Denia Mae Tolentino
Personal page
❗Bakit maraming mag asawa ang naghihiwalay pag nagka anak na?
Una, maraming asawang lalaki ngayon ang hindi naiintindihan ang pinagdadaanan ng isang ina. (Mentally, physicaly, emotionally, during pregnancy and postpartum)
Pangalawa, akala nila laging galit, akala nila laging nag iinarte pero hindi nila alam yung sakripisyo at pagtitiis wag lang maapektuhan yung mga anak.
Pangatlo, komunikasyon. Karamihan sa mag asawa, pag nagkakaroon ng anak nawawala na ang komunikasyon. Pag may problema, pag usapan wag takbuhan. Huwag ikwento sa pamilya o sa barkada dahil minsan sila ang nakakasira sa pamilyang binuo niyo. Kayong mag asawa ang dapat na mag aayos ng problema niyo. Hindi ang pamilya niyo, hindi ang barkada niyo.
Sa mga mister diyan, intindihin niyo po ang mga misis niyo. Hindi biro ang pagbubuntis lalo na ang panganganak, halos kalahati ng buhay ng mga babae nasa hukay na dahil sa pagbubuntis at panganganak. Sinakrispisyo nila yung magandang katawan, career at magandang buhay nila para mabigyan kayo ng mga supling. matutong ma appreciate ang iyung asawa.
Kudos sa mga nanay na handang mag sakripisyo ng sariling buhay para sa ikabubuti ng pamilya! Kayo ang tunay na bayani, NANAY💚
kaya pala 🥺
Pag ikaw asawang babae na walang trabaho kaya kang tiisin kahit hindi kayo magpansinan o mag usap. Pero kung pareho kayo may trabaho o mas lamang pa ang kita mo sa asawa mo sobrang pag aalaga ang gagawin nya sayo hindi ka bibigyan ng stress sa buhay. Kaya mas mahirap ang pinagdadaanan ng mga misis na walang nai-aambang dahil puro kunsumisyon lang ang ibinibigay sayo. Swerte ka pag nakahanap ka ng lalaki na kahit wala kang trabaho kundi pag-aalaga lang ng mga anak nyo ay pinaparamdam parin sayo mahalaga ka sa kanya hindi ka binibigyan ng problema sa buhay dahil wala syang bisyo na kahit ano. Dahil ang iniisip nya ang mapabuti ang pagsasama nyo at maging masaya ang pamilya nyo.
゚viralfbreelsfypシ゚viral
゚viralシfbreelsfypシ゚viral
MALAYO KANA SA DATING IKAW
Malayo ka na sa dating ikaw.
Ang dating maganda sa mata ng lahat,
ngayo’y pagod, losyang, tila ba nawalan ng kinang.
Pero alam mo, hindi na ito tungkol sa itsura.
Dahil sa likod ng mga eyebags, may mga gabi ng pagtitiis.
Sa likod ng tuyong balat, may mga panahong sarili ang isinantabi.
Hindi ka na lang basta maganda isa kang mandirigma.
At sa mata ng mga nakakaunawa,
mas maganda ka ngayon kasi totoo ka.
"MAHALIN MO ANG ASAWA MO,
Kung mabait ka sa ibang tao,
dapat mas mabait ka sa asawa mo.
Kung lagi ka andyan para sa iba,
dapat ganun ka rin sa asawa mo.
Kung kaya mo gastusan yung iba tao,
dapat mas kaya mong mag provide sa asawa mo.
Kung may respeto ka sa iba,
dapat mas mataas respeto mo sa asawa mo.
Kasi at the end of the day yung asawa mo lang din naman yung sinasandalan mo pag tinalikuran ka ng mundo."
"BAKIT SA IBA ANG BAIT MO,
PERO SA ASAWA MO, PARANG KAAWAY MO?"📍
Ang daming lalaki at babaeng sobrang bait sa ibang tao.
Sa kaibigan, sa katrabaho, sa kapitbahay — sobrang lambing,
sobrang pasensya, sobrang generous.
Pero pagdating sa asawa?
Parang ibang tao.
Parang kagalit araw-araw.
Parang wala kang respeto.
Parang hindi mo mahal.
Sa iba, magaan ang boses mo.
Maayos kang makitungo.
Marunong kang magtimpi.
Pero sa asawa mo, konting kibot lang — sigaw agad.
Konting tanong lang — inis na ang tono mo.
Konting mali lang — parang mortal na kasalanan.
Masakit ‘yun.
Kasi sa lahat ng tao sa buhay mo,
ang asawa mo ang dapat pinaka-close sa puso mo.
Siya yung kasama mo sa hirap at ginhawa.
Siya yung nakikita ang lahat ng pagod mo,
pero siya rin ang pinapasan ang bigat ng ugali mo.
Siya yung iniwan ang dating buhay para bumuo ng bago —
kasama ka.
Kaya kung mabait ka sa iba, mas doblehin mo sa kanya.
Kung marunong kang makisama sa iba, mas unawain mo siya.
Kung mapagbigay ka sa iba, mas ibigay mo ang best mo sa kanya.
Kasi ang mga kaibigan, katrabaho, kapitbahay —
dadaan lang sila.
Pero ang asawa mo — kasama mo habang buhay.
Huwag mo siyang gawing huling prioridad sa emosyon mo.
Huwag mo siyang tratuhin na parang hindi siya mahalaga.
Sa dulo ng araw, hindi ‘yung galing mong makitungo sa iba ang mahalaga — kundi kung paano mo minahal at minahalagang tunay ‘yung taong pinakasalan mo.
"Yung Tipong Wala Nang Lambing,
Pero Nandyan Ka Pa Rin"
Hindi lahat ng mag-asawa,
araw-araw ay masaya.
Dumarating din yung panahong parang may pagitan, na hindi na kayo magkaintindihan, na hindi na tulad
ng dati ang pakikitunguhan.
Wala nang lambing, wala nang sweet na “ingat ka”
o “kumain ka na ba?” Minsan, parang kasama mo
lang siya sa bahay pero hindi mo na maramdaman kung mahal ka pa ba niya.
Pero kahit ganun, nananatili ka.
Kasi alam mong ang pag-aasawa,
hindi lang puro kilig. Hindi lang siya puro saya, tawanan, o yakap. Kailangan din ng paninindigan. Kapag humupa na ang damdamin, dapat paninindigan na ang natitira. Kapag wala nang kilig, commitment na ang kailangan.
Hindi mo pinipilit bumalik sa dati.
Pero pinipili mong manatili dahil umaasa ka pa rin
na balang araw, mararamdaman mo ulit ang lambing. Hindi sa mga salita, kundi sa mga simpleng bagay
sa pag-abot ng plato, sa pagligpit ng gamit mo, sa mga “nandito lang ako” kahit hindi na laging sinasabi.
At yun ang tunay na sakripisyo
yung mananatili ka hindi dahil sa nararamdaman mo, kundi dahil pinili mong mahalin kahit mahirap.
ctto
YES! THAT'S TRUE-LAHAT NANG LALAKI GUSTO NANG MABAIT NA BABAE 👐🏻
ANG UGALI NANG BABAE SA ISANG RELASYON AY REFLECTION NG UGALI NANG LALAKI SA KANYA!KUNG MABAIT AT MAAYOS ANG PAKIKITUNGO MO SA KANYA,MAS IBABALIK ITO SAYO NANG MAS MAGANDA!
Pero ang kabaitan kasi nang babae ay nakadepende sa mga nangyayari,
Kasi kung ano ang ipinapakita mo sa mga misis or girlfriend mo,ibabalik niya yun sayo ng doble.
Kung mabait ka sa kanya,mas mabait sya sayo!
Kung sumusunod ka sa kanya,magkukusa din siyang gawin kung anong mga gusto mo,
Kung hindi mo sya lolokohin,hindi mp rin siya makikitang nagloloko.
LALAKI kasi ang nagli-lead ng relasyon,
BABAE lang ang nagtuturo nang tamang direksiyon.
Mali yung ganito,bawal ang ganyan!
Bawal ang ganito,bawal ang ganyan!
Kung hindi mo siya susundin,hindi ka din nya susundin..
Kung hindi mo siya iniintindi,mas lalong hindi ka niya intindihin.
HINDI GANTI ANG TAWAG DUn,
ANG TAWAG DUN 'REFLECTION'..
Kumbaga ginagawa nya sayo yung mga bagay na natutunan din nya sayo!
Kung ano siya ngayon,yan ang resulta ng mga ginagawa mo!
Kung anp yung nakikita nya sayo,yun din ang gagawin nya..
KAYA KUNG GUSTO MO NANG MABAIT NA MISIS,MAGING MATINO KA MUNA.
Lord, kung deserve ko man lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon, isa lang po ang hiling ko wag N'yo po sana akong pabayaan.
Hindi ko na po alam minsan kung paano lumaban.
Wala akong masabihan.
Wala akong mapaglabasan ng bigat na dinadala ko araw-araw.
Pagod na pagod na rin po akong magpanggap na okay ako,
kahit sa loob ko, unti-unti na akong nauubos.
Pinipikit ko na lang ang mga mata ko gabi-gabi,
umaasang bukas, baka maramdaman ko na ulit kung paano ngumiti nang totoo.
Sana dumating din yung araw na maramdaman ko ulit ang gaan. Ang saya.
Kasi ngayon, sabay-sabay na yung lungkot, pagod, at bigat sa puso ko.
Pero kahit mahirap...
Umaasa pa rin ako. At nananalangin. 🙏
nag sasama kayo para na LG sa mga anak niyo.
Hindi ko alam kung kailan yung huling beses na may maayos akong tulog,Dahil kahit sa pagtulog ko hindi ko mahanap ang tunay na pahinga.
Wag malungkot pag ayaw sa iyo ng ibang tao..
Wag malungkot kung hinuhusgahan nila yung pagkatao mo..
Wag mong intindihin yung sinasabi nilang masama sayo..
Dahil unang una mas kilala mo ang sarili mo kesa sa kanila..
At hindi mo kailangan patunayan sa kanila na mabuti ka..
Dahil kahit gumawa ka ng mabuti pag ayaw nila sayo di nila yung makikita..
Kaya piliin mong mag isa kesa pagsiksikan mo ang sarili mo sa mga taong mapanghusga..
Alam mo kung sino ka..
Alam mo kung anu ang nilalaman ng puso mo para sa kapwa mo..
Ikaw ang nakakakilala sa sarili mo..
Kaya di mo kailangang patunayan sa kanila..
Dahil mas marami yung mga taong mapanghusga kesa sa taong mamahalin ka..
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Telephone
Website
Address
Inocencion Street Alomodian
Iloilo City
5058
