Roxas Dist. Covid-19 Updates

Roxas Dist. Covid-19 Updates

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Roxas Dist. Covid-19 Updates, Health/Beauty, Naguilian.

13/04/2020

ANIM NALANG ANG KASALUKUYANG BINABANTAYAN AT GINAGAMOT.


(C) PIA Region 2

12/04/2020

04.12.2020

05/04/2020

03/04/2020

04.04.2020

30/03/2020
28/03/2020

APAT NA ANG POSITIBONG KASO NG COVID-19 SA ISABELA

Ipinapaalam po namin sa ating mga kababayan na apat na ang naitala na positibong kaso ng COVID-19 dito sa Isabela matapos ipabatid ng Department of Health kahapon sa oras na 3:00 ng hapon ang tatlong karagdagang bilang ng nagpositibo dito sa ating probinsya. Sila po ay sina PH 837 – 52 taong gulang na babae, PH 838 - 25 taong gulang na babae, at PH 840 – 27 taong gulang na lalake. Lahat ay taga-Mabini, Alicia, Isabela.

Bumiyahe ang tatlo papuntang Manila at dumating sila noong March 11, 2020. Pumunta sila sa Divisoria noong March 12. Noong March 14, dumalo sila sa isang kasalan sa Antipolo Church at sa kasunod na reception sa Marikina. Pagkatapos noon, nakipag-meeting sila sa Quezon City bago umuwi pabalik ng Isabela. Dumating sila sa Mabini, Alicia noong March 15. Nagkaroon sila ng sintomas na pag-ubo, sipon, lagnat at pananakit ng katawan magmula noong March 16 hanggang March 18. Noong March 19, nakuhanan sila ng CBC sa RHU, Alicia. Ipinatupad ang social distancing sa kanilang pagpunta sa naturang RHU. Sa resulta ng laboratory procedure, nakitaan ng low platelet count sina PH 837 at PH 838 kaya sila ay agad isinangguni sa PHO-PESU na siyang tumawag sa RESU. Sina PH 837, PH 838 at PH 840 ay natanggap bilang PUIs sa CVMC, Tuguegarao City noong March 19, 2020. Nasa CVMC pa rin sila ngayon at nagpapagaling.

Kasalukuyan po ang contact tracing ng Alicia PHU staff sa mga nakasalamuha ng tatlong pasyente.

Patuloy po ang ating pakiusap sa ating mga kababayan na manatili po tayo sa ating mga tahanan at huwag nang lumabas kung hindi importante. Napakahalaga ng ating pagsunod sa mga alituntunin na ipinatutupad ng ating mga barangay, munisipyo at mga health workers. Para po ito sa ating mga sariling kapakanan, upang hindi tayo mahawaan at maiwasan ang pagkalat ng sakit na nilalabanan nating lahat.

Ugaliing maghugas o mag-disinfect ng mga kamay sa tamang pamamaraan, sundin nating ang etiquette sa pagbahing at iwasan ang pagkukumpulan. Maging mapanuri po tayo sa mga bali-balita sa social media. Tutukan lang po natin ang mga advisory na galing sa DOH, WHO at PHO. Kami po dito sa PIO ay magbibigay ng mga updates at advisories na galing lamang sa mga nasabing ahensiya habang ang ating lalawigan sa pamumuno ng ating butihing Governor Rodito T. Albano III at Vice Governor Faustino “Bojie” Dy III at ang buong kinatawan ng pamahalaang panlalawigan ay patuloy na magbibigay at magpaparating ng mga kaukulang suporta sa lahat ng barangay para sa istriktong pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine.

Want your business to be the top-listed Beauty Salon in Naguilian?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Naguilian
3302