Rhian Joyce Daniel pendez

Rhian Joyce Daniel pendez

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Rhian Joyce Daniel pendez, Health/Beauty, Malandag, Davao City.

Photos from Rhian Joyce Daniel pendez's post 08/04/2024

It's not have a solar eclipse but the sky waving at the sun🌷🫰

12/12/2023

CHAPTER 18
"LIHIM SA LIHAM"

Pag kagat ng dilim, matapos ang buong araw ng pag aasikaso ni Jace ng mga papeles sa eskwelahan ay nag impake narin siya ng kanyang mga gamit pauwing maynila. May dalawang araw pa siyang pamamalagi sa Santo Luisa kasama ang kanyang stepbrother at ang buong banda nito.

Napatingin siya sa wall clock na nasa tapat ng kanyang higaan, alas sais palang naman at itinuloy ang kanyang pag aayos ng mga damit.

Hanggang sa makapa niya ang papel sa suot niyang Jacket nung araw na pumunta siya sa lumang mansyion ni Melisa. Oo nga pala at isinilid niya ito sa bulsa.

Bigla siyang hinila ng kyuryusidad habang binubuklat ang dilaw na papel.

Wala naman sigurong masama kung babasahin niya ito.

Naupo siya sa paboritong upuan kung saan siya laging nagtatrabaho sa laptop.

Panimula pa lamang ng sulat sa liham ay napakunot na ang kanyang noo.

Mahal kong kambal,

Ang liham na ito ang magsisilbing gabay upang matigil ang sumpang dulo't ng aking paghihiganti. Batid ko na hindi lingid sa iyong kaalaman na ako'y biktima ng galit at paninibugho.

Ang pamana na buhat sa ating mga magulang na ayaw mong tanggapin ay ako ang sumalo.

Ang itim na batong iyon ay may taglay na mahika. Mahikang nakakapanindig balahibo sa kung sinuman ang mabibiktima.

Habang binabasa ni Jace ang liham, ay biglang humampas ang napakalamig na hangin. Animo'y nakikisabay ito sa momento ng binata.

Habang sa Mansyon naman ay hindi maipaliwanag ni Lola Clarita ang kanyang pakiramdam. Nanginginig ang kanyang buong katawan, tila nilalamig siya kasabay sa pag bugso ng napakalakas na hangin. Ang kandilang nagsisilbing liwanag sa kanyang silid ay tinatangay din, batid niyang nasa paligid lamang niya ang kanyang kambal na hanggang ngayon ay hindi parin matahimik.

Itinuloy ni Jace ang pagbabasa.

"Ang itim na bato ay nagtataglay ng kapangyarihan ng pagiging aswang, sa kagustuhan kong hindi iyon mapunta sa iyo, sa kagustuhan kong huwag kang mapahamak ay sinalo ko buhat sa bibig ng nagh

12/11/2023

"ANG LIHIM NG BARYO"

CHAPTER 17

****

"HANAYA!?"

Sigaw ni Sheena ng bigla na lamang matumba si Hanaya at magkikisay.

"Tulong! Tulongan nyo kami!!!!"

Halos mapatid ang mga ugat sa lalamunan ni Sheena sa pagsigaw ng tulong, agad naman na naglapitan ang mga tao.

"Lumalakas ang kapangyarihan nya. Mukhang hindi kakayanin ng katawang lupa ni Jane."

Nag aalalang sabi ni Teresita. May alam naman sya sa paggagamot at tulad din sila nina Sonya dahil karamihan sa kanila ay naensayo ni Inang, hindi nga lang katulad ng kina Sonya at Andoy. Dahil may mga dasal at orasyon na hindi rin nila kaya. Para pang pili lamang ang may kakayahan na matutunan ang mga nalalaman nina Sonya.

"Paano yun?? Wala pa din sila..."

Halos pabulong at pag aalala ni Sheena. Napapailing si Teresita dahil hindi nya din alam ang gagawin. Patuloy naman sa pakikipag asusyo ang mga tao.

Nagpatulong sila para mabuhat si Jane at mailagay sa pinakamalapit na silid na walang iba kundi kina Inang.

"Sanay dumating na nga sila. Malapit ng sumikat ang araw. Wala ng oras. Si Inang lamang ang makakapagbalik sa sarili nilang mga katawan, at kailangan natin ang katawan ni Hanaya at kaluluwa ni Jane para magawa iyon, kayat ipagdasal nating lahat na sanay ligtas sila at pabalik na dito."

Sabi muli ni Teresita at hindi na mapigilan ni Sheena na mapahagulhol. Natatakot sya. Pakiramdam nya ay mag isa nalang sya. Gusto na nyang matapos ang lahat ng to. Pagod na pagod na rin sya sa lahat ng mga nangyayare, kahit na hindi okay ang mommy at daddy nya, na hindi sila buo at lage nalang away ay gusto nya pang mayakap at makasama ang mga ito. Umaasa syang magiging maayos muli ang kanilang pamilya at magiging masaya katulad nung maliit pa sya.

Niyakap sya ni Teresita dahil sa awa sa kanya, sa awa sa kanila.

"Malalagpasan mo din ang lahat ng to, malalagpasan nyo, namin, malalagpasan nating lahat."

Pagpapagaan nya ng loob dito. Lalong lunakas ang iyak ni Sheena at napayakap kay Teresita. Naluha naman si Teresita at ang iba

12/11/2023

"ANG LIHIM NG BARYO"

CHAPTER 16

***

Salubong na ang mga kilay ni Sanya habang patuloy sa pakikipaglaban sa mga hindi maubos ubos na nilalang. Iniisip nya kung paano matatalo ang mga ito.

At naisip nyang isa lang ang paraan.

Kailangan nyang maungusan si Teodoro at maisara ang lagusan na nakabuka sa may lupa kung saan lumalabas ang hindi mabilang na mga halimaw.

Nararamdaman na nya ang pagod sa kanyang sarili at kailangan na nyang magawa iyon sa lalong madaling panahon dahil wala syang maaasahan sa mga oras na yun kundi sarili lang nya. Ayaw nyang umasa na may darating na tulong dahil sapat ng sya na lamang ang naghihirap para sa kanya.

Habang nakikipaglaban ay naluluha sya habang iniisip ang kanyang nakaraan, ang masaya nilang pamilya noon kasama ang kanyang mga magulang, ang kakambal na si Sonya, ang bunso nilang si Andoy at ang kanyang Inang na lage nilang dinadalaw sa munti nitong kubo malapit sa kagubatan. Lumipat na nga lang ito sa kalagitnaan noon kung saan mahirap matagpuan kaya hindi na rin nya ito nabibisita dahil naging mailap sya ng mga panahon na yun, mga panahon na unti unti na nyang natutuklasan ang kanyang pagkatao at ayaw nyang may madamay at masaktan syang iba kaya't pinapalabas nyang sya'y matatakotin, mahina at duwag. Mas mabuti ng ganun ang isipin ng mga tao sa kanya kesa malaman ng mga ito ang baho ng kanyang masamang pagkatao.

"Hindi kayo nauubos ahh.."

Bulong nya habang sinasalag ang mga hawak nilang kalasag. Normal at kaya naman nya ang lakas ng mga ito. Ang kinakapagod nya ay ang walang katapusang pagsugod at pagdami nito.

Inipon nya lahat ng kanyang pwersa sa katawan at pasigaw na sumugod sa mga halimaw. Naglabas siya ng asul na apoy sa kanyang mga espada at sa isang wasiwas lang nya ay ubos ang mga nilalang na nakapalibot sa kanya at ganun din ang mga papasugod pa mula sa ibaba, hindi na sya nagaksaya ng oras at bumulusok paibaba para salubongin ang mga nilalang at maisara ang lagusan. Nanatili siyang alerto dahil alam nyang nagha

03/11/2023

"ANG LIHIM NG BARYO"

CHAPTER 15

***

Halos yumanig ang mundo ni Sonya ng biglang bumulusok paitaas mula sa ilalim ng lupa ang isang higanteng ahas at pagdakay nagbago ng anyo bilang isang napakagwapo at kaakit akit na lalaki na nakasuot ng purong itim. Nagbabaga ang mga mata habang nakangisi sa kanya.

"T-TEODORO?!"

Bulalas nya dito. Tumango naman ito sa kanya at yumuko nang paggalang, natatawa pa ito habang ginagawa iyon.

"Kamusta mahal kong Sanya?? Akala mo siguro'y hindi ko malalaman ang iyong ginawa, talagang pinatulog mo ng mahimbing si Lucia na masamang bahagi ng iyong pagkatao. Sa tingin mo ba ay magtatagal ito?"

Nangungutyang sabi nito at naglakad lakad pa.

"Lalo na't heto na ko."

Sabay lingon nito sa kanya at biglang may hinagis sa kanya at mula sa kamay nito ay lumabas ang isang nagbabagang apoy papatapon sa kanya. Malapit na ito sa kanya ngunit mabilis nyang naiwasan.

"Tigilan mo na ang kahibangan mo Teodoro. Maaaring nagwagi ka noon ngunit ngayon ay hindi na ako papayag na mapasailalim pa ng kapangyarihan ninyo ng inyong panginoon!"

Matapang niyang sabi at sya naman ang nagpakita ng kapangyarihan. Inangat niyang dalawang kamay pataas at ang dalawang hawak na espada ay naglaho at sabay na nabunot ang dalawang puno na malapit sa tigkabilang tabi nya. Lumutang ang mga iyon at ibinato ng sabay kay Teodoro.

Ngunit bago pa man makalapit at lumapat iyon ng tuloyan kay Teodoro ay para itong marupok na kahoy at sumabog ito sa pamamagitan ng hindi makitang pwersa. Isa iyong panangga na ginawa ni Teodoro sa kanyang isipan.

"Sadyang matigas ang ulo mo sa Sanya. Parehong pareho kayo ng iyong kapatid. Ilang beses na kayong sumubok at ilang beses na ding natalo. Nagawa na kitang makuha at mapasailalim sa aking kapangyarihan. Nakatakas ka lang saglit ay nagmamalaki kana? Nais mo bang magalit ako ng tuloyan? Sumama kana sakin at isuko mo na sakin ang matinik mong kapatid na hadlang sa aking mga plano. Hindi ba't pinabayaan ka na nya? Iniwan at di na binalikan?

03/11/2023

"ANG LIHIM NG BARYO"

CHAPTER 14

****

Habang nangyayare ang mga makapigil hiningang eksena sa mga dayo at ang pagkakalagay ni Sonya sa bingit ng kamatayan, ay hindi nila namamalayan ang dalawang pares ng mata na nanunuod sa kanila mula pa ng pumasok sila sa lugar na yun. Dalawang pares ng mata na merong pag aalinlangan ngunit may pag aalala.

Dalawang pares na mata, na namumuhay ang kabutihan ngunit inaalipin ng kasamaan.

"I-Ililigtas ko sila. Ililigtas ko ang mga kapatid ko."

Maamo nitong sabi at may pakikiusap.

Pumipitik pitik ang ulo nito. Pinipigilan nyang lumabas ang isa pang katauhan sa kanya.

"T-Tumigil ka! Sa oras na gawin mo iyan ay ako na ang papatay sa mga kapatid mo!"

May gigil na sabi nya sa kanyang sarili ngunit ibang katauhan na nya ang nagsasalita noon. Sa tuwing nagsasalita ang matapang at masamang katauhan nya ay nagkukulay itim lahat ng kanyang mga mata at bumabalik naman sa normal kapag bumabalik din sya sa tunay niyang sarili.

"H-Hindi .. H-Hindi ... Sa pagkakataong to ay hindi mo ko mapipigilan. Maiitago kita sa pinakailalim ng aking pagkatao dahil sa pagmamahal ko sa kanila."

Matigas na sabi nya sa masama nyang katauhan. Ikinalma ang kang sarili at pinilit na iwiksi sa kanyang puso at isipan ang masama nyang bahagi. Pipilitin nya. Kakayanin nya. Dahil kailangan sya ng kanyang mga kapatid. Lalo na ng kanyang ate.

"H-Hindi! H-Hindi mo pwedeng gawin sakin to!"

Nanlalaban pa ang masama nyang katauhan habang nilalamon ito ng mabuti nyang kalooban.

"Tayo ay iisa! At ako! Ako ang masusunod sating dalawa!"

Pagpupumilit pa nito. Umiiyak siya habang nangyayare yun. Kung makikita sya ng ibang tao ay iisipin na nababaliw sya dahil kinakausap nya ang kanyang sarili. Sinasaktan at sinisigawan. Ngunit iyon ay tunay na bahagi ng kanyang pagkatao. Bihag sya ng masama nyang pagkatao at hindi sya makawala kahit gustohin nya. Ngunit ngayon ay pipilitin nyang talunan ito pansamantala kahit kapalit nito ay ang muli nyang panghihina ng ilang araw at sas

03/11/2023

"ANG LIHIM NG BARYO"

CHAPTER 13

*******

Pikit matang hinihintay ni Kyle ang kanyang kamatayan. Sa sandaling yun ay nagdasal sya at pinagdasal ang kaligtasan ng kanyang mga kaibigan na makalabas dun pati na rin ang naiwan nyang mga mahal sa buhay at pamilya sa Maynila. Ipinaubaya na nya ang kanyang sarili at hindi na sinubukang gumapang pa.

"K-Kyle ..."

Rinig nyang iyak ni Carla at mas lalong kumirot ang kanyang dibdib dahil wala man lang syang magawa para iligtas at mailabas sa lugar na yun ang babaeng dalawang taon na nyang itinatangi.

Napuno ng luha ang sandaling iyon kasabay ng ingay ng Chainsaw.

Ngunit napamulagat silang sabay ni Carla ng marinig ang malakas na paghampas at pagbagsak ng nilalang sa malayo.

Naabotan pa nilang nasa ere pa ito bago tuluyang bumagsak ngunit hawak pa din ang chainsaw.

"Kyle! Carla!"

Napahagulhol ng iyak si Carla ng makitang dumating sina Sonya, Kysler at Steve. Agad syang niyakap ni Sonya at inalalayan makatayo pagkatapos ay lumapit kay Kyle na hindi pa rin halos makagalaw.

"K-Kyle .."

Iyak muli ni Carla at yumakap kay Kyle. Para namang lumutang sa alapaap si Kyle ng sandaling yun. Parang nawala saglit lahat ng sakit na nararamdaman nya kung di lang natuunan ni Carla ang sugat sa kanyang dibdib.

"A-Ahh!"

Daing nya at napabitaw naman agad si Carla.

"Ay s-sorry! H-Hindi ko sinasadya. N-Nag aalala lang ako sayo Kyle. M-Masakit pa ba??"

Nauutal utal sa sabi ni Carla dahil nahihiya sya sa pagyakap nya dito. Nadala sya ng kanyang damdamin at muntik na nyang masabi dito na mahal nya si Kyle.

Tama.

May pagtatangi ang dalawa sa isa't isa at dito pa nila sa malihim na baryo napagtanto iyon.

Ngumiti lamang si Kyle at ipinikit muli ang mata upang makabawi ng lakas. Hindi nya sinubukang gumalaw at huminga ng malalim ng paulit ulit.

Si Sonya naman ay inilabas ang kanyang mga dalang gamot at inumpisahang gamotin si Kyle. Sinabi nyang gagaling agad sya dito dahil ang gamot na yun ay galing pa sa mundo nina Osdongan at may pambihi

03/11/2023

"ANG LIHIM NG BARYO"

CHAPTER 12

*****
Matagal pa bago kumilos si Sonya at nag aalangan din kung doon nga ba sila dadaan. Sinisipat nya ang may kalawakang lugar at balot na balot ng katahimikan. Maliwanag ang parte ng lugar na iton dahil sa sinag ng buwan na tumatagos sa siwang ng mga dahon ng mga puno.

"D-Dyan ba tayo dadaan Sonya?"

Ulit na tanong ni Carla at napalingon dito.

"Sana.. Kaya lang ay may kailangan kayong malaman."

Kinabahan naman sila sa sasabihin ni Sonya. Ano naman kaya iyon at bakit kahit si Sonya na matagal na dito at may kakayahang lumaban ay kita nilang kinakabahan din.

"Ano yun Sonya? Sobrang risky ba kung dyan tayo dadaan?"

Tanong ni Steve at hindi agad makasagot si Sonya. Nilingon nya muli ang lugar.

"Ito lamang ang naiisip kong paraan, dahil kung ipipilit natin na dun sa diretsong daan ay mapapalapit tayo sa kuta ni Teodoro at mararamdaman nya agad ang presensya ko. Ito na lamang ang natitirang daan dahil hindi tayo pwedeng dumaan kung saan saan lang dahil mas delikado. Madami ding elemento at lamang lupanang naninirahan dito at hindi namin sila pinapakialaman, nagbanta din sila na wag silang isasalinsa gulo namin nina Teodoro dahil may kakayahan silang makapasok sa lugar ni Inang. Silay mga engkanto ng lugar na to at nauna sila dito bago dumating si Teodoro, bago pa man ako isilang o si Inang kaya't labis din ang paggalang namin sa kanila. pag nagambala natin sila ay sila Inang agad ang pupuntahin nila at madadamay ang mga tao dun"

Halos matuyuan ng laway si Sonya sa kanyang paliwanag dahil nararamdaman nya rin ang kaba sa kanyang dibdib. Isang beses na kase syang nakadaan dito nung nag uumpisa pa lamang sanayin ni Inang at labis ang takot at hilakbot nya sa sinapit sa lugar na iyon. kaya kahit siya ay may kakayahan ng lumaban dito at may edad na ay natatakot pa din siya.

"Ano bang meron dyan Sonya?"

Tanong ni Steve. Hindi rin agad makasagot si Sonya. Hindi sya mapakali. Nagdadalawang isip siya ngunit nanatiling pa ring kalmado u

19/10/2023

"ANG LIHIM NG BARYO"

CHAPTER 11

****

"Sya nga pala Sonya."

Pag uumpisa ni Kysler, malayo layo na rin ang kanilang nilalakbay.

"Saan ba nagpipinunta si Andoy? At bakit kasali sya grupo ng mga Kulto? Eh diba kalaban nyo yun?"

Diretso lamang ang tingin ni Sonya na nangunguna sa kanila.

"Oo, kabilang sya sa samahan na iyon. Pero para lamang maging espiya. Nag iingat naman sya, marami na rin kaming nalalaman tungkol sa kanila, sa kanilang mga magiging hakbang. Lalo na sa susunod na pagbilog ng Buwan. Sisikapin namin na mapalaya na din ang Baryo namin dahil matagal na kaming naghihirap."

Mahabang sagot ni Sonya. Nakikinig naman ang lahat sa kanya.

"Eh ilang taon kana nga pala Sonya?pati si Andoy at Inang?"

Tanong naman ni Kyles dahil matagal na nya itong iniisip. Puno lamang ng kuryusidad ang kanyang isipan dahil hindi nga tumatanda ang iba at hindi naman namamatay ang mga matatanda na. Hindi naman sa gusto na nyang mamatay ang mga ito. Nakakapagtaka nga lang talaga. Ganun din naman ang iniisip ng kanyang mga kasama kaya't nasasabik sila sa magiging sabik ni Sonya. Talaga namang kakaibang pangyayare nga ito.

"Dahil isinumpa kami ni Teodoro ng malaman nya ang ginagawa ko. Ang mga ginagawa namin ni Inang. Isinumpa nyang hindi mamatay ang lahat, na mananatili kami sa kung ano kami nung mga panahon na yun. Dahil ipadadanas nya daw lahat ng hirap at galit nya sa amin at papatayin nya kami sa paraang hindi namin nanaisin. Nasa Isang daan at apat-napu na akong nabubuhay. Si Inang ay malapit ng magdalawang daang gulang, at si Andoy .. Isang daan at dalwamput walo na ang edad."

Halos pasukan na ng langaw ang kanilang mga bunganga dahil napanganga sila sa edad nina Sonya. Napatigil pa sila sa paligid at pinagmasdan si Sonya.

"Grabeee .."

Manghang sabi ni Kysler. Nilingon sila ni Sonya.

"Saka ko na ikikwento ang iba dahil kailangan nating magmadali. Kakaunti lamang ang ating panahon alam nyo yan. Maging maingat kayo sa inyong kilos, talasan ninyo ang inyong mga pandin

18/10/2023

"ANG LIHIM NG BARYO"

CHAPTER 10

***

"Sana ay makabalik sila dito ng ligtas. Sana magtagumpay sila."

Hindi mapakali si Sheena habang maya't maya ang tanaw sa tarangkahan. Nasa labas sila ng kubo ni Inang at kahit may kalahating oras na ng lumabas sa tarangkahan na iyon ang kanyang mga kaibigan at si Sonya at hindi nila magawang umalis dun. Para pang nasa gunita pa nila na nakatayo dun ang lima. Lalo na si Sheena na labis na nag aalala at pinagkukoskus pa ang palad.

"Huwag kang mag alala, kasama nila si Sonya. Kabisado ni Sonya ang lugar na ito kaya't hindi magiging mahirap sa kanila ang hanapin ang katawan ni Hanaya at ang si Jane."

Napakagat ng labi si Sheena at napakuskos naman sa magkabila nyang mga braso.

"Ang mga tikbalang ang tanging nilalang sa lugar na ito ang aming kasundo. Sila ginambala lang din ni Teodoro sa kanilang tahanan dahil nais nitong magpatulong na matukoy ang aming lugar. Ngunit ang aking Lolo ay kaibigang matalik ni Osdongan kaya't hindi kami nito isinuplong sa kanila. Kaya't nababatid kong magiging maayos din ang pagpapalit ng dalawa kung sakali mang walang aberya."

Kwento sa kanya ni Inang Ludeng. Napatingin sya sa matanda at lumapit dito. Tinabihan nya ito sa bangkito at mataman na nakinig dito bagos nagtanong.

"Kaya po ba nandito ang mga tikbalang kahapon at hinahabol kami dahil kasama namin ang anak ng kanilang pinuno?"

Tumango naman si Inang. Napaisip si Sheena at naalala ang tikbalang na tumingin sa kanila ni Carla at ngumiti. Natakot lang talaga sila pero mukha namang mabait ito.

"Alam na ni Osdongan ang nangyare. Napaliwanag na namin sa kanya. Akala ni Osdongan ay kinuha ninyo ang kanyang anak kaya't hinabol kayo ng kanyang hukbo, kasama pa ang hukluban na alaga ni Osdongan. Umaasa din siya na mapagpalit na ang dalawa at ng makuha na muli nya ang kanyang anak. Babalik sila dito bukas dito pag sumikat na ang araw dahil yun ang sinabi kong oras nang pagounta nila dito. Sa sandaling matapos na natin ang kanilang paglipat sa sar

15/10/2023

"ANG LIHIM NG BARYO"

CHAPTER 9

****
"MULA noon tuwing araw ng byernes ay dinadala ko kay Inang ang mga panganay na anak ng aming mga taga baryo, nung una ay isa lamang dahil nangangamba akong mahalata iyon ni Teodoro pero ng aking makasanayan ay umabot na sa apat, iilan pa lamang ang nadadala konnun kay Inang ng sabihin ko kina Itay na isasama ko na din sila. Pumayag naman sya at si Andoy, pero si Sonya ay hindi. Natatakot na din kase ako nun dahil sa kakaiba nyang kilos, lalo na't malakas ang aking kutob na may kinalaman sya sa mga nabibihag na pinapatay sa aming baryo. Palage syang wala at sa tuwing tatanungin ko naman ay lage nyang sinasabi na kung saan lamang. Hindi ko na sya pinipilit pa dahil nauuwi lamang sa pagtatalo na isang beses lang nangyare, sa tuwing sinusundan ko sya ay bigla nalang syang nawawala sa paningin ko kaya hindi ko matukoy kung saan sya naglalage. Wala akong mapatunayan."

Malungkot na sabi ni Sonya. Nakiramdam ang lahat at walang nangahas na magtanong. Saglit silang natahimik at nagmuni muni sa nakaraan na patuloy na inilalahad ng mag Lola.

"Kyle!"

Humahangos na dumating si Kysler at napahawak pa ito sa tuhod.

"Anong nangyare Kysler?"

Tanong ni Kyle dito at huminga muna ito ng malalim bago sumagot.

"W-wala naman, gusto ko lang ibalita na nasa maayos ng kalagayan si Jane at binabantayan sya ni Steve. At isa pa .."

Napalunok pa ito bago tumikhim at nagsalita. Inaabangan naman ng lahat ang kanyang sasabihin.

"Gutom na din kase ako."

Napapa

Want your business to be the top-listed Beauty Salon in Davao City?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Malandag
Davao City