mommy chelz

mommy chelz

Share

i can do all things through christ who strengthen me

23/05/2026

Wag ka boi ! 😝

20/05/2026

Hayaan mo si Lord ang gumanti para sa’yo.

Minsan ang sarap nang pumatol lalo na marami ka ring pwedeng sabihin.
Ang sarap isa-isahin lahat ng ginawa nila.
Ang sarap ibalik sa kanila yung sakit na binigay nila sa’yo .

PERO, hindi lahat ng kaya mong gawin, dapat mong gawin .
Hindi lahat ng laban, kailangan mong patulan .
Hindi lahat ng mali, kailangan mong gantihan .

Kasi ang totoo, kapag pumatol ka baka pareho na lang kayong masasaktan .
Kapag gumanti ka, baka pareho na lang kayong nawawala sa tama .

May mga laban na hindi mo kailangang ipaglaban, kasi HINDI IKAW ANG DAPAT LUMABAN .MAY DIYOS KA AT MAS KAYA NIYANG IPAGLABAN KA KAYSA SA KAYA MING GAWIN PARA SA SARILI MO .

Hindi ibig sabihin na mahina ka kapag pinili mong manahimik .
Hindi ibig sabihin na talo ka, kapag pinili mong magpatawad .

Minsan, ang tunay na lakas ay yung KAYA MONG PIGILAN ANG SARILI MO KAHIT ALAM MONG MAY KARAPATAN KANG GUMANTI .

Kasi may mga bagay na kapag ikaw ang gumawa magiging kasalanan .
Pero kapag Diyos ang kumilos magiging KATARUNGAN .

Kaya imbes na gumanti, IPAGKATIWALA MO.
Imbes na magsalita, MANAHIMIK AT HAYAAN MO SIYA ANG KUMILOS .

At balang araw, mare-realize mo buti na lang hindi ikaw ang gumanti kasi MAS MAGANDA PALA ANG PARAAN NG DIYOS sa kung paano ka niya ipinaglaban .

Si Lord ang bahala sa mga nanakit at nag salita sayo, basta gawin mo lang palagi ang tama sa mata niya .
Sagot Niya ang justice para sayo .

Photos from mommy chelz's post 19/05/2026

“ Sayo nagpropose, pero sa iba nagpakasal ” 💔

Si Jessa ang patunay na may mga babaeng handang samahan ang lalaking mahal nila mula sa hirap, pagod, at walang kasiguraduhan habang sabay nilang binubuo ang mga pangarap .

Pero si Benny naman ang masakit na paalala na hindi lahat ng taong kasama mong nangarap at lumaban mula sa umpisa ay mananatiling totoo kapag nakaangat na sa buhay .

Minsan, habang ikaw ang kasama sa pag-akyat, iba pala ang gustong isama sa tagumpay .

Kaya sa mga magkasintahan at mag-aasawa pa lang, piliin niyo hindi lang ang taong mahal niyo, kundi ang taong marunong tumanaw ng utang na loob, marunong magpahalaga sa sakripisyo, at kayang manatiling loyal kahit nagbago na ang estado sa buhay .

Dahil ang tunay na pagmamahal hindi lang nasusukat sa saya at tagumpay, kundi lalo na sa panahon ng paghihirap at walang kasiguraduhan .

19/05/2026

“ Left Before The Wedding, But Never Abandoned By God ” 🤍

As they say, everything happens for a reason . Sometimes, the person we thought was our “forever” is actually someone God is saving us from .

What happened to the girl from Romblon is heartbreaking, but maybe this was also God’s way of protecting her and her baby from the wrong person. Not everyone who leaves is a loss. Some people have to walk away so we can be spared from repeated pain, tears, and love that was never genuine enough to stay.

One day, you’ll realize you were not left behind just to suffer you were redirected toward the kind of love you truly deserve: a love that chooses you, respects you, and stays.

To the girl from Romblon, sending you the biggest hugs. Stay strong for yourself and for your baby. The right person will never leave you when you need them the most.

17/05/2026

Hindi nabibili ng pera ang babaeng down na susuporta sayo at mananatili sa tabi mo kapag nasa tough times ka ng buhay mo .
Keep them kapag meron kana nyan .

Lalo na kapag nasa panahon ka palang na mag bu-build up ka ng sarili mo at nasa proseso ka palang ng pag angat ng level mo .

Sabi nga eh " p***y is everywhere, but a girl who want to see your succeed is rare " .

17/05/2026

Be a woman like " MASARAP TIGNAN " pero " MAHIRAP TIKMAN "

well this might sound funny yet its for real .
Not every man deserve the access to you .
Standards are not arrogance but its a SELF RESFECT .

Hindi mo ikakaganda ang pag kakaroon ng maraming naka body counts kasi ang totoo nagiging maruming babae ka lang .

Don't let other man used you .
Ingatan mo ang dignidad at pagkababae mo .
Palagi mong tatandaan na walang makakahigit sa babaeng " MATINO " kumpara sa mga babaeng nagpapatira kung kani kanino .

13/05/2026

Dati nagtatanong siya .
Dati nakikipag-away pa .
Dati nagrereact sa mga ginagawa mo .
Ngayon ?
“Okay lang.”
“Bahala ka.”
“Wala akong pakialam.”

Hindi na siya nag-iimbestiga .
Hindi na nagtatanong .
Hindi na rin nagagalit .

Dahil eto ang totoo ,ang tahimik na babae hindi ibig sabihin okay siya .
Minsan ibig sabihin, pagod na siya .

Pagod na ipaglaban .
Pagod na magpaliwanag .
Pagod na umasa na maririnig mo siya .
Pagod na umasa na magbabago ka pa .

Napansin mo ba ?
Kapag ang babae maingay, gusto pa niyang manatili .

Kapag nakikipagtalo, may care pa yan sayo .
Pero kapag tumigil na siya ibig sabihin tinanggap na niya .
ang acceptance ng babae mas delikado kaysa galit .
Kaya huwag mong i-celebrate ang katahimikan niya .

Tanungin mo ang sarili mo .
ano ang unti-unti mong pinatay sa kanya
para maging ganyan siya ?
Kung mahal mo pa siya ,huwag mong hintayin na ang susunod na katahimikan ay wala na siya .

Tandaan mo:
ang babaeng tahimik ,madalas tapos na .
At kapag ang babae umayaw na ng tahimik madalas
hindi na yan babalik .

20/04/2026
Want your business to be the top-listed Beauty Salon in Guagua?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


83 Talang Pulungmasle Guagua Pampanga
Guagua
2005