Kalingawan Drift

Kalingawan Drift

Share

Just for Fun

14/02/2026

"Hindi anak, kundi RESPONSIBILIDAD"

Hindi lahat ng sugat nakikita. May mga sugat na dala mo habang buhay… lalo na kung galing ito sa sarili mong pamilya.
Hi, tawagin niyo nalang akong “Ana”.
Lumaki ako sa pamilya na akala ng lahat perpekto. Kumpleto kami. May tatay, may nanay, may bahay. Nakakapag aral kami. May pagkain sa mesa. Sa paningin ng iba, masuwerte ako.
Pero ang hindi nila alam… ako ang laging nakalimutan.
Panganay ako sa tatlong magkakapatid. Bata palang ako, ako na yung inaasahan. Ako ang nag aalaga sa mga kapatid ko. Ako ang gumagawa ng gawaing bahay. Ako ang tumutulong sa lahat.
Habang sila, malaya.
Kapag may kulang sa bahay, ako ang kailangang umintindi. Kapag walang pera, ako ang kailangang magsakripisyo. Minsan hindi ako nakakapasok sa school dahil kailangan kong magbantay ng kapatid ko.
Pero tiniis ko. Dahil pamilya ko sila.
Lumipas ang mga taon. Nagtapos ako, nagtrabaho, at nagsimulang tumulong sa gastusin. Halos kalahati ng sweldo ko binibigay ko sa kanila. Hindi ako bumibili ng para sa sarili ko. Hindi ako lumalabas. Hindi ako nag eenjoy.
Akala ko maaappreciate nila ako.
Pero hindi pala.
Isang araw, narinig ko ang nanay ko na nagsabi sa kamag anak namin…
“Buti nalang tumutulong si Ana, obligasyon naman niya yun.”
Obligasyon.
Hindi pasasalamat. Hindi pagmamahal.
Obligasyon lang.
Dun ako nasaktan ng sobra.
Dun ko narealize na hindi nila ako nakikita bilang anak… kundi bilang responsibilidad.
Mas masakit pa, yung mga kapatid ko na pinag aral ko, sila pa yung walang respeto sa akin. Madalas nila akong sigawan. Minamaliit. At parang wala akong karapatang mapagod.
Isang gabi, umiyak ako mag isa sa kwarto. Tahimik lang. Walang nakakaalam. Dun ko tinanong ang sarili ko…
“Kailan naman ako magiging mahalaga?”
Hindi ako galit sa kanila.
Nasasaktan lang ako.
Hanggang ngayon, patuloy pa rin akong tumutulong. Dahil pamilya ko sila. Pero unti unti, may parte ng puso ko na napapagod na.
Nakakapagod maging matatag para sa lahat… lalo na kung walang matatag para sa’yo.

— Ana

14/02/2026

“Hindi Ako Nawala… Nagbago Lang Ako”

Hi admin.

Please hide my identity. Tawagin niyo nalang akong “K”.
Dati, ako yung tipo ng babae na tahimik, simple, at kontento na sa taong mahal ko.
Nakilala ko siya nung time na sobrang vulnerable ako. Siya yung naging sandalan ko. Siya yung naging pahinga ko sa magulong mundo ko. Sa kanya, naramdaman kong mahalaga ako.
3 years kami.
Tatlong taon kong binigay lahat. Oras, tiwala, pagmamahal, at buong sarili ko.
Kahit may mga times na nasasaktan niya ako, pinipili ko pa rin siya. Pinapatawad ko siya. Kasi akala ko, ganun ang pagmamahal — matiisin.
Hanggang sa dumating yung araw na nagbago siya.
Naging malamig. Naging distant. Hindi na siya yung lalaking minahal ko.
Isang gabi, may nag message sakin. Babae. Hindi ko siya kilala.
Ang sabi niya,
“Girlfriend ka ba ni (pangalan niya)?”
Kinabahan ako. Pero sumagot ako. “Oo. Bakit?”
Nag send siya ng picture.
Picture nilang dalawa. Magka holding hands. Magkasama. Masaya.
Hindi ako makahinga. Nanginginig kamay ko habang hawak phone ko.
Hindi lang pala ako ang girlfriend niya.
May iba na pala siya.
Pero ang mas masakit… mas nauna siya kaysa sakin.
Ibig sabihin, habang ako akala ko ako lang… kabit pala ako sa sarili kong relasyon.
Hindi ko siya kinompronta agad.
Tahimik lang ako.
Umiyak ako gabi gabi. Pero hindi sa harap niya. Hindi niya nakita kahit isang luha ko.
Doon nagsimula ang pagbabago ko.
Imbes na magmakaawa, nag focus ako sa sarili ko.
Nag aral ako mabuti. Nag ayos ako ng sarili ko. Nag gym ako. Nag glow up ako. Hindi para magselos siya… kundi para buuin ulit sarili ko.
Unti unti, tumigil ako mag message. Tumigil ako mag habol. Tumigil ako mag care.
Hanggang sa dumating yung araw na siya na ang nagtanong,
“May problema ba? Parang ang layo mo na.”
Ngumiti lang ako. Pero sa loob ko, tapos na ako.
Hindi ko siya inaway. Hindi ko siya pinahiya.
Iniwan ko lang siya.
Tahimik.
After ilang buwan, nag message siya ulit.
Namimiss niya daw ako. Mali daw siya. Ako daw talaga yung mahal niya.
Pero alam niyo kung ano ginawa ko?
Hindi ko siya nireplyan.
Kasi yung dating babaeng umiiyak gabi gabi dahil sa kanya… wala na.
Pinalitan na siya ng babaeng marunong nang piliin ang sarili niya.
Hindi ako nag revenge para saktan siya.
Nag revenge ako sa pamamagitan ng pagiging masaya… kahit wala siya.
At yun ang pinaka masakit na revenge para sa taong akala niya, hindi mo kayang mabuhay nang wala siya.

Want your business to be the top-listed Beauty Salon in Quezon City?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Quezon City