Tulaan ni Manay Kaday- Tagalog/Bicol
Compilations of Poetry created by Manay Kaday
Lahat ng kilos at galaw
Iisipin ng iba laging nangingibabaw
Maraming kailangang patunayan at hingin
Tama o mali man ang gawin
Maraming mata ang nakatingin
Nakasilip sa lahat ng iyong susunod na gagawin
Oh, teka lang hinay-hinay
Baka makaligtaan at wala kang maisumpay
Ngayon ko lang napagtanto
nakakapagod pala maging tao
Parating may kailangang isakripisyo
Minsan naiisip ko, masarap kaya maging bato?
Ang totoo hindi talaga pantay ang mundo
maging sa pagtingin ng mga tao
nakalalamang ang mga hindi nagpapatalo
daig ang mga walang kibo
Sa mundong puro panghuhusga
mga matang laging may puna
hindi ba kayo nagsasawa?
tingnan naman ninyo ang iba
Sa ilang taon na nabubuhay ako
walang ibang nais kundi masayang mundo
walang kailangan ipaliwanag at patunayan
nakapapagod lalo wala kang takbuhan
Bili na lang ako ng sarili kong mundo
Isang mundo na naiintindihan ako
Mundong walang sumbat at pagkabigo
Saan kaya mayroon nito ?
Maikli lamang ang buhay,
Piliin mo ang magpapasaya saiyo😊
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the business
Telephone
Address
San Rafael
Tigaon
4420
