubok.
Dahil ang paggalang sa nakakatanda ay hindi lamang paninindigan ng iilanโito ay sukatan ng ating pagkatao bilang bayan.
Naway magsilbing aral ang insidenteng ito na dapat bilang kongresista at opisyal ng pamahalaan, importante na galangin natin ang mga nakatatanda. Sila ang nagbigay daan sa atin upang matamasa ang mas maayos na kinabukasan kayat marapat lamang na galangin . Para sa akin, we cannot demand respect, we need to earn it. At ang edad ang nagbibigay ng respeto sa atin dahil na din sa ating pinagdaanan.
Cong. Rodolfo "Ompong" Ordanes
Daddy "O" ng Senado sa 2028
. Rodolfo "Ompong" Ordanes
"O" Supporters Movement
17/12/2025
๐๐ฉ๐ซ๐ฎ๐๐๐๐จ ๐ง๐ ๐ฌ๐ ๐๐ก๐ข๐ซ๐ ๐๐๐๐๐ข๐ง๐ ๐ง๐ ๐๐จ๐ฎ๐ฌ๐ ๐จ๐ ๐๐๐ฉ๐ซ๐๐ฌ๐๐ง๐ญ๐๐ญ๐ข๐ฏ๐๐ฌ ๐๐ง๐ ๐๐จ๐ฎ๐ฌ๐ ๐๐ข๐ฅ๐ฅ ๐๐จ. ๐๐๐๐ โ ๐๐๐ซ๐ข๐๐ญ๐ซ๐ข๐ ๐๐๐๐ฅ๐ญ๐ก ๐๐๐ญ.
Ito ay isang mahalagang hakbang tungo sa mas maayos, makatao, at nakatutok na serbisyong pangkalusugan para sa ating mga loloโt lola. Sa loob ng maraming taon, tiniis ng ating mga senior citizens ang kakulangan sa angkop na pangangalagaโngayon, mas napapalapit na ang panahong ang kanilang kalusugan ay bibigyang-prayoridad at sapat na atensyon.
Sa pamamagitan ng Geriatric Health Act, isinusulong ang mas pinalakas na geriatric care, mas maraming espesyalistang doktor, at mas maayos na mga pasilidad sa mga pampublikong ospital para sa pangangailangan ng mga nakatatanda.
Ito ay hindi lamang isang panukalang batasโito ay pagkilala sa kanilang sakripisyo, serbisyo, at dignidad.
Maraming salamat sa lahat ng sumuporta at naniniwala na ang tunay na kaunlaran ng bansa ay nasusukat sa kung paano natin inaalagaan ang ating mga nakatatanda.
Para sa kanila ito. Para sa kanilang kalusugan. Para sa isang bansang may malasakit.
Daddy "O" ng Senado sa 2028
"O" Supporters Movement
ng mga Senior Citizens
. Rodolfo "Ompong" Ordanes
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Caloocan
1400
