Mommy Rose & Eros
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Mommy Rose & Eros, Health/Beauty, 625 Interior Bagbag, Novaliches, Quezon City.
Hindi naman porket may disability, may autism, may misbehavior, at kakaiba kumpara sa mga very normal kids ay hindi na natin sila isosocialize. Napakahalaga ng social interaction lalong lalo na sa mga batang may autism. Bilang isang nanay, tayo ang magiging tulay para maramdaman nilang belong sila sa society dahil included naman talaga sila. Sobrang nakakatuwa lang na ang laking tulong talaga ng therapy ni eros, tignan mo naman nakakasabay na talaga sya sa ibang bata πMinsan nakakapagod talaga silang ilabas gawa ng ibang level yung kulit, hindi nauubusan ng energy pero lagi nating tatandaan na ang socialization ang isa sa pinakamagandang pamamaraan para mas maka adapt sila sa society. At nakakatuwa na kung noon ang hirap ni eros kasama sa labas, ngayon tignan mo naman ang sarap nya ng kasama lalo na sa mga party. Makikitaan mo na ng independency, marunong ng makinig at higit sa lahat hindi kana maiistress sa pagpapakain kasi willing syang kumain mag isa π Lord salamat sa patuloy na paggabay kay eros π
19/12/2022
Bilang nanay, pinakamasakit na siguro yung may mga taong titignan ang anak mo na ang hirap kasama, ang hirap alagaan. Pero wag kang mag-alala nak, andito si mommy kasama mo sa lahat, si mommy na mapapagod man pero never kang titignan na mahirap kasama. Iloveyou aking eros ππ
29/11/2022
Nung bago palang kitang tinuturuan, nag iiyakan tayong dalawa π₯Ί dahil ayaw mo, ayaw mo magkulay, ayaw mo mag follow ng instructions, ayaw mo magsulat π₯Ί Nagtataka ngako nun bakit eh ang hilig mo naman mag drawing. Pero na overcome natin yun at ang laki ng naitulong ng therapy mo. Ngayon ang laki na ng improvement mo, mula sa pangalan hanggang sa pag blue to blue at pink to blue ng mga letters. Ganda mo na din magsulat π Medj okay na din yung pagkukulay mo hindi gaanong lagpas lagpas. Iloveyou, gagabayan ka ni mommy sa lahat π
Doble tyaga lang talaga sa pagtuturo, makakasabay ka din anak, Iloveyou π
7th session of occupational therapy
In terms of managing behavior so far nakikita namin talaga yung progress ni eros. Hindi na sya ganoon ka impulsive at nagfofocus nadin. Nagfafollow na ng instructions at so far manageable na din yung pagtatantrums.
Sa una talaga mahirap, sobrang hirap dahil kailangan mong maging firm para maituro sa kanya ang proper way of behaving. Countless times I thought of myself to stop. It's draining, fraustrating, and exhausting. Pero sabi nga nila pag mahal mo hindi mo susukuan ππ
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
625 Interior Bagbag, Novaliches
Quezon City
1115
