Sintomas At Gamot Sa GERD, Acid Reflux at Anxiety.
Ang page na ito ay para sa mga may GERD, Acid Reflux at Anxiety.
Naduduwal ka ba? Baka acid yan! Tama na ang kain ng kain. Gayahin ang mga manok pag baba ng araw matutulog nayan sila hindi na sila nakain pagkalubog ng araw.
Inuubo ka ba sa gabi? Baka acid reflux yan.
Ina-acid ka parin ba lalo na sa gabi??? Huwag ka na kasing kumain after 5PM o maximum pag lubog ng araw huwag ka ng kumain ng kahit na ano. Pwede tubig lang pero huwag din masyado kasi mapuyat ka naman sa kaka ihi.
18/10/2025
Heto ang mga pinaka mabisa at natural na gamot sa Acid Reflux.
Note : I am not in any way related to these brands. Photos are only for your easy reference. Madaming brands na pwede nyong pagpilian. P**i check nalang po online.
Ang over eating o pagkain ng sobra-sobra ay kasalanan ang tawag dyan glutony. At malamang, yan din ang rason bakit ka nagka Acid Reflux o GERD.
Dati hindi mo alam kung bakit ka nagka acid reflux pero bakit ngayong alam mo na ang rason hindi mo pa rin kayang itigil ang sanhi kung bakit ka naghihirap sa Acid Reflux?
May mga nag me message sa akin ang sabi nila kain daw sila ng kain hindi lang 3, 4, 5, 6. Higit pa duon kung sila ay kumain. Hindi daw kasi nila alam na over eating ang dahilan ng Acid Reflux nila. Pero ang matindi, ngayon na alam na nila na ang sobrang kain ang may sala sa pagkakaroon nila ng Acid Reflux, hindi pa rin nila kayang ihinto ang sobra sobrang pagkain. Tandaan mo-hindi makina ang katawan mo, limited lang ang kayang tunawin ng tyan mo kaya huwag kang kumain ng higit pa sa tatlong beses sa isang araw. Kung maari nga ay maximum dalawang beses ka lang kumain sa maghapon. Pag lubog ng araw ay huwag ka ng kumain. Enjoy ka nga sa pagkain ng ilang minute-ilang linggo, buwan o taon ka namang naghihirap. Hindi mo ba namimiss yung panahon na ang ganda at ang sarap ng pakiramdam mo? Kung oo - tama na ang lamon, tama na ang over eating.
Bakit ba ang mga bagets ang papayat nila kahit ang lalakas kumain? Ito ay dahil meron silang enough stomach acid. Mabilis nilang matunaw ang kanilang mga kinakain. Madalas marinig natin mabilis ang kanilang metabolism.
Naturally kapag bata pa mabilis talaga ang metabolism at kapag nagkakaedad na medyo bumababa ang ating stomach acid kaya importante na huwag uminom isang oras bago kumain at isang oras pagka tapos kumain para hindi nadidilute yung acid natin sa tyan.
Hindi totoo na ang pag inom ng tubig habang kumakain o pagkatapos kumain ay para matunawan. Ito ay maling kaalaman. Ang pag inom ng tubig habang kumakain at pagka tapos kumain ay nagiging sanhi para maging malabnaw ang acid sa tyan dahilan kung bakit hindi nadadigest maayos ang kinain at dahil dito hindi natin nakukuha ang mga nutrients ng ating mga kinakain.
Sa simpleng explanation, kapag ang isang patak ng dish washing liquid ay tinunaw sa madaming tubig hindi nya kakayanin alisin o tunawin ang masebong kaserola pero gamitan mo ito ng puro na dish washing liquid mas madaling maalis ang sebo. Ganuon din ang ating stomach acid sa tyan. Kaya iwasang uminom ng ano mang liquid isang oras bago/pagkatapos kumain at habang kumain. Nguyain ng mabuti ang kinakain para hindi mabulunan.
Sa pinas madalas natin marinig na acidic ako, sobra yung acid ko pero ang totoo yun ay mali yun ay kabaligtaran ng katotohanan. Ang totoo kulang o mababa ang stomach acid mo. Yes alam ko na mahirap ito intindihin para sa iba.
Ano ang dapat mong gawin? Iwasan ang kain ng kain. Bawal ang sobrang busog lalo na sa gabi. I try ang pinaka mabisang solusyon dito at ito ay ang pag inom ng Hydrochloric Acid para naturally makagawa ng enough acid ang katawan na pangtunaw sa mga pagkain na ating kinakain.
Tandaan, iwasan ang kain ng kain dahil pag sobra na ang iyong kinain hindi na nagiging enough yung stomach acid mo sa tyan para tunawin ang mga ito. Duun na nagsisimulang makaramdam ka ng sakit sa dibdib mo at lalamunan gawa ng pag akyat ng acid na dapat ay nasa tyan lamang.
Hindi naka disenyo ang ating katawan para kumain ng kumain dahil hindi naman kailangan ng sobrang pagkain ng ating katawan. Maximum na pagkain sa isang araw ay dapat dalawang beses lamang hindi tatlo lalong hindi higit pa sa tatlo. Ang pagkain ng sobra at mabilis ay isa sa dahilan ng Acid Reflux.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Makati
