XFM Manila 99.5

XFM Manila 99.5

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from XFM Manila 99.5, Iloilo City.

20/07/2025

𝐑𝐄𝐀𝐃: π’π‚πŽπ‘π„π‚π€π‘πƒ 𝐒𝐀 𝐋𝐀𝐁𝐀𝐍 ππˆππ€ ππ€π‘π‘πˆπŽπ’ 𝐀𝐓 ππ€π‚ππ”πˆπ€πŽ 𝐍𝐀 𝐍𝐀𝐆𝐑𝐄𝐒𝐔𝐋𝐓𝐀 𝐒𝐀 πŒπ€π‰πŽπ‘πˆπ“π˜ 𝐃𝐑𝐀𝐖

Nagtabla ang laban nina Manny Pacquiao at Mario Barrios matapos ang 12 rounds, kung saan nagtapos ito sa isang majority draw.

Isang hurado ang nagbigay ng iskor na 115-113 pabor kay Barrios, habang ang dalawa pang hurado ay nagbigay ng magkaparehong iskor na 114-114.

Dahil dito, nanatiling kampeon si Barrios at naipreserba niya ang kanyang WBC welterweight title.

via | Jovelyn Satinitigan-Padin, XFM Cebu

Photos from XFM Manila 99.5's post 20/07/2025

𝐖𝐁𝐂 π–π„π‹π“π„π‘π–π„πˆπ†π‡π“ π“πˆπ“π‹π„, ππ€ππ€ππ€π“πˆπ‹πˆ 𝐍𝐈 ππ€π‘π‘πˆπŽπ’ πŒπ€π“π€ππŽπ’ 𝐀𝐍𝐆 πŒπ€π‰πŽπ‘πˆπ“π˜ 𝐃𝐑𝐀𝐖 πŠπŽππ“π‘π€ ππ€π‚ππ”πˆπ€πŽ

Nauwi sa majority draw ang laban nina Manny Pacquiao at Mario Barrios matapos ang 12 round na sagupaan, dahilan upang manatili kay Barrios ang titulong WBC welterweight.

Batay sa scorecard, isang hurado ang nagbigay ng 115-113 pabor kay Barrios, habang ang dalawa pang hurado ay nag-iskor ng 114-114. Dahil sa resultang ito, walang idineklarang panalo, at si Barrios ay nanatiling kampeon.//

via | Jovelyn Satinitigan-Padin, XFM Cebu

Photos from XFM Manila 99.5's post 16/07/2025

πŒπ†π€ 𝐏𝐈𝐍𝐎𝐘 𝐍𝐀 ππ€ππˆπŠπ“πˆπŒπ€ 𝐍𝐆 πŒπ†π€ π’π‚π€πŒ 𝐂𝐄𝐍𝐓𝐄𝐑𝐒, πƒπ”πŒπ€π‘π€πŒπˆ 𝐍𝐀

The Department of Foreign Affairs (DFA) continues to receive reports of Filipinos allegedly falling victim to scam centers in various countries in Southeast Asia.

The DFA said it is coordinating with their representatives, especially in Thailand, Myanmar, Laos, and Cambodia.

via | Almie Mata, XFM Cebu

16/07/2025

𝐋𝐏𝐀 𝐒𝐀 π‹πŽπŽπ 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐑, ππ€π†πˆππ† ππ€π†π˜πŽππ† "π‚π‘πˆπ’πˆππ†"

Alas-8:00 ng umaga ngayong Hulyo 16, 2025, iniulat ng PAGASA na ang binabantayang Low Pressure Area (LPA 07F) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ay ganap nang naging isang Tropical Depression na pinangalanang "Crising."

Patuloy ang isinasagawang monitoring sa naturang bagyo kaugnay ng posibleng epekto nito sa bansa, kabilang ang malalakas na pag-ulan, bugso ng hangin, at malalaking alon sa karagatan.//

via Jovelyn Satinitigan-Padin, XFM Cebu

Photos from XFM Manila 99.5's post 16/07/2025

ππ€ππ†π”π‹πŽππ† πŒπ€π‘π‚πŽπ’ ππˆππ€ππ†π”ππ€π‡π€π 𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐋𝐔𝐋𝐔𝐍𝐒𝐀𝐃 𝐍𝐆 πŸ“πŸŽ% ππ€πŒπ€π’π€π‡π„ πƒπˆπ’π‚πŽπ”ππ“ 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 πŒπ†π€ π’π„ππˆπŽπ‘ π‚πˆπ“πˆπ™π„π 𝐀𝐓 𝐏𝐖𝐃 𝐒𝐀 𝐋𝐑𝐓 𝐀𝐓 πŒπ‘π“

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand β€œBongbong” Marcos Jr. ngayong Miyerkules ang opisyal na paglulunsad ng 50% diskwento sa pamasahe para sa mga senior citizen at persons with disability (PWD) sa LRT-1, LRT-2, at MRT-3.

Ang inisyatibong ito ay kasunod ng inilunsad na 50% diskwento sa pamasahe para sa mga estudyante noong Hunyo. Layon nitong tugunan ang direktiba ng Pangulo na pagaanin ang pasanin sa gastusin ng mga mananakay sa kanilang araw-araw na biyahe./

via | Jovelyn Satinitigan-Padin, XFM Cebu
πŸ“· Screengrab from RTVM

Photos from XFM Manila 99.5's post 16/07/2025

π‚πŽππ†. π’πŽπππ˜ π‹π€π†πŽπ, πˆπ“πˆππ€ππ†π†πˆ 𝐀𝐍𝐆 ππ€π†πŠπ€πŠπ€πƒπ€π–πˆπ“ 𝐒𝐀 πŒπ†π€ 𝐍𝐀𝐖𝐀𝐖𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆 π’π€ππ”ππ†π„π‘πŽ

Mariing itinanggi ni Ako Bisaya Party-list Representative Sonny L. Lagon ang mga alegasyon ni Julie β€œDondon” Patidongan na inuugnay siya sa umano’y grupong β€œGroup A,” na sinasabing sangkot sa operasyon ng e-sabong at sa misteryosong pagkawala ng ilang sabungero.

Sa kanyang opisyal na pahayag, sinabi ni Lagon na walang basehan ang mga paratang ni Patidongan at tinawag niya itong "mapanira, walang katotohanan, at naninira sa kanyang reputasyon" bilang isang lingkod-bayan at legal na gamefowl breeder.

Ayon sa kongresista, isa siyang lehitimong breeder mula pa noong 1998 at ilang ulit nang ginawaran ng parangal sa industriya ng sabong. Ang kanyang pakikilahok umano sa e-sabong ay limitado lamang sa legal at reguladong operasyon ng Lucky 8 Star Quest Inc., na may lisensya mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Binigyang-diin ni Lagon na wala siyang dinaluhang pagpupulong o diskusyong may kinalaman sa karahasan. Aniya, ang pagbibintang na sangkot siya sa anumang sabwatan ay isang malaking pagbaluktot sa kanyang katauhan.

Tinuligsa rin niya ang pagtawag sa kanya ni Patidongan na isang β€œiligalista,” na ayon sa kanya ay salungat sa katotohanang legal ang operasyon ng e-sabong sa ilalim ng PAGCOR. Binalikan din ni Lagon ang naunang pahayag ni Patidongan kung saan sinabi nitong walang mambabatas ang kasangkot sa pagkawala ng mga sabungeroβ€”na ngayon ay tinataliwas ng kanyang mga bagong pahayag.

Giit ni Lagon, ang kanyang panunungkulan sa Ako Bisaya Party-list ay nananatiling tapat at ayon sa batas, at hindi siya kailanman nasangkot sa anumang ilegal na aktibidad. Mariin din niyang kinokondena ang anumang uri ng karahasan.

β€œSa kabila ng mga paratang, mananatili akong tapat sa paglilingkod sa publiko,” ayon kay Lagon, na nanindigang hindi siya matitinag ng anumang walang basehang paninira.

Matatandaang ibinunyag ni Patidongan ang umano’y pagkakasangkot ni Lagon sa tinatawag na β€œAlpha,” isang grupong sinasabing nasa likod ng malawakang operasyon ng high-stakes sabong at e-sabong sa bansa.

Si Patidongan, na mas kilala noon bilang testigong si β€œTotoy,” ay nagsabing isa si Lagon sa mga umano’y nakikinabang ng daan-daang milyong piso kada buwan mula sa iligal na online sabong at iba pang sugal. Ayon sa kanya, ang ilang miyembro ng grupo ay nakatatanggap umano ng P700 hanggang P800 milyon kada buwan, depende sa kani-kanilang share.

Dagdag pa ni Patidongan, dumalo si Lagon sa isang pulong kung saan diumano’y pinag-usapan ang pagpaslang sa ilang sabungerong nambibiktima o umaagaw ng kliyente mula sa grupo./

via | Jovelyn Satinitigan-Padin, XFM Cebu

15/07/2025

π’πŽπ…π‘πŽππˆπŽ 𝐕𝐀𝐒𝐐𝐔𝐄𝐙, 𝐀𝐍𝐆 πŠπ€πŠπ€ππ“π€ 𝐍𝐆 𝐋𝐔𝐏𝐀𝐍𝐆 π‡πˆππˆπ‘π€ππ† 𝐒𝐀 π’πŽππ€ 𝐍𝐈 𝐏𝐁𝐁𝐌

The Presidential Communications Office (PCO) confirmed that The Voice USA Season 26 winner Sofronio Vasquez will sing "Lupang Hinirang" during Pres. Bongbong Marcos' Fourth State of the Nation Address (SONA) on July 28.

via | Almie Mata, XFM Cebu

15/07/2025

𝐏𝐀𝐆-π”π”π†ππ€π˜ πŠπ€π˜ πŸπ’π“ π‹π€πƒπ˜ π‹πˆπ™π€ πŒπ€π‘π‚πŽπ’ 𝐒𝐀 ππ€π†πŠπ€πŒπ€π“π€π˜ 𝐍𝐈 ππ€πŽπ‹πŽ π“π€ππ“πŽπ‚πŽ, π…π€πŠπ„ 𝐍𝐄𝐖𝐒 – πŒπ€π‹π€πŠπ€ππ˜π€ππ†

Itinanggi ng MalacaΓ±ang ang mga alegasyon na nag-uugnay kay First Lady Liza Araneta-Marcos sa pagkamatay ng negosyanteng si Paolo Tantoco sa Los Angeles, na tinawag na peke at pinakialaman ang lumabas na police report.

Nilinaw ng Palasyo na hindi bahagi ng entourage ng First Lady si Tantoco, at nasa ilalim umano ng U.S. at PSG security ang First Lady sa kanyang pananatili sa ibang hotel.

Sinabi ni PCO Usec. Claire Castro na may mga aktibidad ang Unang Ginang sa kanyang pagbisita sa Estados Unidos, at noong Marso 8, iniulat na dumalo siya sa isang konsiyerto ng Filipino community, na suportado ng mga opisyal na larawan at mga rekord.

Dagdag pa ni Castro, mali at walang basehan ang ulat na umano'y siraan ang Unang Ginang at ang administrasyon.

β€œMaawa po kayo sa bansa, maawa po kayo sa taongbayan. H’wag n’yo pong lokohin ang mga Pilipino,” ayon kay Castro.

via | Almie Mata, XFM Cebu

15/07/2025

π“π”π‹π…πŽ ππ‘πŽπ“π‡π„π‘π’ 𝐅𝐔𝐋𝐋 π’π”πππŽπ‘π“ πŠπ€π˜ 𝐒𝐏 π‚π‡πˆπ™ 𝐍𝐀 πŒπ€ππ€ππ€π“πˆπ‹πˆ 𝐒𝐀 ππ–π„π’π“πŽ

Kinumpirma ni Senator Raffy Tulfo na buo ang suporta nila ng kanyang kapatid na si Senator Erwin Tulfo sa pamumuno ni Senate President Francis β€œChiz” Escudero sa 20th Congress.

via | Almie Mata, XFM Cebu

15/07/2025

ππŸ”.πŸ• π“π‘πˆπ‹π‹πˆπŽπ 𝐁𝐔𝐃𝐆𝐄𝐓 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 π’π”π’π”ππŽπƒ 𝐍𝐀 π“π€πŽπ, π€ππ‘π”ππ€πƒπŽ 𝐍𝐀 𝐍𝐈 𝐏𝐁𝐁𝐌

Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang P6.793 trilyong proposed budget para sa taong 2026 ngayong araw, Hulyo 15.


via | Almie Mata, XFM Cebu

Want your business to be the top-listed Beauty Salon in Iloilo City?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Address


Iloilo City
1000