Northplus -Bagumbong
Ang maliit pero super complete na botika ng ating baranggay!
05/01/2026
Balik Kalusugan sa January 17 na!
10/12/2025
Bago ang lamon at inom season ngayong Pasko,
Siguraduhin ready ang kalusugan mo.
Mag pa Health Lab na.
12/11/2025
Sa SABADO, November 15 ay meron po tayong Affordable Laboratory Package ulit sa Evergreen!
Bukas po ito para sa lahat ng gustong magpakonsulta.
LIBRE LANG po sa ating Botica ngayong SABADO October 18 mula 7 ng umaga.
Magsuot lamang po ng facial mask upang maprotektahan ang ating sarili at iba pang pasyente pati na rin po ang ating Doctor.
04/10/2025
Mga Ka- Barangay, sa October 11 na ang ating laboratory day!
Wag magpapahuli para siguradong Healthy.
Tumawag o mag text sa 09758203814 para sa iba pang detalye o tanong.
30/08/2025
Sa September 13 na!
Wag nating kalimutang magpa Laboratory para siguradong healthy mga Ka-Barangay!
Sa mga gustong magpalista o may tanong e pwede kayo tumawag o mag text sa (0975) 820 3814.
04/07/2025
Regular sugar test, healthy lifestyle at pag inom ng maintenance ay mahalaga para ma control ang diabetes.
Para malaman ang inyong blood sugar regularly, Magandang mag invest sa glucometer.
Mabibili Po sa ating botika may libre ng lancet at strips
04/07/2025
Mahalaga ang mayroon kayong regular monitoring ng Blood pressure sa bahay!
Mabibili po sa ating botika ang Omron Digital Sphygomomanometer!
23/05/2025
Biyernes ngayon Kaya kumain tayo ng Munggo
Munggo Masustansya, Hindi Bawal sa Arthritis
Payo ni Dr Liza Ramoso-Ong at Doc Willie Ong
Masustansya, masarap, at mura ang munggo. MALI ang paniniwala na masama ito sa arthritis. Sa katunayan, maraming itong benepisyo sa puso, utak at katawan.
Ilang sa mga benepisyo ng munggo ay:
1. Bagay ang munggo sa lahat ng tao dahil napakaraming bitamina at mineral tulad ng vitamin A, vitamin K, vitamin B1 o Thiamine, B2 o Riboflavin, B3 o Niacin o Trytophan, B5 o Panthothenic acid, B6 o Pyridoxine, B9 o Folate o Folic Acid; mga mineral tulad ng copper, iron, manganese, zinc, phosporus, magnesium, potassium, calcium at sodium.
2. Bagay ang munggo sa lumalaking bata dahil sa kumpleto sa bitamina at mineral.
3. Merong anti-oxidants laban sa pagtanda at panlaban sa kanser gaya ng vitamin A, C, E at beta carotene. Ang vitamin A, B1, B2, B6 ay pang-neutralize ng free radicals laban sa kanser at Alzheimers’ disease.
4. Ang laman na purine ng munggo ay katamtaman (moderate) lamang kaya pwede kainin ng may rayuma. Kung mataas ang uric acid ay hinay hinay lang pagkain, hindi po bawal. Ang bawal sa merong gout ay yung mataas sa purine tulad ng atay, pale, bato, balunan o yung nasa bopis.
5. Mayroong isoflavones na katulad ng hormone na estrogen ng babae na kailangan para sa pre-menstrual syndrome, hot flushes at insomnia.
6. May taglay na calcium at phosphorus para sa buto.
7. Maganda sa puso dahil walang cholesterol at ang fiber sa munggo ay laban sa bad cholesterol.
8. Inirerekomenda ito ng American Diabetes Association dahil mababa ito sa Glycemic Index kaya pwedeng kainin ng may diabetes.
Kaya ano pa ang hinihintay niyo? Isama din ang munggo sa mga talbos ng ampalaya o bunga, talbos ng malunggay, sili, spinach, alugbati, kangkong, sitaw, kalabasa at talong. Siguradong malusog at malakas kayo.
BUKAS NA TO! Wag ka ng pahuhuli
10/05/2025
Maligaya at malusog na araw sa lahat ng mga nanay sa ating barangay ❤️❤️❤️
19/04/2025
Tara na mga Ka-Barangay!
Sa init ng panahon, mahalagang bantay sarado ang kalusugan mo para sigurado ka!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the business
Telephone
Website
Address
JC Street, MCB II Corner Deparo-Bagumbong Road, Bagumbong
Caloocan
1421
