istorya tupo tupo
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from istorya tupo tupo, Health/Beauty, pangasinan, San Nicolas.
05/12/2025
hi po tupo tupo,lumaki po ako sa isang baryong may mahirap na pamumuhay ang magulang ko ay nangangamuhan sa syudad kaya nang magbinata may nakita ang nanay ko na nanghahanap ng tagapag alaga sa isang matandang lalaki at ako ang pinasok nagtagal ng anim na taon na nag alaga hangan sa nakapag asawa na ako at nagka ank ng kmbal subalit nung mamatay ang amo pinauwi na ako ng kamag anak ng amo ko kaya nagbalik ako sa baryo at nagbukid ulit.. subalit sa isang iglap para na akong c cinderlo..
kriing...!! tumatwag ang nanay ko na nanginginig ang boses
anak... ikaw ang nag iisang tgapagmana ng naging amo mo...milyones anak!!
sumandali akong nawala sa sarili ko,napasandal ako sa butas butas na papag na nasa terasa namin.di makaimik ng ilang segundo hindi mawari kung maiiyak na tuluyan .dumating nman ang asawa galing sa paglalaba sa batis na basa ang laylayan ng palda at halata sa mukha ang pagod at gutom.kumain kna ba mahal? tanong nito subalit nangingilid ang luha na sumagot ako.. mahal...mayaman na tayo,ang inalagaan kong matanda na kamamtay nong nkaraang buwan lang may last will daw pla at sa akin nakapangalan nginig pa ang boses kong ibalita ito sa asawa ko.hindi umimik ang asawa ko habang ibinababa ang batya na hawak ayoko ng ganyang biro ayokong umasa saad nito pero halatang nagustuhan nya ang sinabi ko dahil di maitago ang saya sa ngiti nya
mahal..katatawag lang ni nanay pinapupunta ako sa syudad agad agad. parang magic ang lahat naalala ko pa nung umalis ako sa bahay ng amo ko na dala lng ang kokonting damit at ang huling sahod na binigay ng pinsan ng amo ko.wala silang imik lahat nang umuwi na ako pero alam kong hindi rin sila naging mabait sa akin dahil halata ang pagkakaibigan namin ng naging amo kong matanda at malapit kami sa isat isa dahil itinuring ko syang tiyohin.ngayon ako na ang me ari sa malaking bahay at sakahan ng matanda at ang malaking halagang nasa bangko.panaginip po ba ito ama saad ko,at ang bilis nang pangyayari tupo tupo dahil ngayon pag aari ko na ang kahit kaylan di ko inakalang makakamit ko.ganun pla ang buhay maging mabait ka lang at magsipag at higit sa lahat maging mapanalanginin makakamit ang mga dating pangarap lang.ngayon tinatamasa na namin ang sarap nang buhay kasama ang mga mahal sa buhay.ang twag na nila sa akin ngayin ay cinderello pero okay lang totoo naman kasi baigla bigla akong yumaman.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Pangasinan
San Nicolas
2426
