Sis&Beboy Vedio
Entertainment
12/01/2026
ANG TUNAY NA MATALINO
Marunong Pumili ng Laban at Hindi inilalaan ang Katahimikan sa Mali.
Ang tunay na matalino ay hindi basta-basta nauudyok ng provocation.
Hindi siya nadadala ng galit,
hindi rin nagmamadaling mag-react.
Alam niya na may mga salitang minsan kapag nasabi na, hindi na mababawi.
Kaya bago siya magsalita, tinatanong muna niya ang sarili...
“Makakatulong ba ito, o makakadagdag lang sa gulo?”
Hindi lahat ng pag-atake ay kailangang sagutin.
Hindi lahat ng opinyon ay kailangang kontrahin.
May mga pagkakataong ang pinakamatalinong sagot ay ang katahimikan
Hindi dahil wala kang sasabihin,
kundi dahil alam mong walang saysay ang magsalita sa pusong sarado at isip na puno ng yabang.
Ang tunay na matalino ay marunong magtakda ng hangganan.
Alam niya kung kailan lalayo,
kailan mananahimik, at kailan lalaban.
Hindi niya ibinibigay ang oras at lakas niya sa mga taong ang tanging hangarin ay manggulo, mang-down, o magpababa ng dignidad ng iba.
Pinipili niyang protektahan ang kanyang kapayapaan kaysa patunayan ang kanyang katalinuhan.
May lalim ang kanyang pag-iisip dahil may lawak ang kanyang pag-unawa.
Alam niyang ang galit ay panandalian,
pero ang epekto ng maling desisyon ay pangmatagalan.
Kaya imbes na sumabay sa init ng emosyon, pinipili niyang manatiling kalmado,
dahil doon siya mas malinaw mag-isip,
mas buo magdesisyon, at mas totoo sa sarili.
Sa huli, ang tunay na matalino ay hindi hinahanap ang palakpakan ng marami.
Hindi niya kailangan ng audience para mapatunayan ang kanyang halaga.
Tahimik siyang lumalakad, may paninindigan, may prinsipyo, at may kapayapaang hindi basta-basta kayang guluhin ng ingay ng mundo.
Dahil ang karunungan ay hindi nasusukat sa dami ng salitang nasabi,
kundi sa dami ng gulong naiwasan
at sa katahimikang piniling ingatan.
✍️ FondaMotto
📖 KUNG TINAPOS MO ITONG BASAHIN AT NAGUSTUHAN MO...
👇👇👇
✅ FOLLOW FOR MORE
📌 Copyrighted Content is Under Intellectual Property Rights
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Bicol
Magallanes
4705
