RHU Kadayangan SGA
Rural Health Unit Cluster of Midsayap1 in Special Geographic Area, Ministry of Health
26/05/2026
Serbisyong Purok Kalusugan, naisagawa sa Barangay Central Labas, Kadayangan.
Matagumpay na naisagawa ang Purok Kalusugan activity ng RHU Kadayangan sa pangunguna ni Dr. Hessah Ibrahim sa Talong Purok ng Barangay Central Labas. Kasama ang mga Nurses, Midwives at Nutritionist at katuwang ang mga BHWs, BNWs at barangay officials sa pangunguna ng Punong Barangay Hon. Nacil Guintem, ay naihatid ang Programang Purok Kalusugan sa Purok 1, Purok 4 at Purok 5 ng nasabing Barangay.
Tinalakay ang ibaβt ibang programang pangkalusugan upang mapataas ang kamalayan ng komunidad tungkol sa tamang pangangalaga sa kalusugan at pag-iwas sa sakit. Nagkaroon din ng health education, open forum, at pagbibigay ng mga paalala ukol sa healthy lifestyle at smoke-free community.
Layunin ng programa na mapalakas ang pagpapatupad ng mga programang pangkalusugan tulad ng National Immunization Program, Safe Motherhood Program (SMP), Family Planning (FP), Nutrition, Non-Communicable Diseases (NCD), Diabetes Mellitus (DM), Hypertension (HPN), patient safety, Environmental Sanitation at smoking prevention upang mapanatiling malusog at ligtas ang bawat pamilya sa komunidad.
Sama-sama tayo para sa mas malusog at mas ligtas na komunidad! π
Special Geographic Area Field Health Office
18/05/2026
Sub-Public Health Emergency Management in the Philippines (Sub-PHEM) Training isinagawa sa Alnor Hotel, Cotabato City, May 11-15, 2026.
Aktibong lumahok sa Sub-PHEM Training si Maam Bai Sittie Malieha O. Usop, RN, HEMS Focal bilang kinatawan ng RHU Kadayangan kasama ang ibang Focal at Coordinators ng SGA. Ang naturang programa ay inisyatiba ng Ministry of Health- Health Emergency Management Staff.
Isinagawa ang Sub-Public Health Emergency Management of the Philippines (Sub-PHEM) Training upang mapalakas ang kahandaan at kakayahan ng mga kalahok sa pagtugon sa mga pampublikong emergency sa kalusugan. Layunin ng pagsasanay na mapabuti ang koordinasyon, surveillance, risk communication, at mabilis na pagtugon sa mga health emergencies tulad ng outbreaks, epidemya, sakuna, at iba pang banta sa kalusugan ng publiko.
Special Geographic Area Field Health Office
18/05/2026
Training on Nutrition Management among Members of the Local Nutrition Committee in Special Geographic Area (SGA) in BARMM na ginanap sa Blue Palm Resort noong Mayo 11β15, 2026.
Dumalo bilang kinatawan ng RHU Kadayangan sina Jeehan Ali, RN, PHN at Jocemy Behoc, RND, Nutrition Officer, kasama sina Maam Zokra Namla at Maam Salah Kudarat, kinatawan ng LGU Kadayangan. Ang Naturang Programa ay inisyatiba ng Special Geographic Area Field Health Office Nutrition Program Coordinators Maam Muslima Masibpal, RND at Maam Jasmina Laguiban, RND katuwang ang Bangsamoro Nutrition Council sa pangunguna ni Maam Hannah Lidasan, MPA at sa spesyal na participasyon ng UNICEF.
Layunin ng Programa na mapalakas ang kaalaman at kakayahan ng mga kalahok sa wastong pagpaplano, pagpapatupad, pagsubaybay, at ebalwasyon ng mga programang pangnutrisyon sa komunidad. Layunin din nitong mapabuti ang koordinasyon ng ibaβt ibang sektor para sa mas epektibong implementasyon ng mga nutrition interventions.
Ang pagsasanay ay naging mahalagang hakbang upang mapalakas ang kakayahan ng mga implementers at mapabuti ang kalidad ng nutrition programs sa komunidad. Inaasahan na ang mga natutunan sa training ay magagamit upang higit pang mapabuti ang kalusugan at nutrisyon ng mamamayan, lalo na ng mga buntis, sanggol, at kabataan.
09/05/2026
π Data Quality Check sa RHU Kadayangan
Matagumpay na isinagawa ng SGA-FHO ang Data Quality Check sa RHU Kadayangan upang masuri kung nagtutugma ang mga datos na isinusumite at ang mga datos na naiuulat mula sa bawat barangay at ng RHU.
Layunin ng aktibidad na matiyak ang tama, kumpleto, at magkakatugmang impormasyon bilang mahalagang batayan sa pagpaplano at pagpapatupad ng mga programang pangkalusugan para sa komunidad.
Patuloy na isinusulong ng RHU Kadayangan ang maayos at de-kalidad na pamamahala ng datos para sa mas epektibong serbisyong pangkalusugan.π
09/05/2026
πLaunching of the PuroKalusugan
Matagumpay na isinagawa ng RHU Kadayangan ang launching ng PuroKalusugan sa Barangay Tugal, Barangay Tumbras, at Barangay Kapinpilan bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng serbisyong pangkalusugan sa komunidad.
Layunin ng programang ito na mailapit sa mamamayan ang mga pangunahing serbisyong pangkalusugan, mapalawak ang health promotion at disease prevention, at mahikayat ang bawat pamilya tungo sa mas malusog na pamumuhay.
π Sama-sama para sa mas malusog na Kadayangan.
06/05/2026
ποΈVIA Cervical Cancer Screening sa RHU Kadayangan
π LOOK!
Isinagawa sa RHU Kadayangan ang VIA (Visual Inspection with Acetic Acid) Cervical Cancer Screening bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng serbisyong pangkalusugan para sa kababaihan, na isinagawa ni Doc. Hessah A. Ibrahim, MD
Layunin ng gawaing ito na maagang matukoy ang anumang pagbabago sa cervix upang agad na mabigyan ng tamang payo, gabay, at angkop na aksyon. Ang regular na screening ay mahalagang hakbang sa pag-iwas at maagang pagtuklas ng cervical cancer.
π Patuloy ang RHU Kadayangan sa pagbibigay ng dekalidad at accessible na serbisyong pangkalusugan para sa ating komunidad.
β¨ Maagang screening, mahalagang proteksyon.
06/05/2026
Sa pangunguna ni Doc. Hessah A. Ibrahim ng RHU Kadayangan, nakibahagi ang RHU Kadayangan sa Orientation on Joint Monitoring, Evaluation, and Provision of Technical Assistance para sa PuroKalusugan (PK) Initiative, Barangay Health Worker (BHW) Program, at Underserved Areas (UUA). π€
π©Ί Layunin ng nasabing aktibidad na mapalakas pa ang pagpapatupad ng mga programang pangkalusugan sa antas ng komunidad at higit na mapabuti ang paghahatid ng de-kalidad, abot-kaya, at makataong serbisyong pangkalusugan para sa mamamayan ng Kadayangan.
Patuloy ang RHU Kadayangan sa pakikiisa at pagsuporta sa mga programang nagtataguyod ng mas malusog na pamayanan para sa lahat. β¨π
01/05/2026
Mabuhay ang bawat manggagawa, Mabuhay ang mga manggagawa sa sektor ng Kalusugan!
The picture below was taken in Brgy. Sambulawan, Kadayangan Municipality.
Bringing vaccines closer, one community at a time β¨
Together with the Department of Health (Philippines), Ministry of Health - BARMM, ChildFund Philippines and Gavi, the Vaccine Alliance, UNICEF Philippines is reaching families even in hard-to-reach areas.
Through stronger local health systems and the dedication of health workers, community and religious leaders, more children are getting the protection they deserve ππ‘οΈ
From just 4% in 2023 to nearly 60% in 2025, immunization coverage is rising, showing whatβs possible when we work together.
Credits to UNICEF Philippines
30/04/2026
1st Quarter PIR at Brgy. Mudseng πβ¨
Review. Reflect. Improve. π‘
Naganap ang 1st Quarter Program Implementation Review (PIR) kung saan sinuri ang mga nagawa, natutunan, at mga dapat pang pagbutihin sa ating mga health programs.
Ito ay mahalagang hakbang upang masigurong tuloy-tuloy ang dekalidad, epektibo, at makabuluhang serbisyo para sa ating komunidad. π
Dahil sa bawat evaluation, may mas pinapabuting serbisyo para sa lahat! π
Special Geographic Area Field Health Office
28/04/2026
Orientation on VIA & Counseling at Brgy. Kapinpilan ππ©Ί
Care for every woman, every step of the way π
Matagumpay na naisagawa ang Orientation on VIA (Visual Inspection with Acetic Acid) and Counseling upang mapalawak ang kaalaman ng kababaihan tungkol sa cervical cancer prevention.
Sa pamamagitan ng tamang impormasyon at counseling, mas nagiging empowered ang kababaihan na alagaan ang kanilang kalusugan at magpa-screening nang maaga. π©ββοΈ
Prevention is better than cureβalagaan ang sarili! πͺβ¨
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Midsayap1 Special Geographic Area
Midsayap
9410
