Bro. Romy Health & Wealth Tagaytay
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Bro. Romy Health & Wealth Tagaytay, owl, Silang.
04/04/2024
𝑷𝒆𝒓𝒕𝒖𝒔𝒔𝒊𝒔: 𝑴𝒈𝒂 𝑺𝒊𝒏𝒕𝒐𝒎𝒂𝒔, 𝑮𝒂𝒎𝒐𝒕, 𝒂𝒕 𝑷𝒂𝒈-𝒊𝒘𝒂𝒔
𝑷𝒂𝒂𝒏𝒐 𝒎𝒂𝒈𝒑𝒂𝒍𝒂𝒌𝒂𝒔 𝒏𝒈 𝒊𝒎𝒎𝒖𝒏𝒆 𝒔𝒚𝒔𝒕𝒆𝒎?𝑩𝒊𝒕𝒂𝒎𝒊𝒏𝒂 𝒂𝒕 𝑴𝒊𝒏𝒆𝒓𝒂𝒍 𝒖𝒑𝒂𝒏𝒈 𝑴𝒂𝒑𝒂𝒍𝒂𝒌𝒂𝒔 𝒂𝒏𝒈 𝑹𝒆𝒔𝒊𝒔𝒕𝒆𝒏𝒔𝒊𝒚𝒂
𝑨𝒏𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝒘𝒉𝒐𝒐𝒑𝒊𝒏𝒈 𝒄𝒐𝒖𝒈𝒉 𝒐 𝒑𝒆𝒓𝒕𝒖𝒔𝒔𝒊𝒔 𝒐 𝒖𝒃𝒐𝒏𝒈-𝒅𝒂𝒍𝒂𝒉𝒊𝒕
Ayon sa Department of Health ang Pertussis o Whooping Cough ay nagdudulot ng matinis at ipit na paghinga matapos ang pag-ubo. Ang bata ay maaaring makaranas ng apnea o pagtigil sa paghinga, pagkahirap sa paghinga, at pagsusuka.
𝑺𝒊𝒏𝒕𝒐𝒎𝒂𝒔 𝒏𝒈 𝒘𝒉𝒐𝒐𝒑𝒊𝒏𝒈 𝒄𝒐𝒖𝒈𝒉 𝒐 𝒑𝒆𝒓𝒕𝒖𝒔𝒔𝒊𝒔
Ang whooping cough ay nagsisimula sa mga sintomas na katulad ng karaniwang sipon, na tinatawag na catarrhal stage. Ito ay tumatagal ng isa hanggang dalawang linggo. Ang mga posibleng sintomas ng stage na ito ay ang mga sumusunod:
• Bahing
• Mild fever o lagnat
• Runny nose
• Mild cough
𝑷𝒂𝒈𝒈𝒂𝒎𝒐𝒕 𝒔𝒂 𝑾𝒉𝒐𝒐𝒑𝒊𝒏𝒈 𝑪𝒐𝒖𝒈𝒉
Karaniwang ginagamot ang whooping cough sa pamamagitan ng mga antibiotics. Ang mga gamot na ito ay makakatulong upang mas mabilis na gumaling ang impeksyon at maiwasan ang pagkalat nito sa iba. Mahalaga rin na ang mga taong nakatira kasama ng taong may impeksyon ay uminom din ng antibiotics (Postexposure Prophylaxis) kahit na sila ay hindi nagpapakita ng sintomas.
𝑴𝒈𝒂 𝑯𝒂𝒌𝒃𝒂𝒏𝒈 𝒔𝒂 𝑷𝒂𝒈-𝒊𝒘𝒂𝒔
• Mahalaga ang pagkakaroon ng sapat na pahinga
• Pag-inom ng maraming likido
• Pagkain ng maliliit na pagkain upang maiwasan ang pagsusuka pagkatapos umubo
• Iwasan din ang paglalagi sa lugar na may usok ng sigarilyo.
• Kung ikaw o ang iyong anak ay mayroong whooping cough, agad na tumawag ng ambulansya kung makaranas ng hirap sa paghinga, pagtigil ng paghinga, o pagkakaroon ng seizure. Agad ding kumonsulta sa doktor kung magkaroon ng mataas na lagnat, madalas na pagsusuka, o senyales ng dehydration.
• Ang bakuna ay lubos na inirerekomenda para sa mga bata, mga buntis sa bawat pagbubuntis, mga matatanda, at lalo na sa mga taong madalas na kasama ng mga sanggol upang mabawasan ang tsansa ng pagkalat ng impeksyon. Panatilihing malinis ang bahay, lalo na ang kuwartong pinaglalagian ng may sakit. Ang usok, alikabok, amoy ng mga kemikal, at sobrang pabango ay ilan lamang sa mga puwedeng makapagpalala at magdulot ng pag-ihit ng ubo ng pasyente. Kung may kasama sa bahay na naninigarilyo, siguraduhing hindi malalanghap ng pasyente ang usok.
• Maghugas nang mabuti ng mga kamay, lalo na kung bibigyan ng gamot o pakakainin ang pasyente. Matapos ng mga gawaing ito, maghugas muli ng mga kamay upang mapigilan ang pagkalat ng sakit.
• Magmumog ng maligamgam na tubig na may Silverfesh Antibacterial toothpaste
• Regular na uminom ng vitamins tulad ng Vitamin D, Vitamin C, B6 and B12, Vitamin E dahil makatutulong itong palakasin ang immune system.
𝑷𝒂𝒂𝒏𝒐 𝒎𝒂𝒈𝒑𝒂𝒍𝒂𝒌𝒂𝒔 𝒏𝒈 𝒊𝒎𝒎𝒖𝒏𝒆 𝒔𝒚𝒔𝒕𝒆𝒎?
Palakasin ang mga panlaban ng iyong katawan sa pamamagitan ng pagtiyak na kumakain ka ng balanseng diet at sa pamamagitan ng pag-inom ng food supplements kung kinakailangan. Palaging kumunsulta sa iyong doktor o sa rehistradong nutritionist dietitian.
• 𝐁𝐢𝐭𝐚𝐦𝐢𝐧𝐚 𝐃 𝐓𝐚𝐤𝐞 𝐅𝐞𝐫𝐧 𝐃 𝐕𝐢𝐭𝐚𝐦𝐢𝐧 𝐃𝟑: Isa namang pag-aaral ang nagsasabi na ang Bitamina D ay nakatutulong sa pag-iwas sa pagkakaroon ng malalang impeksiyon sa baga at iba pang sakit sa ating sistema ng paghinga. Ito rin ay nakatutulong sa epektibong paggamit ng katawan ng calcium. Ang calcium ay kailangan ng katawan para lumakas ang mga buto. Ang Bitamina D ay maaring makuha habang nakababad sa araw. Ito rin ay pwedeng makuha sa iba’t ibang uri ng pagkain gaya ng mushrooms at isda.
• 𝐁𝐢𝐭𝐚𝐦𝐢𝐧𝐚 𝐂 𝐓𝐚𝐤𝐞 𝐅𝐞𝐫𝐧 𝐂 𝐀𝐍𝐃 𝐅𝐞𝐫𝐧 𝐀𝐜𝐭𝐢𝐯:Ayon sa National Institute of Health, ang bitamina C ay nagpapalakas ng cells ng katawan upang labanan ang anumang mikrobyo na posibleng maging sanhi ng impeksiyon o sakit. Hindi kaya ng katawan na gumawa ng bitamina C kaya kinakailangan na kumain ng mga gulay, prutas, o suplemento na sagana sa bitamina C.
• 𝐁𝐢𝐭𝐚𝐦𝐢𝐧𝐚 𝐁𝟔 𝐓𝐚𝐤𝐞 𝐅𝐞𝐫𝐧 𝐀𝐜𝐭𝐢𝐯: Ang Bitamina B6 ay mahalagang bitaminang pampalakas ng resistenya. Binibigyan nito ang ating katawan ng mga panlaban sa mga mikrobyong nagdudulot ng impeksiyon.
Ang pagkain ng manok at ng mga partikular na uri ng isda gaya ng tuna ay makapagbibigay ng Bitamina B6 sa ating katawan. Tinutulungnan ng Bitamina B6 ang ating katawan upang magamit ang isa pang uri ng Bitamina na nagpapalakas ng resistensya, ang Bitamina B12.
• 𝐁𝐢𝐭𝐚𝐦𝐢𝐧𝐚 𝐁𝟏𝟐 𝐓𝐚𝐤𝐞 𝐅𝐞𝐫𝐧 𝐀𝐜𝐭𝐢𝐯: Pinalalakas ng Bitamina B12 ang resistensya sa pamamagitan ng pagpaparami ng white blood cells. Ang white blood cells ay instrumento sa paglaban ng katawan sa mga impeksiyon na maaring pumasok sa sistema at maging dahilan ng sakit.
Ang kakulangan ng Bitamina B12 ay nagdudulot ng pamumutla, panghihina, at ang pagiging madaling pagtablan ng sakit. Upang mapataas ang dami ng Bitamina B12 sa katawan, maaring kumain ng atay, karne ng baka at manok, at itlog. Ang pagkain ng tokwa at tsokolate ay makatutulong rin sa pangangailang bitamina. Ito ay tinatawag ring Riboflavin na maaaring makuha mula sa dietary supplements.
• 𝐁𝐢𝐭𝐚𝐦𝐢𝐧𝐚 𝐄 𝐓𝐚𝐤𝐞 𝐅𝐞𝐫𝐧 𝐄: Ang Bitamina E ay isang uri ng antioxidant na tumutulong sa paglaban sa mga mikrobyong nagtatangkang pumasok sa ating katawan. Pinalalawak nito ang mga ugat na pinagdadaluyan ng dugo upang hindi ito mamuo at magdulot ng anumang sakit gaya ng stroke. Ang kawalan naman ng Bitamina E sa ating pangangatawan ay nagdudulot ng panghihina at pagiging malapitin sa sakit. Ang mga pagkain na sagana sa bitamina E ay mga iba’t ibang uri ng mani at buto ng gulay.
PM for more details
Call or text #09380785163
Disclaimer! If symptoms persist consult your doctors.
Source
https://caro.doh.gov.ph/pertussis-o-whooping-cough/
https://getmeds.ph/blog/five-vitamin-boosting-immunity-against-illness/
https://www.smartparenting.com.ph/health/your-health/vitamins-para-sa-mga-babae-a00264-a1820-20190825
https://hellodoctor.com.ph/fil/kalusugan-respiratory/natural-na-gamot-sa-ubo/
https://www.telecure.com.ph/post/pertussis-mga-sintomas-gamot-at-pag-iwas
https://www.smartparenting.com.ph/sakit-at-sintomas/mga-uri-ng-sakit-sa-baga/pertussis-o-whooping-cough-sanhi-lunas-pag-iingat-a5334-20240322-lfrm
https://ph.theasianparent.com/gamot-sa-ubo-na-may-halak-whooping-cough
https://mediko.ph/karamdaman/ubong-dalahit-pertussis/gamot-lu
Click here to claim your Sponsored Listing.
Contact the business
Telephone
Website
Address
Owl
Silang
4118
