FIRST VITA PLUS ANG Galing Galing Go GO Go
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from FIRST VITA PLUS ANG Galing Galing Go GO Go, Health/Beauty, Mataas na Lupa, Lipa City.
23/07/2018
PROMO: FREE DELIVERY AND CASH ON DELIVERY ORDER NOW!
23/07/2018
1⃣6⃣ Tips para iwas CANCER
NAKAKATAKOT ang sakit na kanser dahil mahirap itong gamutin. Sa kanser, ang mga cells ng katawan ay bigla na lang nagbabago ng anyo at nagiging masama. Hindi pa alam ng mga doktor ang tunay na sanhi nito.
May kanser sa utak, sa baga, sa ilong, sa atay, sa bituka, sa colon, sa pancreas at sa balat. Iba’t ibang lugar ang pinagmumulan. Ang paniniwala ng mga cancer specialist ay may mga “triggers” o nagpapasimula ng kanser. Ang mga payong ito ay hindi pa tiyak, pero magandang sundin pa rin natin ito:
1⃣ Iwas sa sigarilyo at alak – Makaiiwas tayo sa kanser sa baga, atay at tiyan.
2⃣ Iwas sa polusyon at usok ng sasakyan.
3⃣ Iwas sa matitinding sikat ng araw. Gumamit ng sunblock. Pwede kasi itong magdulot ng kanser sa balat.
4⃣ Iwas sa mga sunog na pagkain o “smoked” foods tulad ng mga tinapa at barbeque. Puwede kasing may mga nagdudulot ng kanser dito.
5⃣ Magbawas sa alat tulad ng patis, toyo, bagoong, alamang. Hindi pa ito tiyak, pero ayon sa espesyalista, puwedeng magising ang mga cells natin at maging kanser ang mga ito.
6⃣ Iwas sa mga laman loob tulad ng bopis, dinuguan, bituka at iba pa. Hindi po ito malinis at baka magdulot ng masama sa katawan.
7⃣ Iwas sa pagkaing kalye. Umiwas sa mga maruruming pagkain sa kalye tulad ng fishball, kweck-kweck at betamax.
8⃣ Magbawas sa pagkain ng “processed meats” tulad ng hotdog, langonisa, sausage, bologna at iba pa.
9⃣ Magbawas sa pritong pagkain.
1⃣0⃣ Iwas sa karneng baka at baboy. Tanggalin ang lahat ng taba.
1⃣1⃣ Kumain nang maraming gulay at prutas. Puwedeng kumain ng manok paminsan-minsan. Mas mahaba ang buhay ng mga vegetarian.
1⃣2⃣ Iwas sa galit, inis at iba pang negatibong emosyon. Naniniwala ako na ang positibong pananaw sa buhay ay makapagpapalakas ng katawan at magpapahaba rin ng inyong buhay.
1⃣3⃣ Maging aktibo at mag-exercise palagi.
1⃣4⃣ Alamin ang inyong lahi. Kung may lahi kayo ng breast cancer, magpasuri ng suso bawat 6 na buwan. Kung may lahi kayo ng kanser sa tiyan, magpa-ultrasound o CT Scan ng tiyan.
1⃣5⃣ Magpa-check up sa doktor kada 6 na buwan. Ikonsulta ang kahit anong nararamdaman. Makatutulong ang doktor para makita ang inyong sakit.
Mahirap ba sundin ang bawat tips na ito? Ito ang siguradong makakatulong sa iyo dahil kahit di mo maiwasan ang mga dapat iwasan, tutulungan ka nito na labanan ang pagdami ng cancer cells sa iyong katawan at ayusin ang sistema nito.
1⃣6⃣ Uminom ng FIRST VITA PLUS GUYABANO VARIANTS (🍹🍹🍹 Ang recommended dosage ay uminom ng 1 sachet sa umaga bago mag agahan and/or 1 sachet sa gabi bago matulog at pasundan ng isang basong tubig 🍹🍹🍹)
👉 HEALTH is WEALTH 👈
👉 PLEASE SHARE TO SAVE A LIFE 👈
Thanks be to GOD ! GODbless us all !!! 👇 Feel free to PM me for order/inquiries 09094261188
23/07/2018
THYROID PROBLEM???
HEAL in natural way.
Amazing testimony of First Vita Plus.
TRY NOW
23/07/2018
Ang Kidneys: PAANO Protektahan at Alagaan?
Napakahalaga ng ating kidneys o bato. Ang kidneys ay tumutulong sa pagtanggal ng dumi ng katawan sa pamamagitan ng pag-ihi. Kapag nasira ang ating kidneys, puwede itong magdulot ng kidney failure at pag-dialysis. Mahal at mahirap ang gamutan sa kidneys.
Ito ang mga natatanging paraan para maalagaan ang kidneys:
1. BAWASAN ANG ASIN SA PAGKAIN – Kailangan ay matuto tayong limitahan ang pagkain ng maaalat tulad ng asin, patis, toyo, bagoong at maaalat na isda. Mataas din ang asin ng mga instant noodles, sitsirya at de-lata. Basahin ang “Nutritional Label” para sa dami ng asin/salt. Kung maalat ang sabaw o sarsa ay huwag na itong ubusin. Sa pagluto ng noodles ay kalahati lang and seasoning o alat na ilagay. Hindi naman bawal ang pagkain ng maaalat, pero bawasan mo lamang. Kapag nasobrahan ang asin sa katawan ay tataas ang presyon o blood pressure. Ang high blood pressure ang sisira sa ating kidneys.
2. LIMITAHAN ANG PROTINA SA PAGKAIN – Alam ba ninyo na ang pagkain ng sobrang protina, tulad ng karneng baka, baboy at steak, ay nagpapahirap sa kidney? Oo, tunay po iyan. Kaya nga ang mga may sakit sa kidneys ay nililimitahan ang protina sa pagkain. Ayon kay Dra. Montemayor, kapag madami ang protina mong kinain, kailangan mag-double time sa pag-ta-trabaho ang iyong kidneys. Bilang paghahambing, imbes na parang naglalakad lang ang trabaho ng kidneys, ay tumatakbo ang kidneys kapag madami tayong protinang kinain. Puwedeng mapagod at masira ang kidneys sa katagalan. Dahil dito, hindi pinapayo ng mga doktor ang Atkin’s diet o South Beach Diet na mataas ang protina sa diyeta. Isang balanseng diyeta ang pinaka-healthy: may kanin, gulay, isda at prutas.
3. GAMUTIN ANG ALTAPRESYON o HIGH BLOOD PRESSURE – Kapag mataas ang iyong presyon sa 140 over 90, dito na nag-uumpisa ang pagkasira ng kidneys. Gusto ng kidneys ang normal na presyon ng dugo lamang. Bawasan ang alat sa pagkain at uminom ng gamot sa altapresyon.
4. GAMUTIN ANG DIABETES – Napakasama ang naidudulot ng diabetes sa kidneys. Sinisira ng diabetes ang kidneys at puwedeng magdulot ng kidney failure at pagda-dialysis. Ayon kay Dra. Montemayor, kahit bahagya lang ang taas ng iyong blood sugar (mild diabetes) ay puwede pa ring masira ang iyong kidneys. Wala daw ito sa taas ng blood sugar, pero nasa tagal ng iyong diabetes. Kapag 5-10 taon na ang diabetes, nag-uumpisa nang masira ang kidneys.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Telephone
Website
Address
Mataas Na Lupa
Lipa City
4217
