Its Yourself
Tamaan ang tatamaan ✌️✌️
15/03/2026
“Pagkatapos ng isang gabing puno ng pagnanasa, tumanggap ang isang batang estudyante ng isang milyong piso at iniwan… Makalipas ang pitong taon, ang katotohanan tungkol sa ‘presyong’ iyon ang nagpatigil sa kanyang paghinga.”
Noong gabing iyon, matapos ang init ng alak at ang kumikislap na mga ilaw ng Poblacion sa Makati, nagising siya sa isang silid ng hotel na may tanawin sa maringal na Ayala Avenue. Bahagya pa lamang ginagawang ginto ng bukang-liwayway ang mga gusali nang maramdaman niya ang bigat ng realidad.
Ang pangalan niya ay Camille Martinez, isang ikatlong taong estudyante sa College of Business Administration ng Unibersidad ng Pilipinas. Galing siya sa isang maliit na bayan sa Pangasinan. Magsasaka ang kanyang mga magulang; ang kanilang mga k**ay ay may bakas ng lupa at pagsisikap. Bawat pisong ipinapadala nila ay tahimik na sakripisyo—isang pustahan para sa kinabukasan ng kanilang anak.
Sa ibabaw ng mesa sa tabi ng k**a ay may makapal na sobre. Nanginginig ang kanyang mga k**ay nang buksan niya iyon. Isang milyong piso, cash. At isang maikling sulat:
“Isipin mo itong tadhana. Huwag mo akong hanapin.”
Nawala na ang lalaki.
Sa loob ng ilang araw, nabuhay si Camille sa pagitan ng hiya at pangangailangan. Nalilito siya, para bang may naglagay ng presyo sa kanyang dignidad. Ngunit may atrasong bayarin sa boarding house. Dalawang linggo na lang at deadline na ng tuition. Kailangan ng kanyang nakababatang kapatid ng mga gamit para sa Senior High School. Hindi nagbibigay ng pahinga ang realidad.
Matapos ang maraming luha, nagpasya siya: hindi niya hahayaang ang perang iyon ang magtakda kung sino siya. Gagamitim niya iyon bilang tulay, hindi bilang tanikala.
Binayaran niya ang kanyang mga utang sa unibersidad. Nagpadala siya ng malaking halaga sa kanyang mga magulang upang maipaayos ang bubong ng kanilang bahay at pambili ng mga kagamitan sa bukid. Ang natitira ay inilagay niya sa isang investment account. Bawat perang papel ay tumigil na maging insulto at naging pagkakataon.
15/03/2026
BINUNTIS NIYA KO KASI MAGANDA DAW AKO PERO…
Sabi nila, “Sana all maganda.” Pero minsan, yung ganda mo, yun din pala yung magiging sumpa mo.
Nagsimula kami ng asawa ko na punong-puno ng pangarap. Mahal na mahal niya raw ako. Sabi niya dati, “Ang ganda-ganda mo talaga, Mommy. Kaya gusto ko, marami tayong maging anak para lahat sila, mamana yung mukha mo.”
Naniwala naman ako. Ang ending? Sa edad naming 35, anim na ang anak namin. Inakan ako nang inakan dahil “maganda” raw ako. Proud na proud siya tuwing buntis ako, pero hindi ko alam na habang lumalaki yung pamilya namin, lumalaki din pala yung mundo niya sa labas.
Hanggang sa napansin ko na lagi na siyang overtime, halos gabi-gabi. Pag tinanong ko kung bakit, lagi niyang sagot, “Malaki na pamilya natin. Anim na anak natin. Kailangan ko magsipag.”
Syempre, naniniwala ako. Nagpapasalamat pa nga ako minsan kasi akala ko nagpapakapagod siya para sa amin.
Hanggang sa isang gabi, may nag-message sa akin. Hindi ko kilala.
May sinend na picture. Picture ng asawa ko… kasama yung babae. Magkayakap pa. Para akong binuhusan ng malamig na tubig.
Doon ko na realize na matagal na pala siyang may ibang babae. At yung overtime na sinasabi niya… yun pala yung time nila.
Alam niyo yung pinak**asakit? Hindi ko siya kayang komprontahin. Hindi dahil mahal ko pa siya. Kundi dahil natatakot ako.
Natatakot ako na kapag nagalit siya… iwan niya kami. Wala akong stable na trabaho. Anim ang anak ko. Kung iiwan niya kami, hindi ko alam kung paano kobubuhayin yung mga bata.
Kaya hanggang ngayon, nagpapanggap akong wala akong alam.
Pag sinasabi niyang “overtime ako,” tumatango na lang ako. Pag uuwi siyang madaling araw, nagluluto pa rin ako ng pagkain niya. At ngumingiti ako sa harap ng mga anak ko… kahit parang dinudurog na ako sa loob.
At oo… alam ko na sasabihin ng iba dito.
“Ang tanga mo.”
“Ba’t di mo iwan?”
“Ba’t ka nagtitiis?”
Isa lang ang sagot ko: KASI NANAY AKO.
Hindi ko kayang iparanas sa mga anak ko ang buhay na hindi ko sigurado.
09/06/2025
Pag nabaryahan isang kisap mata lang😁🤔🤔
Ang taong mapagpakumbaba,
Higit na pinagpapala.
06/06/2025
Habang natutulog si Misis
May nag message sakin. Isang babae . So tiningnan ko baka naman hihingi ng tulong.. sabi nya "Hi." sabi ko naman "Yes po?"
Reply nya ako pala si blah2x
(Sya pala ay isang nakaraan)
Bigla akong napa lingon sa asawa ko sa tabi ko.
Nakita kong himbing na himbing ang tulog galing sa buong araw na pag aalaga sa aming anak padede pa kain paligo and pakikipag laro.
Minamasdan ko sya at napaisip..paano sya nakaka tulog ng mahimbing at kampanteng kampante ..
simple lang kasi may tiwala sya sa akin , alam din nyang Mahal na mahal ko sya at di ko sisirain ng ganyan ang pamilya namin.
Lahat ng ito pumasok sa isip ko. Kaya pinindot ko agad ang "Block " sabay lapag sa cellphone at tumabi sa aking mag ina at sinabayan ko silang matulog.
Iwas temptation iwas sakit sa ulo iwas na maka sakit ng tao... iwas problema...
Ang pag tataksil ay hindi mistake kung hindi choice mo yan.. ugaliing isipin ng mabuti ang pamilya lalong lalo na ang anak mo..
Alam mo sa totoo lng pag nag cheat ka sa taong kayang gawin ang lahat para sayo.. niloloko mo ang sarili mo..out of TRUE LOVE AND LOYALTY ng partner mo para sayo.
hindi lang to para sa mga lalake para din to sa mga babae..
20/05/2025
😆😆
19/05/2025
❣️❣️
May mga tao talaga na ayawkang maging masaya..kaya sinisiraan kanila.
pero ang masaklap dun,
hindi ka AFFECTED
kaya naiinis sila.😛
14/05/2025
With Wheng Caralipio Cornejo – I just got recognized as one of their top fans! 🎉
Lets go comment down your link below !Then ill follow you all the way!!
Family fued
Karaniwang regalo sa binyag🤣🤣
DISCLAIMER:
I give all credits to the original uploads and contents. No copyright infringement intended. I do not own the audio in this video. It belongs to rightful owners.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Telephone
Website
Address
Santo Tomas
