Usana - Independent Distributor Sariaya Quezon
Health care
26/04/2024
ANO ANG ISYU?
Matagal nang inirereklamo ng mga residente ng Brgy. Concepcion Pinagbakuran at Brgy. Concepcion Bugon ang iligal na quarry operation sa paanan ng Mt. Banahaw na sakop ng Mt. Banahaw - San Cristobal Protected Landscape (MBSCPL).
Sa loob ng ilang taon ay nanatiling bingi at walang aksyon ang Lokal na Pamahalaan ng Sariaya hinggil sa isyu.
BAKIT NAPILITANG MAGLABAS NG PAHAYAG SI MAYOR GAYETA?
Umingay kamakailan sa social media ang serye ng malalakas na pagsabog na nagdulot ng pagyanig sa mga kabahayan at takot sa mga residente. Imbis na akuin, nagpalusot ang Sariaya LGU sa pagsasabing ordnance disposal lamang ng Philippine Army ang ginawa sa protected area. Walang nakitang pag-ako ng responsibilidad sa bahagi ng LGU.
Dahil sa matinding pressure, napilitang maglabas ng video statement si Gayeta sa layuning iligtas ang sarili at iwasan na mapunta sa kanya ang sisi. Ngunit imbis na pag-ako ng responsibilidad, puno ng kasinungalingan, pag-iwas, at pagpapalusot ang nilaman ng kanyang pahayag.
BAKIT HINDI NA KAILANGAN ANG PETISYON?
1. Alam na natin ang pulso ng mga Sariayahin kaya hindi na kailangan pa ng petisyon. Ayaw ng mga tao sa quarry dahil ito’y mapanira sa kalikasan, mapaminsala sa seguridad at kabuhayan, at nagdudulot ng takot sa mga tao.
2. An illegal activity remains illegal, regardless of its nature, no matter the number of its supporters or oppositors. Illegal is illegal. Ang iligal ay dapat na pinahihinto, may petisyon man o wala.
3. Bilang alkalde, alam dapat ni Mayor Gayeta kung ano ang tama at mali, kung ano ang ligal at iligal. If Mayor Gayeta still feels the need for a petition, that only means he does not see quarry operations in Mt. Banahaw as illegal.
KUNG GANON, BAKIT NAGPAPAPETISYON PA SI MAYOR GAYETA?
1. Nagpapalusot si Mayor Gayeta para hindi masabi ng mga tao na pumapabor siya sa quarry operations. Pero ang katotohanan, sa tinagal-tagal niyang pagiging mayor, hindi niya pinahinto ang nasabing quarry operations.
TOTOO BA NA MONITORING LAMANG ANG MAGAGAWA NG LGU? ANO ANG MAAARI SANA NILANG GINAWA PARA MAPAHINTO ANG QUARRY OPERATIONS?
1. Hindi totoo. Bagamat bahagi ng trabaho ng LGU ang monitoring kung nasusunod ba ng quarry operators ang mga regulasyon na ibinaba ng Provincial Mining Regulatory Board, may kapangyarihan ito na bawiin ang mga permit na iginawad nila sa mga ito. LGU ang nag-issue ng business permit, kaya LGU rin ang may kapangyarihan na irevoke ito.
2. The LGU could have:
- filed for a Temporary Restraining Order (TRO) in court.
- requested the DENR through the GMB to issue a cease-and-desist order against these illegal quarry operations.
- sent a recommendation to the Provincial Mining Regulatory Board (PMRB) to revoke the licenses and permits issued to the said quarry operations
———————————————————————
Hindi pwedeng ipasa ni Mayor Gayeta at ng Sariaya LGU ang pananagutan sa DENR, GMB, at PMRB, dahil LGU ang nag-iisue ng business permit sa mga quarry operators.
Dapat agarang ipahinto ng Sariaya LGU ang quarry operations, at huwag nang gamitin pang palusot ang petisyon para makaiwas sa pananagutan, at patagalin ang operasyon ng nasabing quarry operations.
20/04/2024
This is the lucky leprechaun, don't ignore it and something wonderful will happen to you
18/04/2024
18/04/2024
17/04/2024
Return of illegal quarry in Mt. Banahaw alarms green group LUCENA CITY, QUEZON, Philippines — Environmentalist group Tanggol Kalikasan (TK) on Tuesday revealed that illegal quarrying was back on the slopes of Mt. Banahaw in Sariaya town in Quezon
02/04/2024
walang mabanas,pag nagarul at naninigas!
-ctto-
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Telephone
Website
Address
Sariaya
4322
