Kwento ng Bayan Ngayon
Your source for the most recent news, stories, and updates from the Philippines. For promotion email at [email protected]
Stay up to date on current events, inspirational tales, and vital problems affecting our country today.
30/05/2026
MAGPA ES**RT KAYO!
Naglatag si Panfilo Lacson ng solusyon para sa mga senador na posibleng maharap sa pag-aresto pero nais pa ring makadalo sa impeachment trial. Ayon kay Lacson, kung nais nilang makaboto, maaari silang magpa-escort sa pamamagitan ng Bureau of Jail Management and Penology matapos humingi ng “leave of court” sa Sandiganbayan o iba pang korte. Giit niya, mas mainam ito kaysa isulong ang online voting kung wala namang force majeure o emergency.
30/05/2026
FAKE PALA
Nagpahayag ng pagkadismaya si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga nagaganap na kontrobersiya sa Senado, kabilang ang mga personalang bangayan, minority walkout, pagbabago sa liderato, at ang insidente ng umano’y putukan. Sa isang press conference, sinabi ng Pangulo na tila nalilihis na ang Senado sa mahahalagang usaping pambansa at naging mababaw na ang mga talakayan. Nakatawag-pansin din ang kanyang pahayag na “fake pala ’yung putukan,” na nagpapakitang hindi siya kumbinsido na tunay ang napaulat na insidente. Sa ngayon, wala pang tugon ang mayorya ng Senado kaugnay sa naging pahayag ng Pangulo.
30/05/2026
ILANG SENADOR MAGLALABAS NG EBIDENSYA NG PAGBABANTANG NATANGGAP
Nagbunyag si Alan Peter Cayetano ng umano’y intimidasyon at pananakot laban sa mga senador ng mayorya para mapigilan ang pagbuo ng isang independiyenteng Senado. Ayon sa kanya, may mga banta umanong ipakukulong o gagawing “living hell” ang buhay ng ilang senador kapag hindi lumipat ng panig. Dagdag pa ni Cayetano, posibleng maglabas ng ebidensya sa mga susunod na araw ang ilang senador upang patunayan ang umano’y pananakot at panggigipit.
30/05/2026
TRILLANES BABATUKAN SI MARCOLETA
Nagpahayag si Antonio Trillanes na wala siyang ikinatatakot sa planong pagpatawag sa kanya ni Senador Rodante Marcoleta sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order kaugnay ng mga pangyayaring naganap habang hinahanap si Senador Ronald “Bato” dela Rosa. Iginiit ni Trillanes na dumalo siya noon dahil sa hamon ni Dela Rosa at hindi dahil sa anumang utos. Sinabi rin niyang handa siyang humarap sa anumang imbestigasyon at muling ipinakita ang kanyang pagiging palaban sa isyu. Wala pa namang opisyal na tugon si Marcoleta sa mga pahayag ni Trillanes.
30/05/2026
PONDO HINDI PARA SA MGA PULITIKO
Mariing nilinaw ni Tingog Party-list Rep. Jude Acidre na walang pondong inilaan para sa mga programang medikal ng gobyerno ang napupunta sa mga pulitiko. Ayon sa kanya, ang MAIFIP at iba pang medical assistance programs ay nakatuon sa pagtulong sa mga pasyenteng may mabibigat na karamdaman at gastusin na hindi saklaw ng Philhealth. Binigyang-diin ni Acidre na ang pondo ay direktang ginagamit para sa pangangalaga at pagpapagamot ng mga nangangailangan at hindi para sa anumang interes sa pulitika.
30/05/2026
MGA KORAP MAKIKINABANG KAPAG NAWALA SI PBBM
Nagpahayag ng pagdududa si broadcaster Arnold Clavio sa mga panawagang patalsikin o pababain sa puwesto si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Ayon sa kanya, posibleng ang mga sangkot sa katiwalian ang makinabang kung mapuputol ang termino ng Pangulo dahil maaaring maantala o matigil ang mga kasalukuyang imbestigasyon sa umano’y mga anomalya sa gobyerno. Iginiit ni Clavio na ikatutuwa umano ito ng mga magnanakaw sa pamahalaan.
30/05/2026
SOTTO MAY AWARD
Pinarangalan ng Vicente Sotto III o Tito Sotto ng Outstanding Senate President Award mula sa Public Attorney’s Office sa ginanap na 9th Grand National Convention. Sa kanyang mensahe, iginiit niya na ang kapangyarihan sa gobyerno ay dapat gamitin para sa kapakanan ng mamamayan, lalo na ng mga nasa laylayan, at hindi para sa pansariling interes. Kinilala ng PAO ang kanyang naging pamumuno at ambag sa pagsusulong ng serbisyong pampubliko at pagpapatibay ng tiwala sa mga institusyon ng pamahalaan.
30/05/2026
PBBM-HINDI NA ITO ANG SENADO NOON
Nagpahayag si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng pagkadismaya sa kasalukuyang sitwasyon sa Senado matapos ang sunod-sunod na kontrobersya at bangayan sa pagitan ng majority at minority blocs. Ayon sa Pangulo, maging si Executive Secretary Ralph Recto ay napapailing na rin sa malaking pagbabago ng Senado kumpara noong sila ay kapwa senador pa. Sinabi ni Marcos na dati ay matitindi man ang debate ay hindi nauuwi sa personalan, ngunit ngayon ay mas lumalala umano ang alitan at bumababaw ang diskusyon sa Mataas na Kapulungan.
30/05/2026
RAMPA ULIT
Nagbabala si Senador Panfilo Ping Lacson na maaring maulit ang walkout ng minority bloc kung ipipilit ng mayorya ang pag-apruba sa panukalang remote participation at online voting sa Senado nang walang sapat na quorum. Ayon kay Lacson, handa silang ulitin ang naging paglabas nila sa plenaryo noong nakaraang Martes bilang protesta. Patuloy na nagiging mainit ang tensyon sa Senado dahil sa kontrobersyal na panukalang payagan ang teleconferencing at online voting ng mga senador.
30/05/2026
PAMILYA NG EJK VICTIMS NANGANGAMBA SA POSIBLENG PAGLAYA NI DUTERTE
Nagpahayag ng pangamba ang ilang testigo at pamilya ng mga biktima ng umano’y extrajudicial killings (EJK) kaugnay sa posibilidad na makalaya si dating Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Atty. Joel Butuyan, nangangamba ang mga complainant sa kanilang seguridad at kaligtasan, pati ng kanilang mga pamilya, habang nagpapatuloy ang proseso ng kaso sa International Criminal Court. Babala ni Butuyan, maaaring muling umigting ang takot at tensyon sa mga komunidad na direktang naapektuhan ng isyu.
30/05/2026
PALIT-PAMUNUAN SA SENADO SUSI PARA MAIBALIK ANG DIGNIDAD NG SENADO
Naniniwala si Senador Erwin Tulfo na kinakailangan na ang pagbabago sa liderato ng Senado upang maibalik ang dignidad at tiwala ng publiko sa Mataas na Kapulungan. Ayon sa senador, mahalagang magkaroon ng pamunuang magtataguyod ng integredad at kapakanan ng mamamayan sa gitna ng mga isyung kinakaharap ng Senado.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Address
Laguna
Santa Cruz
11111
